CHAPTER 12

1964 Words

KEIRA "MAGKANO BA ANG KAILANGAN mo para pumayag ka? 1 million? 2 million? Three, four or ten--" "Wala," putol ko. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Ang gusto ko, pakawalan mo na 'ko at kalilimutan kong kinidnap mo 'ko. Hindi ako magdedemanda laban sa 'yo, basta pakawalan mo na ako." Nag-isang linya ang makakapal nitong kilay. Pagkuwa'y tinitigan niya ako. Iyong klase ng titig na tila nanunuot at tumatagos sa kaluluwa ko. Matagal. Sa halip na mag-iwas ng tingin, nakipagtitigan pa ako. "Pakawalan ka?" Mayamaya'y sabi nito sabay tawa nang pagak. "In your dreams, Keira. Hanggang hindi mo naibabalik sa dati ang pamangkin ko, hinding-hindi ka makaaalis dito. Wala akong pakialam kung magdemanda ka laban sa akin." "Okay, bahala ka." Walang ganang sabi ko. Useless din namang ipagtanggol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD