PROLOGUE
February 09 xx00
"Ina! Ama! Hestia?! N-nasaan kayo?!" Sa sobrang dami ng itim na apoy ay halos hindi ko na alam kung nasaan ako. Sa paghahanap ko ay biglang may humatak sa kamay ko.
"Celestia, nasa labas na sila Ina at Ama kasama si Letiestia. Sumunod ka sa'kin" tumango ako ng may ngiti dahil alam kong ligtas na ako pero may arrow na tumama sa harapan namin na na may pulang apoy na nagpatigil sa'ming dalawa. Tumingin kami sa aming kanan at nanduon ang isang babae na may itim na buhok at pulang mga mata na may kasamang kaedad naming babae "At saan mo siya balak dalhin, Prinsesa Hestia?" Tanong nang nakakatandang babae.
"D-Daimon?! Ano ba ang gusto niyo?! Bakit ninyo ito ginagawa, Daimon!" tanong ni Hestia.
(Note: ang Daimon ay ang mga demonyo o masasamang spirito. May mahahaba silang itim na buntot at may mga pula silang mga mata)
"Nagkakamali ka, Prinsesa dahil hindi lamang ako simpleng Daimon dahil ako'y isang Asuras, ang susunod sa pinakamataas na uri ng Daimon at tagahalili ng Royal Familia na nagmula sa Infernos" at tumuro siya sa isang kaedad naming babae na nasa tabi niya lamang "At siya ang iyong Asuras, Kaiserin Celestia ... siya si Euri"
(Note: ang Kaiserin, ginagamit lamang ito sa mga Prinsesa ng Infernos)
(Note: ang Infernos, kabilang mundo na pinagtitirhan ng mga Daimon o demonyo)
"Huh?" Ako na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. "K-Kaiserin? t-tinawag mo bang Kaiserin ang aking kapatid?!" Pagtataka ni Hestia.
"Nakapaglinis ka ba ng iyong tainga at gusto mo pang ipaulit ang akin ng nasambit? Nandito kami upang kuhanin ang aming Kaiserin" ang sabi ng isang Asuras.
"H-huwag kayong umasa na hahayaan ko kayo! First Acid Art, Splatter!" May lumabas na tubig sa palad ng aking kapatid ng itoy tumama sa mas matandang Asuras ay nasunog ang kanyang balat "Pasensiya, dahil kahit bata palang ako ay nag-aral na ako ng mahika!" Ang sambit ng aking kapatid.
"Sei! Sei! A-ano ang nangyayari sa iyong katawan?! A-ano ang iyong ginawa?" Umiiyak na tanong ng batang Asuras na si Euri.
"Huwag kang mag-alala, batang Asuras. Hindi rin magtatagal makakasama mo narin siya" itinaas niya ang kanyang kamay at napansin ko na lilikha ulit siya ng tubig kayat bumitaw ako sa kanyang kamay at tumakbo papunta sa batang Asuras at iniiwas siya. "A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Celestia? Isa siyang kaaway, isa siyang Asuras"
"Patawad Hestia, katulad rin natin siya na bata pa lang. At mukang kinokontrol siya ng ibang Asuras, wala pa siyang alam dito sa Hominubos. Pwede bang palayaan nalang natin siya? Wala din naman siyang ginagawang masama sa'tin hindi katulad ng ibang Asuras"
(Note: ang Hominubos ay ang mundo ng mga tao at ng mga may mahika)
"Huwag mong ikumpara ang sarili natin sa mga Asuras na katulad nila--" putol na sambit niya ng magsibaksakan na ang ilang gamit sa palasyo.
Lumapit sa'kin si Hestia at binatak ako dahilan upang mabitawan ko ang Asuras. Gamit ang minanang mahika ni Hestia sa aming Ina ay mabilis kaming nakalabas.
Kaagad kaming sinalubong nila Ina at Ama. "Okay lang ba kayo?" Tanong ni Ina.
"Okay lang po, Ina. Pero gusto ko po sanang malaman kung paano nagsimula ang laban ng mga taga Hominubos at ng mga taga Infernos" sagot ni Hestia.
"Ang mga Daimon ang nagpasimula nito" ang sagot ni Ama habang nakatingin sa buong paligid na punog puno ng itim apoy "Ama, maari niyo bang ipaliwanag sa'kin ang lahat ng mga ito? Nais kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit tinawag ng isang Asuras na Kaiserin si Celestia"
Napayuko sila Ama"Ito na siguro ang tamang panahon upang malaman niyo ang totoo. Celestia, hindi ako ang totoo mong Ama"
Nagulat ako sa mga salitang kanyang sinambit. Halos manggilid ang aking mga luha dahil sa aking narinig "Habang ikaw ay isinisilang ng iyong Ina ay nasambit niya ang katotohanan tungkol sa nangyari sa pagitan nila ng Hari ng Infernos. Gusto niyang ang ina niyo ang maging ina ng anak niya kaya ang dapat na ikaw lang ang isisilang ay naging araw din ng pagsilang ni Celestia" ang sabi ni Ama na nagpatulo ng aking luha.
"Sa palagay ko kaya niya ito nagawa ay dahil hindi namin siya hinayaan na makuha ka, Celestia. Dahil sa aking pagkakatanda--" dugtong ni Ina na pinutol ni Hestia.
"Ngunit Ina, ang alam ko ay namatay na ang Hari ng Infernos dahil sa isang sumpa kaya ano pa ang dahilan para kuhanin ng mga Daimon si Celestia"
"Iyon ang dahilan ng mga Daimon, dahil kailangan nila ng may namumuno sa Infernos. Nais nila na si Celestia ang mamuno sa Infernos dahil siya lang ang may Royal Blood na matatagpuan lang sa Infernos. At ang Itim na Apoy na ito ... ay ang huling apoy ng Hari ng Infernos "
"Celestia, palagi mo pakakatandaan minahal kita na parang sarili kong anak. Ang pakiusap ko lang ay sana ay huwag kang sumanib sa mga Daimon"
"Ama, ngunit anong laban ko sa kanila? Wala pa po akong natututuhang mahika bukod sa Inherited Magic na minana ko kay In-" akoy nabigla ng magsalita si Hestia.
"An-Ang ibig niyo bang sabihin ay maaring may nakuhang itim na mahika si Celestia na nagmula sa Hari ng Infernos?" Gulat na gulat na tanong niya.
Tinignan ko sila Ina at naghintay ng sagot "Hindi magtatagal ay mabubuhay na sa kanyang katawan ang Itim na Apoy na minana niya sa kanyang Ama" sagot ni Mama.
"A-ang itim na apoy ... itim na apoy na pumatay sa kapatid ko na si Reisen. Pasensiya, pupuntahan ko muna si Letiestia" At umalis na siya kaagad.
"A-Ama, Ina ... Ako ba'y kabilang sa Royal Familia dito sa Hominubus? O ako'y isang Royal Familia na galing sa Infernos? Alin sa dalawa, Ina? Ama?" Tanong ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"Celestia, tignan mo ito" kinuha ni Ama ang aking palad at sa likod ng palad ko ay ipinakita niya sa'kin ang tinatawag nilang Royal Emblem. Marka na tanging Royal Familia lang ang mayroon. Ang bawat Royal Emblem ng bawat Royal Familia ay iba iba. Ngunit ang nakaukit sa likod ng aking palad ay kalahati ng Royal Emblem ng Wallenstein at ang kalahati ay ang Royal Emblem na tanging ang Hari lang ng Infernos ang mayroon. "Prinsesa ka ng dalawang mundo, Celestia" nakangiting sabi ni Papa
"Darating ang panahon, dalawang mundo ang paghaharian mo" Ngunit ang hindi ko inaasahan ay mayroong Daimon na nagmamatyag sa amin at inatake nila kami na naging dahilan ng pagsabog, pero tinakpan ako nila Ina para hindi masaktan.
Matapos ang pagsabog nakita ko silang dalawa na wala ng malay at puro sunog ang balat "Ina!!! Ama!!!!!" Naramdaman ko na sobrang init ang nararamdaman ko at bigla nalang may lumitaw na itim na apoy sa buong katawan ko na pumaslang sa Daimon at kahit ano'y walang natira sa katawan niya.
Kaagad din nawala ang apoy sa katawan ko kaya niyakap ko sila Ina "Ina! Ama! "
Napatigil ako ng biglang may nagtanggal ng kamay ko sa pagkakayakap ko kila Mama at natulak ako papalayo "N-nakita ko ang nangyari. Totoo nga ang mga sinabi nila Ama, anak ka nga ng Hari ng Infernos. Hindi lang ang Royal Emblem mo ang nagpapatunay dito kung hindi pati narin ang Itim na Apoy mo. Kaaway ng mga taong naninirahan dito sa Hominibus ang mga naninirahan sa Infernos, at kasama ka na ngayon-- hindi, dahil nuon pa man kasama ka na nila. Ang mga naninirahan sa Infernos ay dapat pinapatay, Celestia. Maghanda ka, sa oras na makita ulit kita ay papaslangin kita. Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapaslang. Ako ang magbibigay ng kapayapaan dito sa Hominubus, Celestia at hindi ikaw"
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang iyon.
Lilisan ako pansamantala, dahil batid ko na darating ang araw na magkikita kaming muli. Magpapalakas ako upang maprotektahan ko ang mga mahahalaga sa'kin. Letiestia, patawad pero hintayin mo ako, babalikan kita kapag malakas na ako ... kapag kaya na kitang protektahan katulad ng ating ina at ama
To be continued ...