KEIRA "I want her back, Uncle Mike... I want her back!" Natigilan ako sa akmang pag-alis nang marinig ang sigaw na 'yon ni Mico kasunod ang malakas na kalabog at pagkabasag ng kung ano. "I want her back!" "Mico, alam mong wala na si Keira. Iniwan ka na niya, hindi ba? Bakit hindi mo na lang tanggapin 'yon? Bakit hindi mo na lang siya kalimutan at ayusin mo ang sarili mo?" Narinig kong sabi ni Michael sa nag-aalburutong pamangkin. Napakalumanay ng tono niya. "Hindi ko matatanggap 'yon, Uncle Mike! Mahal na mahal ko siya! Nagmamahalan kami!" Sigaw ni Mico. Walang sagot mula kay Michael. "Mahal na mahal ko si Keira, Uncle Mike. At huwag mo akong utusang kalimutan siya dahil hindi ko kaya! Hindi ko kaya...hindi ko kaya." Parang batang humagulhol si Mico habang patuloy sa pagwawal

