Chapter 6

1226 Words
Chapter Six : Matthew ___________________________________ REWANE Nagising akong wala si Aeness sa tabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag. I don't even know kung ano ba talaga ang plano niya kung bakit gusto niyang dito ako tumira sa bahay niya. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. I do my things before I left his room. Dumiretso naman agad ako sa kusina. May naiwan kaya siyang pagkain dito o ako nalang ang magluluto? Nagtigilan naman ako nang makita ko siyang nakaupo sa hapag at kumakain. Napalunok naman ako. Mukhang nahalata naman niya ang presensiya ko dahil lumingon ito sa gawi ko. "Akala ko mamayang hapon ka pa gigising. Ilang balde ba nang luha ang iniyak mo kagabi?" tanong nito. Yes, I cried that night. Kahit na magkatabi na kami sa pagtulog ay umiyak parin ako. Akala ko nga hindi niya mapapansin kasi nakatalikod ako sa kanya. Pero malakas pala ang pandinig at pakiramdam niya. "You can't keep me here forever, Aeness. " "Mukhang hindi mo yata masyado narinig ang sinabi ko sa iyo noon, Wane. You will stay with me as long as I want. If I want you until forever then you will stay with me forever." "A-ano bang plano mo sa akin dito? Bakit....bakit kailangan kong tumira dito?" naguguluhang tanong ko. Kahit ako hindi ko maintindihan ang gusto niya. Litong-lito na ako. Hindi kailangan umabot nang ilang buwan ang pananatili ko rito dahil paniguradong magtataka at mag-aalala na sina Daddy. "Take your breakfast now, Wane," pagwawala nito sa usapan naming dalawa. Bakit ba napakahirap sa kanyang sagutin ang mga tanong ko? Napakadali lang namang sagutin ang lahat nang 'yon. "May sarili akong buhay, Aeness. Kaya hindi ako maaaring manatili dito. Just give me the exact weeks kung hanggang kailan ako dito." Nahigit ko naman ang hininga ko nang tumayo siya. Bahagyang napaatras ako nang maglakad siya patungo sa kinaroroonan ko. Napatingin naman ako sa mga mata niya at wala akong mabasang emosyon sa mga ito. "Today, tomorrow, and always, Wane. Put that in your mind. And you will give up your own life just for me." Napanganga naman ako nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko pala namalayan at nakaalis na siya sa harapan ko.. Oh gosh, ano itong napasukan ko? "SO WHAT is the real score between the two of you?" kinikilig na tanong sa akin ni Nissa. Napairap naman ako. Nandito kami ngayon sa paboritong restaurant na palagi naming kinakainan. Niyaya niya ako kanina at mag-uusap daw kami. "There's nothing going on between the two of us, Nis. Walang romance kung iyan ang iniisip mo." Tumawa naman ito nang dahil sa sinabi ko sa kanya. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga.. "Oh really??" nakakalokong tanong nito. " I really want to meet that guy. Ano bang ugaling meron siya?" curious na tanong nito. Napanguso naman ako. If you only knew...... "He's savage, arrogant and a beast!" I hissed. "Talaga? Katulad pala nang Kuya mo?" "Hindi sila pareho nang Kuya, Nissa. Si Kuya Cleo may sweetness na tinatago sa katawan samantalang ang lalaking iyon, wala!" "Baka hindi pa lumalabas? Malay mo this coming few days ay doon mo lang malalaman. Hindi pa naman kayo lubusang nagkakakilala, uh." nakangiting saad nito. I rolled my eyes to her. Mamumuti na siguro ang mata ko sa kahihintay kapag nangyari iyon. I bet, kahit kailan walang kindness na namumuntawi sa katawan ng lalaking iyon. "I don't think that would happened." Wala kasi talaga sa personality niya ang mga ganoong bagay. Unang kita ko palang sa kanya may pagka-arogante na talaga siya. Not the gentlemen type of a man. And he was very far from that.. "You cannot tell, Wane. Once a man meet his match, she's the only one who can tamed even the wildest beast in him.." "Just like what you did to Kuya Cleo," I teased her. I laughed when I saw both of her cheeks turned red. Kahit mag-asawa na sila ay hindi parin nawawala ang ganitong reaction kay Nissa pagdating kay Kuya. She just so inlove as well as my brother. I hope I could experienced that thing also.. Loving a person and being loved by him in return. "It has nothing to do with our lovestory, Wane. Alam mo namang patay na patay ang Kuya mo sa akin. Mawala lang ako nang isang segundo sa paningin niya natataranta na agad 'yon. Sa ganda ko ba namang ito!" Pareho naman kaming natawa nang dahil sa sinabi niya. Napatingin naman si Nissa sa cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa nang biglang tumunog ito. I bet I know who is calling her.. "See? Kita mo naman at tumatawag na si Mister sa akin. Miss na agad ako!" "Oo na! Ikaw na ang maganda! Ikaw na ang inlove at masaya!" natatawang sabi ko. "Don't worry, Wane. You will also find your match. Malay mo siya na pala," she said teasingly. I pouted. I heard her chuckled and she excused herself first to answer the call. Tumango nalang ako bilang pahintulot. I know I'm still hoping that someone can love me for who I am. Iyong hindi ako lolokohin at mamahalin lang ako hindi dahil sa pangalang dinadala ko. I want someone to love as extreme as what Kuya Cleo feels to my bestfriend. That one great love. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga. l know it's impossible! Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Nissa sa kinaroroonan ko at ang lawak-lawak na nang pagkakangiti nito. "I have to go now, Wane. Hinahanap na ako nang Kuya mo. Basta huwag mong pababayaan ang sarili mo, uh." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Sabay na kaming naglakad palabas ng Restaurant na kinainan namin. Mabuti nalang talaga at palaging nandito si Nissa para sa akin.. "Bye, Nis. Ikamusta mo ako kay Zandrienne," nakangiting sabi ko sa kanya. Humalik naman ako sa magkabilang pisngi niya. Pumasok na ito sa loob ng kotse nito at kumaway bago tuluyang umalis. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga. I think mag-aapply nalang ako ngayon bilang waitress. Wala rin naman akong ginagawa, eh. Para may mapaglibangan din naman ako.. Naglakad-lakad nalang ako at naghanap ng mga maari kung pag-applyan ng trabaho. Nang may nakita akong isang coffee shop ay pumasok naman agad ako doon. Inilabas ko sa bag ko ang resume na ginawa ko kahapon lang. Lumapit naman agad ako sa isang babaeng crew. "Uhmm, Excuse me. Naghahanap pa ba kayo ng isang waitress dito?" nakangiting tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Tinaasan naman niya ako nang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Mukha ba akong nagtratrabaho dito?" mataray na tanong nito. Napalunok naman ako. Sungit naman nito. "Uhmm...So-sorry. Akala ko ka-----" "Tss. Sa susunod nga mamili ka ng pagtatanungan mo." Inirapan naman niya ako at nakataas ang kilay na umalis sa kinaroroonan ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ang damit kasi na suot niya ay kapareho sa mga crew dito. Naka white na t-shirt at slacks na kulay itim. Nakapusod pa ang buhok. Lumapit naman ako doon sa cashier at doon ko nalang naisipang magtanong.. "Uhmm, Miss-----" Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at nabaling ang tingin naming lahat doon. Nanlaki naman ang mg mata ko nang makita kung sino ang kababago lang na pumasok at halata din ang gulat sa mukha nito pagkakita sa akin.. "Matthew...." -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD