KEIRA LEIRA... Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng pakiramdam ang lumukob sa buo kong pagkatao nang makilala ang kakambal ko mula sa larawang ipinakita sa akin ni Michael. Nasa isang magara at kumukuti-kutitap na entablado ang kakambal ko. Maliliit na tela ang tanging nagsisilbing takip sa kaniyang katawan. Halos hubad na siya sa larawan. "Marami pa 'yan, just scroll up." Utos ni Michael. Hindi ako kumilos para sundin ang utos niya. Bukod sa ayaw ko nang makita ang ibang larawan ni Leira, hindi ko rin magawang igalaw ang daliri ko. Anong ginawa mo, Lei? Bakit mo 'to nagawa? Akma kong ibabalik kay Michael ang cell phone niya, pero hindi siya pumayag. Ipinagduldulan niya sa akin ang cell phone niya. "Scroll up." Maawtoridad niyang utos nang hindi pa rin ako kumilos. "Bakit a

