Chapter Five : Drown
___________________________________
REWANE
"Anak, ano'ng ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Bakit lahat na yata nang damit mo ay inimpake mo na?" Dad asked wearing a confused look on his face.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga. Ang OA ni Daddy, uh, hindi naman lahat ang iniimpake ko. Tumigil ako sandali sa pag-iimpake ng gamit at hinarap ang aking ama. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Dad, gaya nga nang sabi ko magbabakasyon lang ako. I want to take a rest," I lied.
Binalingan ko nalang ulit ang mga damit ko na kasalukuyan kong inilalagay sa loob ng maleta ko. Kumunot naman ang noo ni Daddy nang dahil sa sinabi ko.
"Magbabakasyon ka? Saan? At bakit napakadami naman yata nang damit na dala mo ngayon?"
"Dad, I want peace of mind. Huwag kayong mag-alala magiging okay lang ako. Tatawag naman ako sabi inyo ni Mommy," I assured him.
"May kinalaman ba ito sa pagtutol ko sa iyong pumasok sa recording company na 'yon? Kaya gusto mong umalis?" madramang tanong nito.
Pinigilan ko nalang ang sarili kong mapairap. Sa sobrang protective ng Daddy ko minsan nakakasakal na. But I love him still silang dalawa ni Mommy.
"Walang kinalaman dito iyon, Dad. Kaya huwag ka nang mag-isip nang kung ano diyan."
Isinuot ko na ang malaking shoulder bag na pinaglagyan ko nang mga damit ko at naglakad na ako palabas ng kwarto. Napanguso nalang ako nang makitang sumunod pa si Daddy sa akin hanggang sa baba.
"If you want to take a vacation, your brother, Shaveen, can come with you."
Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. As always, ganoon naman palagi kapag nagbabakasyon ako palaging may kasama. I'm not a child anymore but they still treated me as one.
"Dad, I can handle myself on my own."
"But you are my only princess. Paano kung may mangyari sa iyong masama doon at wala------------"
Inis na humarap naman ako kay Daddy. He's futuristic mind as always. Hindi pa nga nangyayari kung ano-ano nang pumapasok sa utak niya..
"Dad, I'm fine okay. Don't worry too much," inis na saad ko sa kanya at tinalikuran siya.
Tuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sala namin. I sigh. When I saw my Mother, Brothers and Nissa together with her child waiting for me there.
Binigyan ko lang nang makahulugang tingin si Nissa at nag-thumbs up lang ito sa akin. Alam niya kasi kung saan talaga ako pupunta. I told her everything. There is no point of lying to her. She is my bestfriend afterall.
"Mom, I have to go now."
Humalik naman ako sa pisngi ni Mommy nang makarating ako sa kinaroroonan nila. Ngumiti lang siya sa akin and tap my head.
"Take good care of yourself, anak. And enjoy your vacation."
Ngumiti din ako pabalik kay Mommy. This is the reason why I really love my mother. She always support me in everyway. Bumaling naman ako sa dalawang Kuya ko na parehong nakasimangot at halata ang disgusto sa gagawin ko..
"Kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan ka talaga pupunta, Rewane. Mabuti pang huwag ka nalang umalis," mariin at matigas na saad ni Kuya Cleo.
Napalunok naman ako at binalingan si Nissa. Swear to God. Kapag si Kuya Cleo na talaga ang nagsalita, natatakot talaga ako sa kanya. Ngumisi lang si Nissa at agad na lumapit sa asawa nito. Mukhang na gets naman nito ang pinapahiwatig ko sa tingin na ginawa ko sa kanya.
"Mister, huminahon ka nga. Hayaan mo na si Rewane. She's old enough to take good care of herself. Stop being so overprotective to her," nakangiting saad ni Nissa kay Kuya Cleo. Kumunot naman ang noo ni Kuya Cleo dahil sa sinabi ng asawa..
"I have the right because she is my sister!" Kuya Cleo hissed. Nanlaki naman ang mga mata ni Nissa ng dahil sa pagburst-out ni Kuya.
"Sinisigawan mo ako!?" galit na sigaw ni Nissa pabalik. Pinigilan ko nalang ang sarili kong huwag matawa lalo na't namutla si Kuya Cleo sa sinabi nito..
"Hi--hindi, Misis. Sabi ko nga, diba? Aalis na si Rewane."
"Good! Narinig mo iyon, Wane. Sige umalis ka na," nakangising sabi ni Nissa. Ngumuso nalang si Kuya Cleo.
How I wish I could meet someone who would do the same thing of how Kuya Cleo treated Nissa. I really find it sweet. That he's willing to do everything just for my bestfriend..
Napalingon naman ako nang biglang may gumulo sa buhok ko at ang walang emosyon na namang mukha ni Kuya Shaveen ang nabungaran ko.
"If someone try to hurt you. Just call me and I won't even take a second chance to kill them."
Ouch!!!! This is the reason why I really love my brothers. They know how to protect me in there own and show that they really care and love me..
"Thanks, Kuya Shaveen," nakangiting saad ko.
Binalingan ko naman ang kanina pa nakahalukipkip sa likod na taong sobrang importante sa akin. I know how caring and loving my Dad is. Kaya siguro nagsisintir siya nang ganito..
"Dad," tawag ko sa kanya.
Umirap lang ito sa akin at hindi ako pinansin. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga at lumapit sa kanya. Nakangiting hinalikan ko siya sa pisngi.
"I love you, Dad," nakangiting sabi ko. Biglang lumambot naman ang mukha nito. This is one of my way to make his feeling better.
"Basta kapag may naging problema ka at tumawa ka agad dito. You are always be my Princess."
Napangiti nalang ako nang dahil sa sinabi niya at niyakap ko na nang husto si Daddy. I am very blessed to have a family like them. Yes, they pampered me a lot and spoiled me and they never failed to make me feel unloved. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko tuwing nakakaharap ko si Aeness because he is the only person who never treated me like that. He is grumpy, savage and arrogant. Hindi ko nga alam na may mga tao palang kagaya niya na dadating sa buhay ko. Because I used to be pampered by boys and not treated like what he used to do to me..
NAGPAKAWALA ako nang malalim na buntong hininga bago tuluyang nagdoorbell sa bahay ni Aeness. Ito ang sinabi niya sa akin na didiretso na ako sa condominium niya. Ang dami niyang pera tapos dito lang niya ako ititira? Bakit kaya 'di nalang siya bumili ng sariling palasyo niya? Eh, isa lang naman ang kwarto dito sa condo niya!
Hindi din naman nagtagal ay bumukas din naman ang pinto. Napanganga naman ako nang makita siyang bumungad sa akin. Gosh, he's so hot with a messy hair. Napalunok naman ako. Kung ganito ka hot ang makakasama ko sa iisang bahay baka maaga akong magkasala.
"Ahmmm.., Hi. Kagigising mo lang?" kinakabahang tanong ko.
Nakakunot kasi ang noo nito na para bang papatayin niya na ako..
"You're late!" mariing saad nito. " Kaninang umaga pa ako naghihintay sayo dito at nakatulog na ako. Ngayong hapon ka lang dumating?" galit na tanong nito.
Napairap naman ako. Sabi niya tommorow lang, eh. Wala namang sinabing oras.
"Don't rolled your eyes from me, woman. You have no right!" galit na pakli nito. Umayos nalang ako ng tayo at tingin sa kanya. Siya pa ang may ganang magalit. Sino ba ang gustong tumira ako dito?
"Pwede na siguro akong pumasok, ano?" hindi ko masyadong pinahalata ang sarcastic sa boses ko. Umismid naman ito at nilakihan ang pagbukas ng pinto.
"Just get the f**k in!" galit na sigaw nito at naunang pumasok sa loob. Kahit kailan talaga ang bad ng lumalabas sa bibig ng niya. Kaya siya nagmumukhang hot, eh.
Opppsss, Wala akong sinabi....
"Saan ako matutulog dito?" tanong ko agad sa kanya nang makapasok na ako sa loob. Nagpalinga-linga naman ako. Iisa lang ang kwarto dito, eh. Baka nga sa sofa ako patulugin nito.
"In my room," maikling sagot nito.
"Uh, kung ganu'n ikaw dito ang sa sofa?"
Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumigil din ito. Nahigit ko naman ang hininga ko nang lumingon siya sa gawi ko.
"Are you that dumb? Ako? Patutulugin mo sa sofa? Are you sick? Sa kwarto rin ako matutulog."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, matutulog kami sa iisang kama?
"Hindi maaari iyon! Kung doon ka matutulog dito nalang ako sa sofa."
Napaatras naman ako nang bigla siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Ngumisi siya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinapit ang bewang ko. Pakiramdam ko hindi ko na magawang makahinga sa sobrang lapit ng katawan niya sa katawan ko..
"Wa..wala namang mangyayari sa atin kahit...kahit nasa iisang kama lang tayo, diba??" kinakabahang tanong ko.
Shocks, this is the first time I would slept beside a man. Kahit na nakatabi ko na siya noon nang malasing ako ay hindi naman counted 'yon! Wala naman akong malay doon at hindi ko alam iyon.
"Kapag meron mang mangyari, Wane. Sisiguraduhin ko sa iyong pareho nating gugustuhin 'yon. But don't worry, Wane. I assured you I'm a very good lover."
Napalunok naman ako nang dahil sa sinabi niya. Lalo na't sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin...
"Hindi ako naparito para maging s*x slave mo!" inis na bulyaw ko sa kanya.
Pilit ko namang inaalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ito..
"Hmmm....Sex slave, huh? I never thought of that thing."
He tilted my chin and examine my face. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang ngumisi siya..
"Alam mo bang may matagal na akong gustong-gustong gawin sayo?"
Lumakas at bumilis naman ang pintig ng puso ko nang dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mo-------"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tinawid na niya ang kapirasong distansiya sa pagitan naming dalawa. He claimed my lips and kissed me hard as if he's the one who owned it.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng dahil sa gulat. At hindi manlang ako makagalaw sa kinatatayuan ko. His kissed where demanding as if he's trying to provoke me to kissed him back. But before I could lost my senses. I regain all my strength and push him away. Pakiramdam ko hinihingal ako nang dahil sa ginawa niya. Mukhang nagulat din ito sa ginawa kong pagtulak sa kanya ngunit sandali lang iyon. He smirked. Pilit ko paring hinahabol ang aking hininga..
"Damn you!" inis na sigaw ko.
"Just take a rest, Wane. And next time I will kissed you I will make sure you will kissed me back the way I want you to do."
"The hell I will!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Yes! The hell you will!" nakangiting saad nito.
Naiiyak na tumakbo naman agad ako patungo sa loob ng kwarto niya at padarag na sinarado ko ang pinto. Dinama ko ang mga labi ko at mariing napapikit. He's a beast, an arrogant beast...
Natatakot ako, Oo. Pero hindi sa kanya. Kundi para sa sarili ko. Natatakot ako kasi baka hindi ko kayang panghawakan ang sariling emosyon na nararamdaman ko sa kanya..Katulad nalang nang nangyari kanina...Kapag nangyari ulit iyon..
I might get drown with his kisses.
-