Chapter Four : Ikaw
___________________________________
AENESS
"Seriously, Aeness! What is wrong with you, Bro? You seem to be pre-occupied kanina sa meeting,"| nakakunot ang noo na saad ng pinsan ko.
"Just shut up, Bax! " iritadong usal ko.
Seriously? I don't know what's happening with me. Since the day I meet that woman she's already running through my system. I can't just get her out of my mind. I've been thinking of her everytime. At parang may humihila sa akin na dapat ay kailangan ko siyang makita.]
What I'm feeling right now with her isn't foreign. I know what is this feeling.
And I have to do something to get rid of this before it will bloom. This is not good.
I know. This is not f*****g good.
_____________________________________________________________________
? REWANE ?
"Ate Rewane!" dinig kong sigaw ni Chacha sa akin.
Napalingon naman ako sa gawi niya at nakangiting tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ko. Niyakap naman niya agad ako at ganoon din ako sa kanya..
"Sige, Rewane. Ipapasok ko lang itong mga pagkain at damit na dinala mo," saad ni Sister Fe.
Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Yumuko naman ako at binalingan si Chacha. Matagal na din bago ako dumalaw sa bahay ampunan na ito. Namiss ko din ang mga makukulit na batang ito.
"Nasaan na ang iba mo pang mga kasamahan, Cha?" tanong ko kay Chacha.
Pitong-taong gulang palang ito at ulilang lubos na. Minsan nga naaawa ako sa mga batang nandito na walang mga magulang.
"Nandoon po silang lahat sa learning room, Ate. Nagtuturo kasi nang mga kanta sa amin si Sister Ana."
Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi niya. Napansin ko lang mukhang ang daming ginagawa ngayon nina Sister, uh. Mukhang aligaga nga sila kanina nang dumating ako.
"Mukhang busy ngayon sina Sister, uh. May okasyon bang nalalapit?" nagtatakang tanong ko.
Tumigil naman sa paglalakad si Chacha at malungkot na bumaling sa akin. Kumunot naman ang noo ko. May nangyari ba na hindi ko alam?
"Ang sabi kasi sa amin ni Sister Ana. May problema daw dito sa kumbento. Gusto na kaming paalisin ng may-ari ng lupa dahil magtatayo sila dito nang isang napakalaking building. Problema nga ngayon nina Sister Fe kung saan naman kami lilipat," malungkot na sabi nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Chacha. Ibig sabihin, sisirain din nila itong bahay-ampunan na tanging tinitirhan ng mga batang walang mapuntahan. Ginulo ko naman ang buhok ni Chacha at tipid na ngumiti sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala. Gagawa nang paraan si Ate niyo Rewane. Hindi kayo paaalisin sa lupang ito."
Ngumiti nalang ako ng tipid sa kanya at naglakad na kami sa loob ng learning room. Hindi ko na napigilang mapangiti nang makita kong nagkakantahan na ngayon ang mga ibang bata dito sa loob. I can't afford to let this children lose their home. Kaya gagawin ko ang lahat huwag lang mawala ang bahay na ito sa kanila..
Pumasok na kami sa loob at halatang nagsitigilan naman sila sa pagkanta ng makita nila ako. Ngumiti ako sa kanila nang makita kong nagsitakbuhan sila patungo sa akin..
"Ate Rewane!" sabay na banggit nila sa pangalan ko at yumakap sa akin. Natawa naman ako nang dahil sa ginawa nila..
"Namiss ka po namin, Ate. Matagal na din po kayong hindi nakapunta dito," nakangiting sabi ni Lenlen.
"Oo nga, Ate. Na miss ka po namin," segunda naman ni Carlo.
"May pasalubong dala po ba kayo para sa amin, Ate?" sabay na tanong nila sa akin. Natawa naman ako.
"Mga damit at pagkain po, Ate??" tanong ni Sandy.
"Maglalaro po tayo mamaya, Ate??" makulit na tanong naman ni Ivan.
"Babasahan niyo po kami ng story?" hindi papatalong tanong naman ni Cherina.
"Oh, isa-isang tanong lang, uh. May pasalubong si Ate Rewane sa inyo. Nandoon kay Sister Fe kaya mas mainam na pumunta kayo muna doon," natatawang saad ko sa kanila.
"Yehey! Salamat po, Ate Rewane," sabay na sabi nilang lahat. Nag-uunahang nagsitakbuhan naman sila palabas at naiwan nalang kaming dalawa ni Sister Ana dito. Tipid na ngumiti naman ako kay Sister.
"Rewane, hija, maabuti at napadalaw ka dito. Miss na miss ka na din ng mga bata," nakangiting pahayag ni Sister Ana ngunit hindi parin nawawala ang lungkot sa mga mata nito..
"May nasabi po sa akin si Chacha tungkol po sa may-ari ng lupang tinatayuan ng ampunan. Pinapaalis na po daw kayo, Sister?" tanong ko.
Nagpakawala naman ng mabigat na buntong hininga si Sister Ana. Bakas ang frustration sa mukha nito..
"Oo, hija. At hindi pa namin alam kung saan kami lilipat. Ayon kasi kay Mr. Libiran minamadali na daw ng may-ari ang pagpapatayo nang isang Recording Company sa lupang ito."
"Sino pong Mr. Libiran, Sister?"
"Si Mr. Baxter Libiran, hija, ng Star Recording Company. Kailangan daw nila kasing magkaroon ng branch dito dahil lumalaki na din ang kompanya nila."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Sister Ana. Star Recording Company? That was the last recording company na pinag-auditionan namin ng kabanda ko noon. If I can talk to Mr. Libiran maaaring hindi pa niya ituloy iyon. I can buy this land.
"Huwag po kayong mag-alala, Sister Ana. Gagawa po ako nang paraan para hindi kayo mapaalis dito."
Isang tipid na ngiti ang iginawad ko kay Sister Ana. Sisiguraduhin ko talagang hindi sila makakaalis sa lugar na 'to.
KANINA pa ako naghihintay dito sa lobby ng Star Recording Company. Hinihintay ko na bumaba si Mr. Libiran. Yup, I know him already dahil siya mismo iyong judge na nag-reject sa akin noon. And he's the owner of this Recording Company. Napakabata pa nga niya kung tutuusin para magkaroon ng ganito kalaking kompanya..
Nang makita ko siyang lumabas mismo sa elevator ay agad na naglakad na ako upang salubungin siya. I need to save the Convent para sa mga batang tumitira doon.
"Good afternnoon, Mr. Libiran. Can I talk to you for a minute," magalang na pakiusap ko.
Halatang nagulat naman ito nang makita niya ako. Ngumiti nalang ako sa kanya nang bahagya.
"Ms. Montenegro, it's so good to see you again. Ano'ng sadya mo't naparito ka?" he asked politely and smiled at me in return.
"It's about St. Fatima Convention. You see, I'm the one who's supporting those children who lives there. At nalaman kong plano niyong paalisin sila doon. If you can see, I can buy the land if you want. Basta't huwag niyo lang po silang paalisin doon. It was there home.."
"I'm sorry to say this, Ms. Montenegro, pero hindi namin maaaring ipagbili ang lupang kinatitirikan ng kumbento.That was our grand-grandfather's inheritance. At tungkol sa pagpapaalis. Hindi ako ang makakapagdesisyon sa bagay na iyan but the owner itself.."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin kapag hindi maaari ang gusto ko wala na talaga akong magagawa para sa kanila. Pero hindi pwede iyon!
"Kung hindi ikaw ang may ari ng lupang iyon, sino?" nagtatakang tanong ko.
"It was named under my cousin Prin---"
"Baxter, Bro!" Pareho naman kaming napalingon ni Mr. Libiran sa tumawag sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang papalapit sa amin ngayon. Sandaling natigilan ito pagkakita sa akin ngunit nagpatuloy din naman sa paglalakad patungo sa kinaroroonan namin.
"Aeness, mabuti naman at nandito ka na," nakangiting pahayag ni Mr. Libiran at nakipag-high five sa bagong dating.
Napalunok naman ako nang tumingin sa akin si Aeness at bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"By the way, Ms. Montenegro, tungkol doon sa lupang sinasabi mo. Mabuti pa't itong pinsan ko ang kausapin mo dahil siya ang nagmamay-ari nu'n. If you'll excuse me, may lakad pa ako, eh," pagpapaalam nito at umalis na sa kinaroroonan namin.
Nakita kong kumunot naman ang noo ni Aeness sa narinig. Napayuko naman ako. Shocks, bakit ba kinakabahan ako sa lalaking 'to? Ewan ko ba simula nang sinabi niya ang mga bagay na iyon sa mall, pakiramdam ko naiilang na ako sa kanya. I don't even know. Tatlong araw na din kasi mula nang huli ko siyang nakita.
"Montenegro? Are you related to Mr. Nicholas Alvaro?" Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga.
"Yes," sagot ko. "He is my Father."
"Kaya naman pala pamilyar sa akin ang mga mata mo. Good thing you had your mother's eyes. My cousin was telling me that you are talking about my land, which land you're indicating?" Napasimangot nalang ako nang dahil sa sinabi niya. Ang dami naman pala niyang lupa. Bakit ang kinatatayuan pa nang bahay-ampunan ang gigibain niya?
"Ang kinatatayuan ng St. Fatima Convention. I want to buy that land," mariing sabi ko.
Napa 'ahh' lang ito sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong nainis sa kanya. Wala na bang mas aasar sa lalaking ito?
"No doubt from a heiress like you. Akala ko nga isang crew ka lang, eh. Didn't my cousin informed you that the land isn't for sale?"
"He informed me, kanina lang. Pero hindi niyo parin sila maaaring paalisin doon. Paano nalang ang mga batang nakatira doon? Hindi niyo manlang ba naisip kung saan sila pupulutin? Wala na silang matitirhan kundi iyon nalang," I hissed.
"If you want to talk about that case, Ms. Montenegro. Mabuti pang sa conference room nalang tayo mag-usap."
Napaismid nalang ako sa sinabi niya at hindi na nagreklamo. Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa elevator at wala kaming imikang dalawa. Kung may katiting na awa manlang sila sa mga taong nakatira doon lalo na sa mga bata hindi na sana nila plinano ang lahat ng ito.
Hindi parin nawawala ang inis na nadarama ko hanggang sa makarating kami sa loob ng conference room. Kampanteng umupo naman si Aeness sa main swivel chair doon at animo hari na naghihintay na pagsilbihan mismo. I just remained standing. Minsan hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Yes, he saved me from that scene with my ex-boyfriend but we still remain strangers from each other.
"Okay, about doon sa lupa," panimula ko. "Kung hindi ninyo ipagbibili iyon sa akin baka puwedeng huwag niyo nalang silang paalisin doon. That was there only home," pagbabasag ko sa katahimikang namagitan sa amin.
Gusto kong mag-iwas nang tingin lalo na at sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin. Nakakailang lang kasi, eh.. It's just like he's looking at me like he wanted to eat me alive! Holyshit! Why do I feel so excited about it? Diba dapat matakot ako?
"Alam mong nagbabalak ang pinsan kong magkaroon ng branch doon. And I can see that the place is very suitable to place a new recording company from that site. Hindi din naman sila talo doon because we will pay them more than enough to find another place to build their new convention."
"It's just not about that!" I exclaimed. "Matagal na panahon na silang nakatira sa lugar na 'yon. At marami nang magagandang alaala sina Sister Fe at Sister Ana na nagawa sa lugar na iyon. And they want to preserve the memories in that place."
"Wala na akong magagawa sa bagay na iyan, Ms. Montenegro. Next week na magsisimula ang renovation. Malaki na ang nagastos namin para doon," walang ganang saad nito at nagkibit-balikat.
"If..if you want babayaran ko nalang ang lahat ng nagastos niyo. Pwede din akong magbayad buwan-buwan sa pananatili nang convention na iyon sa lupa niyo bilang kabayaran.."
Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan nito as if I was saying something illegal from him like I offended him in that matter.
"If you didn't know, my dear, I am richer than your family. Kaya hindi ko kailangan ang pera mo," mariing sabi nito. Napaiwas naman ako nang tingin dahil hindi ko na mismo makayanan ang paninitig niya sa akin.
"It's..it's not about who is richer than us. It was just a suggestion I can offer just to save the convent.."
"If you really want to save it. There's only one thing I want, Rewane, as a collateral."
Nag-angat naman ako nang tingin ng dahil sa sinabi niya at nang makatagpo ko ang mga bughaw na mga mata nito ay hindi ko alam kung hihinga pa ba ako o hindi. Ni hindi ko mahinuha kung ano ba talaga ang iniisip niya.
"Kung..kung ganoon ano'ng hinihingi mong kabayaran?"
"Ikaw, Rewane."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.. At hindi ko alam kung anong salita ang sasabihin ko sa kanya. Pakiramdam ko naumid ang dila ko at hindi ako makapagsalita.
"What....what do you mean?" Gumuhit ang takot at kaba sa dibdib ko..
"You heard me clearly, Rewane. Ikaw lang ang kailangan ko. You will be mine and be my girl," mariing sabi nito.
"You.....you mean I will be your girlfriend??"
Ngumisi naman ito sa sinabi ko na para bang nakapagbitaw ako ng salitang alien sa kanya.
"Girlfriend is out of my vocabulary, Rewane. Kaya hindi mangyayari iyon. You will leave your hometown and you're going to live with me. In my house. At mananatili ka sa piling ko hanggang sa gusto ko."
"Are you out of your mind?! Hindi mo pwedeng gawin sa akin iyon! At anong silbi ko sayo? Kept woman mo?!" I angrily hissed.
"Iyon na ang ginagawa ko ngayon. And it's your choice, Wane. Save the convention and live with me or not? I'm giving you an option. Madali naman akong kausap."
"I can't believe na may mga taong katulad mo!"
"Choose now, Wane. Baka magbago pa ang isip ko."
Umirap naman ako sa kanya. If there is no other way, hindi ko talaga matutulungan sina Sister and I can't bare to see sadness filled with those children's eyes. Alam kong napamahal na din sa kanila ang lugar na iyon..
"Alright. You win," I said in defeat. A triumphant smile form into his lips. Bahagyang napaatras naman ako nang tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko..
"Good choice, Wane. Don't worry I just want to get rid of something kaya ginagawa ko ito."
Kumunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.
"Get rid of what?" I heard him sigh.
"It's none of your business. Pack your things. I'm expecting you to be in my house tomorrow with your belongings."
-