Chapter Seven: Mad
___________________________________
REWANE
"Good afternoon po, Sir Matthew." Napanganga naman ako nang marinig ang sinabi nang cashier na nilapitan ko. Regular customer ba nila dito si Matthew at kilala na nila ito?
I tried to figure out my own feelings towards him. Yes, nasaktan ako nang dahil sa nakita ko noon but not exactly too much. I only felt betrayed by him. Dahil akala ko talaga siya na. Na iba siya sa lahat pero hindi naman pala.
"Rewane, can we talk?" puno ng pagsusumamo ang boses nito nang makalapit siya sa kinaroroonan ko.
Tinitigan ko lang siya. After what happened sa mall ay hindi na kami ulit nagkita at nagkausap pangmuli.
"Please, just for once," pakiusap nito. Nagpakawala naman ako nang isang malalim na buntong hininga at marahang tumango.
"Thank you." Isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa akin. "Sa loob na tayo mag-usap."
Puno naman nang pagtataka ang isip ko pero hindi na ako umapila. Sumunod narin ako sa kanya. Ang bawat nadadaanan namin ay bumabati sa kanya. Don't tell me na siya ang may-ari nito? Pero bakit hindi manlang niya sinabi sa akin iyon noon nang kami pa?
"Have a seat, Wane," he offered nang makarating kami sa isang maliit na opisina na meron siya dito. Seeing his name above the table. Hindi ko na kailangang magtanong pa because it really shows the obvious.
"I'm...I'm sorry for what happened," panimula nito. Hindi naman ako umimik.
Ano'ng gusto niyang sabihin ko sa kanya? Na natutuwa ako sa nakita ko at okay lang iyon?
Mukhang nahalata naman niya na hindi ako magsasalita kaya dinugtungan nito ang sasabihin nito.
"Iyong babaeng nakita mong kasama ko sa mall, she is Stella. She is my first love when we were in college and also my first girlfriend. We broke up for some personal reasons and we meet again just this few weeks ago," paliwanag nito. Naningkit naman ang mga mata ko at pilit na hinihintay na dugtungan niya ang mga paliwanag niya. He sighed. "I loved you for real, Wane. We started as friend, bestfriend and then lovers. At kahit hindi mo alam, your Dad already know about our relationship from the start. He even confonted me and threatened me. You know how influencial and powerful your family is but my intention for you is real and pure. I loved you for who you are. But when I see her again and know that we had a child. I'm already confused with my own feelings.."
I was shocked from this kind of revelation. Ni hindi ko mahanap kung ano'ng salita ang dapat sabihin sa kanya. Yes! Before we became lovers he served as my guy bestfriend dahil siya lang noon ang nakakaunawa sa akin tungkol sa mga pangarap ko at tumanggap at minahal ako kung sino talaga ako.
"I'm sorry, Wane. I didn't mean to hurt you. Na-realize ko kasing mahal ko pa pala siya at gusto ko silang makasama ng anak ko. If you're mad at me. Tatanggapin ko iyon."
Hurt? Kinapa ko ang sariling damdamin. Dinama ko kung nasasaktan ba talaga ako o hindi? Yes, I felt betrayed by him at first but hearing those things from him I don't even know what to feel.
I feel glad and sad? Glad because I know somehow na mahahanap na din ni Matthew ang tunay na pag-ibig na matagal na niyang hinahanap. And I felt sad because he is the only one I know who can accept me for who I am and not for what I have still hindi parin pala siya ang para sa akin. At nalulungkot ako dahil baka hindi na ako makahanap ng katulad niya na tatanggapin ako bilang ako. But somehow I understand, we are not really meant for each other.
"Naiintindihan ko, Matt. Oo. Nagalit ako sa iyo noong una because I felt betrayed dahil akala ko katulad ka din ng iba. But now after hearing those things from you, I'm not mad at you anymore and so-somehow I still want to have my bestfriend back from me," I said with all honestly.
Nanlaki naman ang mga mata nito na halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. I smiled to him for real. Iyong walang halong pilit at ka-plastikang ngiti. Siguro, tama din namang nangyari ito. Yes, we loved each other but not as extreme and too much.
"I....I don't know what to say, Wane. Of course I'm so happy to be your bestfriend again."
Tumayo naman ito sa pagkakaupo at lumapit sa akin. He hugged me and I hugged him back. Hindi ko naman napigilang mapangiti dahil lumuwag ang pakiramdam ko. Nawalan man ako nang boyfriend, bumalik naman ang isa ko pang bestfriend. With no hard feelings.
"Uhmmm, Sir, excuse me."
Napakalas naman kami ni Matthew sa pagkakayakap sa isa't-isa nang makarinig kami nang mahinang katok at pagtawag mula sa nakabukas niyang pinto. Hinarap ito ni Matthew.
"Bakit?" Nahihintakutang napalunok naman ang crew nito bago nagsalita.
"May...may naghahanap po sa inyo sa labas. Galit na galit, Sir."
Nagkatinginan naman kami ni Matthew at nagkibit-balikat lang ito. Sino naman kaya iyon? At galit na galit pa?
"Sabihin mo na papunta na ako," utos nito. Tumango naman ang crew nitong babae at naglakad palayo sa amin.
"Tara na sa labas," aya ko sa kanya.
Marahang tumango lang siya at sabay kaming naglakad paalis. Ngunit hindi pa nga kami nakakalabas ng tuluyan sa pinto nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nilingon ko naman siya at ngumiti lang siya sa akin.
"Tungkol pala sa lalaking kasama mo, Wane," he paused. Kumunot naman ang noo ko dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Bakit?" Tumawa lang ito at nagkibit-balikat.
"Wala lang. Nakakatakot kasi siya," natatawang sabi nito. Pinalo ko naman ang braso niya. Kung alam mo lang Matthew, we have the same impression about him pero hindi ako natatakot sa kanya kundi mas natatakot ako sa sarili kong nararamdaman para sa kanya.
Nakangiting magkahawak kamay kaming lumabas ni Matthew. Ewan ko sa lalaking ito kung ano'ng trip meron siya ngayon. But I missed this one. We used to do this when we were still bestfriend before. Noong naging kami na nga noon, minsan nalang kasi palagi akong pinagbabawalan ni Daddy na umalis sa Hacienda. Ngayon alam ko na kung bakit kasi alam na pala niya.
Napatigil naman ako sa paglalakad at halos mamutla ako nang makita ang likod nang lalaking nakatayo sa harap nang counter habang binubulyawan nito ang cashier. Napalunok ako at hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Hihilahin ko na sana ang kamay ko na hawak-hawak ni Matthew pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napalingon naman ako sa kanya at diretso lang ang tingin nito habang hindi mawala-wala ang ngisi sa mga labi nito.
"You bloody bastard!" Aeness shouted in madness.
Napatili ako sa sobrang gulat dahil sa sigaw niyang 'yon. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta ang alam ko bigla nalang may humila sa braso ko papalayo kay Matthew at narinig kung nagtilian ang tao sa loob ng shop na ito nang sinuntok ni Aeness ng pagkalakas-lakas sa mukha si Matthew. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang dumugo ang gilid ng labi ni Matthew. Lalapitan ko na sana siya nang biglang may humila ulit sa akin papalayo. Napadaing ako sa sakit dahil humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"I already told you to stay away from her. She is mine! Know where you stand, asshole!" galit na turan ni Aeness at hinila ako palayo sa kinaroroonan ni Matthew.
I just give him an apologetic look bago tuluyang binalingan si Aeness na nakakatakot ang anyo ngayon.
"Teka, Aen------"
"Shut up!" he hissed.
Hindi naman ako nakaimik hanggang sa ipinasok niya ako sa loob ng kotse niya
Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan ako. Paano niya nalamang nandoon ako? At....at ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi niyang I already told you....
Ibig bang sabihin na nagkausap na sina Matthew at Aeness noon?
-