April 09, xx10
CHRYSHEIGHT POV'S
Ako si Chrysheight Saintamillion ang Prinsipe ng Kingdom ng Saintamillion. Pero dahil sa isang pangyayari napasailalim ako ng pangangalaga ng mga Wallenstein, ang pinakamakapangyarihang Royal Familia dito at ngayon ay namumuno na dito sa buong mundo ng Homunibos, ang mundo ng mga tao. At hindi ko rin aakalain na mayroon pang mas matinding mangyayari na naging dahilan para mas gumulo ang Homunibus, ang Dark Morning.
Ang Dark Morning, nangyari ito Pebrero 09, xx00. Kakasikat palang ng araw pero sobrang dilim ng paligid dahil sa itim na apoy na sinasabing Huling Apoy ng Hari ng Infernos. At nung araw na iyon marami ang namatay kabilang ang Reyna at Hari ng Kingdom ng Wallenstein o ng buong Homunibos, at simula ng nung araw na iyon ay hindi ko na nakita si Prinsesa Celestia ... ang Prinsesang nagpatibok ng puso ko. Naglaho siya na parang bula, walang nakakapagsabi kung buhay o patay na siya dahil wala pang bangkay na natatagpuan.
At ngayon dahil wala na ang Hari at Reyna ng Homunibos na ang Royal Familia ng Wallenstein ay ang nakakatandang anak na nila ang namuno rito at ito ay si Prinsesa Hestia. Isa siyang matalino at matiyaga na Prinsesa dahil kahit taon palamang siya ng pag-aaral ng mahika ay kaya niya ng mamuno ng hindi umaasa sa tulong ng ib. Napag-sasabay niya ang pag-aaral at ang pagiging batang Reyna. Ganung klaseng tao siya, iyan ang pagkakakilala ko sa kanya. Ngunit hindi nagtaggal, dahil sa pakikisama ko sa kanya ay mayroon akong hindi inaasahan na hindi kanais-nais mula sa kanya ... mga impormasyon na nagpabago ng mga malilinis kong pananaw mula sa kanya.
Nandito lamang ako dahil sa pag-aakala kong dito mas mapapadali ang paghahanap ko sa nawawalang Prinsesa, ngunit nagkamali ako ng nilapitan.
Lumapit ako sa isang mahusay at kilala bilang mahusay manghuhulang Elementaler sa buong mundo ng Homunibos para ituro sa'kin kung nasaan ang kinalalagyan ni Prinsesa Celestia. At dito ako nito dinala .... sa Elementalers Academy ... Sa 3-E Class o ang tinatawag nilang End Class ang pinakahuling section ng Third year at ang mga mahihinang Elementalers.
Ang isang normal na Elementalers at ang Royal Elementalers ay magkaiba. Sa totoo lang may sariling paaralan ang mga Royal Familia at duon nag-aaral si Prinsesa Hestia, ang nakakatandang kapatid ni Celestia at ang susunod na Reyna ng Homunibos. At hindi lang iyon ang pinagkaiba .. dahil ang mga Royal Elementalers ay tatlong mahika ang maari nilang magamit hindi katulad ng mga normal na dalawa lamang. Sa mga Royal ay ang dalawang mahika nila ay minana pa nila sa mga magulang nila na tinatawag na Inheritance Magic at ang isa ay ang pag-aaralan nila hindi katulad ng mga normal lang ay ang Inheritance Magic nila ay pipili lang ng isa sa mga magulang nila at ang isa ay ang pag-aaralan nila. Kaya masasabing pinakamalakas na mga Elementalers ang mga Royal Familia.
"Mahal na Prinsipe, nakakasigurado ka ba na nandito si Prinsesa Celestia? Alam kong mahina lang siya noon ngunit malay mo ay natuto na siya ng mahika" ang tanong sa akin ni Ruri.
Si Ruri, siya ay isang Royal Maiden o tagapangalaga ng Royal Familia. Siya ang Personal Maid ni Prinsesa Celestia na katulad ko ay naghahanap kay Prinsesa Celestia.
"Dito tayo dinala ng mahika ng isang magaling na manghuhulang Elementalers, may tiwala ako sa kakayahan niya at ang isa pa hindi naman talaga mahina si Prinsesa Celestia ... magaling siyang istratehiya" tumango lang siya biglang tugon sa sinabi ko.
Huminga ako ng malalim. Binuksan ko ang pinto ng silid at duon ay makikita ang mga gulat na gulat na napakaraming istudyante "S-si Prinsipe Chrysheight!"
"Talaga palang mahal na mahal ka ng mga tao dito sa Homunibos, Mahal na Prinsipe" nang-iinis na sambit ni Ruri habang may mapang-inis din siyang mga ngiti.
Hindi ko nalang siya pinansin at inikot ko ang tingin ko sa ang buong klase at isa-isa silang tinignan. Ni isa sa kanila ay walang kamukha ni Prinsesa Celestia. "Simula sa araw na ito ay magiging kamag-aral niyo na si Prinsipe Chrysheight kasama ang tagapangalaga ng Royal Familia ng Wallenstein, ang Royal Maiden na si Lady Ruri" ang sambit ng ni Mrs. Heiso.
"Seryoso po kayo?! Woah!" Hindi makapaniwalang sabi nila pero bigla silang napatigil "Mahal na Prinsipe, b-bakit dito niyo po napili na pumasok at hindi sa 3-A? Mahihina po kami dito hindi nila katulad na m-malalakas" ang tanong nila.
"Ang totoo, nandito lang kami upang hanapin si Prinsesa Celestia. Humingi kami ng tulong sa isang magaling na maghuhulang Elementalers dito sa Homunibos at dito kami dinala" panandalian akong tumigil sa pananalita "Kung hindi niyo mamasamain, nais ko na makita ang likod ng mga palad niyo kung mayroong Royal Emblem ng Wallenstein na nakatatak dito"
Sinunod nila ang nais ko kaya tinignan namin ito isa-isa ngunit wala parin .. kahit isa sa kanila ay wala nito. "Mrs. Heiso nais ko pong malaman kung sino ang mga bagong mag-aaral na pumasok dito matapos maganap ang Dark Morning" biglang sabi ni Ruri.
"Dalawa lamang po sila, Lady Ruri. Sila po ay sila Aihara at Eurika"
"Mahal na Prinsipe, ako po si Eurika" sabi ng isang babae. May itim siyang maikling buhok at kulay itim rin ang mga mata niya. "Ako naman po si Aihara" may mahaba siyang tuwid na itim na buhok at kulay itim din ang mata niya.
"Mrs. Heiso, bumubuo rin po ng apat na miyembro dito para sa mga Quest hindi po ba?" Tanong ko.
"Oo dahil hindi pwedeng bababa sa apat na miyembro ng team ang sasabak sa laban dahil masydong mapanganib"
"Ngayon, nais ko na maging parte kayo ng team namin hanggat hindi namin napapatunayan na isa sa inyo si Prinsesa Celestia dahil malaki ang tiyansa na gumamit ang isa sa inyo ng Transformation Art para mabago ang lahat sa inyo" lahat ay nagulat sa sinabi ko lalo na ang dalawa.
SOMEONES POV
A-ano ang g-ginagawa dito ni Prinsipe Chrysheight? H-hindi kaya nalaman na niya na nandito ako?
"Ang totoo, nandito lang kami upang hanapin si Prinsesa Celestia. Humingi kami ng tulong sa isang magaling na manghuhulang Elementalers dito sa Homunibos at dito kami dinala" e-eh? Ang ibig sabihin hindi niya pa ako nahahanp.
Patawad mahal kong Prinsipe, ngunit gagawin ko ito hindi lang para sa sarili kong kapakanan, kung hindi para sa buong Homunibos.
To be continued ...