CHRYSHEIGHT'S POV
"Tutol po ako sa inyong nais, patawad po Mahal na Prinsipe" ang sabi ni Aihara.
"Maging ako rin po, patawad" ang sambit rin ni Eurika.
"Kahit na anong gawin niyo hindi po ako ang nawawalang Prinsesa, nawala po siya matapos ang Dark Morning. Ang araw pong iyon ay ang pagdating ko dito sa Kingdom ng Wallenstein" dagdag pa ni Aihara.
"Ang araw din pong iyon ay araw ng pagkamatay ng kapatid ko. Nandito ako para maghiganti sa pumaslang sa kanila" sabi ni Eurika.
Maghiganti sa mga Daimon? Masyadong mapanganib.
"Ipagpatawad niyo din ngunit isa itong utos mula sa akin, sana maintindihan niyo" sabi ko naman.
"Prinsipe" lumingon ako kay Aihara at duon napansin ko na hinagis niya sa harap ko ang I.D niya
(Note: ang pag-abot ng I.D dito ay nangangahulugan na inaanyayahan ang isang taong inabutan niya para sa isang Duel)
"A-Aihara, seryoso ka ba?" Tanong ng isang lalaki sa tabi niya "Kung ito lang ang paraan para mapatunayan ko na hindi ako ang inaakala niya. Ano ang iyong desisyon, Prinsipe?"
Tumingin sa'kin ng may pag-aalala si Ruri "Tinatanggap ko ang iyong hamon"
Tinignan ko si Eurika "Pasensiya ngunit hindi ko nais na hamunin ang Prinsipe dahil lang dito. Pero sa oras na matalo si Aihara ako ang susunod mong makakalaban" at ibinaba niya rin ang I.D niya.
"Nakikita ko na ang resulta ng laban na to" bulungan ng mga istudyante.
Gaano nga ba talaga kahina ang mga taga class 3-E? "Naiintindihan ko, Eurika.Ngayon Aihara, patunayan mo na hindi totoo ang sinasabi nila na hindi lahat ng nandito ay mahihina" nakangiting sabi ko ng nakaramdam ako ng kakaiba sa titig niya.
"Tatlong oras mula ngayon, magkita tayo sa Battle Field" dugtong ko pa.
"Asahan mong darating ako" sagot niya.
***
AIHARA'S POV
"Alam mo na bang dito na nag-aaral si Prinsipe Chrysheight?" Rinig kong tanong ng mga istudyante.
"Oo at ang alam ko ay nasa 3-E siya para lang makita si Prinsesa Celestia"
"Pero alam mo na ba na may laban siya mamaya dahil duon?"
"Ha? Kanino naman? Isang Royal Familia din ba?"
"Nagkakamali ka, ang kalaban niya ay isang istudyante ng 3-E si Aihara Vastia"
"Ha? Si Aihara na kahit minsan ay hindi nagpakita ng mahika niya? Heh, sigurado ba siya sa ginawa niya?" May dahilan ako kung bakit ...
"Gusto mo bang manuod mamaya?"
"Manuod tayo dahil ang alam ko ay sobrang lakas ni Prinsipe Chrysheight"
Kahit nung bata palamang ako tingin na nila sa'kin ay mahina ako. Ipapakita ko kung anong kaya ko sa laban na to. Papatunayan ko na hindi ang 3-E , hindi ang End Class ang mahihina!
***
CHRYSHEIGHT POV
Usap-usapan ngayon sa buong Academy ang tungkol sa laban. Kaya matapos ang tatlong oras ay nagkita kami sa gitna ng Battle Field kung saan napakaraming tao ang nanunuod "Umpisahan na ang laban!"
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko.
Napansin ko na humawak siya sa kwintas niya "Pwede mong masabi yan dahil unang laban ko ito sa buhay ko" sabi niya kasabay ng pag-ilaw ng pulang ilaw sa kamay niya.
"First Sword Art ... Summon" at kasabay nuon ay may spear na lumitaw sa kamay niya "Ito ang mahika ko, Sword Art. Isa akong Sword Arter" ang sambit niya na nagpatahimik sa buong Battle Field.
Ang Spear niya ay may dalawang patalim bawat sulok at magkaiba ang kulay ng blade nito, isang itim at isang puti.
Sa pagkakaalam ko kabilang ang Sword Art sa mga Rare Magic sa buong Homunibos dahil inaabot ng 5 na taon bago ito matutunan. At dahil sa sobrang tagal na iyon ay halos lahat ay tumitigil na.
"Third Ice Art, Ice Slicer!" At sabay kaming sumugod sa isat isa na naging dahilan para parehas kaming matulak pabalik. Sumugod ako sa kanya at inatake siya pero sinabayan niya lang ako at naharangan ng Spear. "First Control Art! Push!" At natulak ko papalayo si Aihara.
Tumama siya sa mataas na pader pero sinapo lang ito ng paa niya at kaunting galos lang ang natamo niya "Woah! A-ang lakas talaga ni Prince Chrysheight" sigawan mula sa paligid.
Bigla siyang tumalon at inatake ako mula sa itaas gamit ang spear niya. Ang tindi ng pwersa niya kaya natulak niya ako. Kahangahanga ang kakayahan niya. First Art palang ang gamit niya pero ang lakas na.
"Second Control Art! Pull!" Sa pagbatak ko sa kaniya ay "Third Ice Art, Sword Slic--" bitin kong sabi ng biglang umabot ang Spear niya sa akin pero nakaiwas ako at galos lang sa pisngi ang natamo ko.
Panandalian kaming huminto "Mahusay ka, Aihara"
"Hindi ko rin inaasahan na ganito ka na kalakas, Prinsipe Chrysheight" napangiti ako sa sinabi niya. Ka 'na'?
Tumalon siya bigla papunta sa'kin pero "First Ice Art, Ice Shield!" At naharangan ko lang siya ng yelo kaya natulak ko siya palayo.
"Fourth Ice Art! Ridge Floor!" Bago magsilitawan ang matutulis na yelo sa lapag ay tumalon siya ng mataas at kasama ng Spear niya . "Walang epekto sa'kin yan, Prinsipe"
Ngumiti ako "Second Ice Art, Wrap!" At duon hindi niya na napiligilan na mabalot ng yelo ko.
Pero ng nawala ito ay nagtamo ito ng sugat sa katawan niya. "M-mahusay ka, Prinsipe" ramdam ko na hindi niya pa nagagamit ang totoong kakayahan niya. Pero anong dahilan.
"Third Sword Art! 8 Lion Fang!" Nagulat ako sa biglang paglitaw ng maraming espada sa harapan ko at atakihin ako. Dahil sa gulat ay hindi ko nagawang magdepensa kaya katulad niya nagtamo rin ako ng mga sugat. Sa tantsa ko ay walong espada ang bigla nalang umatake sa'kin "K-kaya niyang makipagsabayan sa isang Royal Familia ... " bulungan mula sa paligid.
Ang lakas ng 3rd stage ng Art niya. Tumalon ulit siya papunta sa'kin pero napatigil siya sa biglang pag-atake ng kung sino man.
Tinignan namin ang isang tubig sa lapag. Hindi, nagkakamali kami. Hindi ito tubig kung hindi isa itong Asido.
Tumingin kami mula sa itaas "Maaari bang itigil muna ang laban na ito?" Tanong ni Prinsesa Hestia.
"Prinsesa Hestia .... " tanging lumabas na salita sa bibig ko bago ako matauhan "Prinsesa Hestia, ano ang ginagawa ninyo sa lugar na ito?" Tanong ko kahit na puno ng kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Tumingin ako kila Eurika at Aihara. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga mukhang sasalubong sa'kin. Bakas sa mga muka nila ang galit. Pero sa kabila ng mga matatalim nilang tingin, may lungkot akong nararamdaman mula dito.
"Nais ko lang ipaalam sa inyo na kung sino man ang makakakita kay Celestia ay dakipin siya at dalhin sa Palasyo" lahat ay nagulat pero hindi ang dalawang tao, si Eurika at Aihara na hindi man lang natinag ang mga tingin "Kung hindi niyo mamasamain, Mahal na Prinsesa. Ngunit maaari ko bang malaman ang inyong dahilan at gusto niyo siyang makuha ng s*******n?" Seryosong tanong ni Aihara. Wala akong maramdamang kaba mula sa mga tingin niya.
"Elementalers...." at itinuon ng Prinsesa ang mga tingin niya kay Aihara "May isang impostor na lumilibot dito sa Homunibus, nalaman kong isa siyang impostor dahil gumamit ito ng pulang apoy, isang Daimon. Sa tingin ko ay may balak siyang hindi kanais-nais sa aking kapatid. Ang aking kapatid ay hanggang ngayon ay nawawala parin at wala tayong alam kung nasaan siya, kaya nais ko na hingin ang inyong tulong at ibalik siya sa Palasyo"
"Kung hindi niyo mamasamain, hindi kaya may rason ang Prinsesa kung bakit hindi siya makabalik ng Palasyo? Dahil imposible na umalis na lamang siya ng walang dahilan ... dahil nais niyang protektahan ang Homunibus katulad ng isang totoong Reyna" Tanong pa niya at mas lalong tumalim ang tingin niya na nagpalitaw ng mga ngiti ng Prinsesa.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon ng isang katulad mo. Gustohin man ng nakararami, hindi mababago ang katotohanang ako ang magmamana ng trono. Hindi magtatagal ay ako na ang magiging Reyna ng Homunibos kaya manahimik nalang kayo at sundin ang ipinag-uutos ko, gayundin ikaw Prinsipe Chrysheight"
"M-masusunod po, Prinsesa Hestia"sabay sabay namin sabi pwera kay Aihara at Eurika na nakatingin lang sa kanya ng seryoso.
"Umalis ka sa Palasyo at nagtungo sa ganitong lugar? Tsk, isa ka katalang walang alam na Prinsipe" nilingon niya si Aihara"Ikaw babaeng Elementaler, kung hindi mo susundin ang ipinaguutos ko makikita mo ang nararapat na mangyari sa hangal na katulad mo. First Acid Art, Splatter" nagulat ako nung atakihin niya si Aihara mag ca-cast na sana ako pero ..
"Second Sword Art, Mirror Sword ..." Mahinahong, puno ng kalmadong tingin at nakangiti niyang sabi at pagkatama sa kanyang spear ng atake ni Prinsesa Hestia ay bumalik ang atake niya sa Prinsesa "Fourth Time Art, Vanish" at biglang naglaho ang atake niya.
"N-naglaho ito ... " bulungan sa paligid. Siya ay isang Time Arter, kontrolado niya ang oras ng lahat ng bagay o may buhay sa mundo ng Homunibos. Kung hihilingin niyang maglaho ito, maglalaho ito sa isang segundo lang.
Hindi rin nagulat sa atake nayon si Aihara at napangiti pa siya rito "Prinsesa Hestia, sa aking palagay ay masasabik si Princess Celestia na dumating ang araw na magkalaban kayo. Ngunit sa ngayon, hinihingi ko ang niyong paumanhin sa aking inasal ngayon"
"Hmm, batay sa iyong tinuran, may nalalaman ka. Alam mo ba kung nasaan ang aking kapatid, maituturo mo ba siya?"
"Bakit hindi niyo nalamang hintayin ang araw na siya mismo ang lumapit sa inyo, ngunit sa pagkakataon na'yon... kailangan niyong ihanda ang sarili niyo"
Ngumiti si Prinsesa Hestia at iniwasan ang tanong nito "Ako ay pinapasaya mo. Nais kong malaman ang iyong pangalan, Elementalers"
"Aihara Vastia ang aking pangalan, Prinsesa Hestia"
"Aihara Vastia, hanggang sa muli nating pagkikita" at maglalaho na sana si Prinsesa Hestia nang pigilan siya ni Eurika "S-sandali!"
"At ano pa ang kailangan sa'kin ng isang Elementalers? .... "
"Nais kong malaman kung bakit mo ito ginagawa, ano ang iyong dahilan?"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kung ikaw ang susunod na Reyna ng Kingdom ng Wallenstein na ngayon ay pinakamalakas na Kingdom sa buong Homunibos, kung may pagmamalakasakit ka sa mga tao dito sa Kaharian ng Wallenstein hindi mo hahayaan na matakot ang mga tao sa sinasabi mong impostor"
Napansin ko na medyo nangiti si Prinsesa Hestia "Ano ang nais mong iparating? Na wala akong pakialam sa mga tao dito? Nais ko lamang na maging alerto at hingin ang tulong ng mga Elementalers upang matigil na ang gulong ito"
"Kung titignan mo ang paligid, hindi lang ang mga Elementalers ang mga nandito kung hindi nandito rin ang mga non-Elementalers na hindi maaaring lumaban. Hindi kaya ginagawa mo ito hindi para sa ikabubuti niya kung hindi para siya ay mapaslang at idahilang impostor iyon?"
A-ano ba ang iniisip ni Eurika! N-nasisiraan na ba siya para hamunin ang susunod na Reyna ng Kaharian ng Wallenstein?
"Hindi ko inaasahan na sa'yo manggagaling ang mga katagang iyan. Ngunit nagkakamali ka, sinasabi ko ito sa lahat upang maging handa sila"
Umiwas ng tingin si Eurika at mapapansin ang pagtikom ng mga palad niya dahil sa galit "Umalis siya ng alam mo ang dahilan, ikaw lang ang nakaaalam ng dahilan na 'yon. At ikaw lang ang nakaaalam kung paano matutukoy kung sino talaga ang tunay na Prinsesa Celestia" at ibinalik niya ang tingin niya sa Prinsesa ng seryoso.
"Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Elementalers. Pero alam ko ang tinutukoy mo na magtuturo sa'kin kung sino ang totoong Celestia gamit ang mahikang iyon. Hindi ko inaasahan na mayroon ng mga Elementalers na katulad niyo. Nais ko rin na malaman ang iyong pangalan, sino ka?"
"Sa ngayon Mahal na Prinsesa Hestia, ako si Eurika Seigford" S-sa ngayon? Ano ang ibig niyang sabihin?
Lumaki ang ngiting mayroon ngayon ang Prinsesa na tila kaparehas ko rin ng iniisip "Ikinagagalak ko kayong makilala Eurika Seigford at Aihara Vastia. Pero bago ako lumiban, may nais lang akong itanong sa'yo ... Eurika"
Tumingin ng diretso si Eurika at naghintay ng sagot "Paano mo nasabi ang mga bagay na iyan kung kaming dalawa nalang ang naruon nang maganap ang Dark Morning?"
"Masasagot ang inyong katanungan sa muli nating pagkikita, Mahal na Prinsesa. Pero sa pagkakataon na 'yon ... ay mukang sa digmaan na"
To be continue ..