Chapter Three : Girl
___________________________________
REWANE
Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Napadaing ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Damn! Hangover! Umayos ako nang upo sa kama at sinapo ang ulo kong kumikirot dahil sa kaunting sakit.
Ano ba ang nangyari? Ang naaalala ko lang naman ay kasama ko si Nissa sa bar at nag-iinuman kaming dalawa.
Akmang tatayo na sana ako nang biglang may gumalaw sa tabi ko. Humawi ang kumot sa katawan nito at nanlaki ang mata ko nang makita ang katawan ng isang lalaking. Gimbal na napailing naman ako.
Oh My God! What have you done, Rewane?!
"Hayop ka!" I said almost in hysteric. Pinaghahampas ko nang malakas ang katawan ng lalaking nakabalot sa kumot.
"Aray!" daing nito at bumalikwas nang bangon. Tumalim ang tingin nito sa akin. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.
"Ikaw!" I exclaimed. I was gasping for air when I saw his deep blue eyes.
"Bakit ba??" iritadong tanong nito.
"Hayop ka! Ano'ng ginawa mo sa akin? Hayop ka!" nangangalaiting saad ko. Pinigilan naman niya ang kamay ko sa paghampas sa kanya.
"For godsake! Suot mo parin ang damit na sinuot mo kahapon. Kung iniisip mong pinagsamantalahan kita. Huwag kang tanga! May damit ka pa! Check mo kaya muna ang katawan mo bago ka magwala dito."
Namula naman ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. At tinignan ko ang sarili ko. Oo nga, tama siya. And I don't feel sore all over my body except for my head.
Shit!! Bakit kasi nag-panic agad ako. Malay ko ba! Ikaw ba namang pagkagising mo ay may katabi ka nang isang lalaking walang pang-itaas ay hindi ka ba magwawala?
"At ako pa ngayon ang tatanungin mo kung ano ang ginawa ko sayo?! Why don't you ask yourself of what you've done to me last night? Sinukahan mo lang naman ako sa harap ng maraming tao."
Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Gross! Nakakahiya ka na talaga, Rewane. Lahat nalang nang kahihiyan mo sa buhay ay ang lalaking ito ang nag-iisang saksi sa mga nangyayari sayo.
"I..im sorry. Hindi ko kasi alam. Nagulat lang ako. Ba....bakit kasi magkatabi tayo?"
"Because this is my room! At saan mo naman ako patutulugin sa labas? Mabuti nga at hindi ikaw ang pinatulog ko doon!" Napalabi naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"Wala ka bang guest room? Sana doon nalang ako na-----"
"Pahihigain ba kita dito kung meron? Mag-isip ka nga! Ang bobo mo talaga!"
Sabi ko nga wala, diba. Aba! 'Di uso pala ang guest room sa kanya. Sumagot ka pa kasi Rewane, eh, 'yan tuloy napilosopo ka pa.
"I.....im sorry talaga at....at salamat sa pagtulong," nahihiyang sabi ko.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko. Bumaling naman ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo nito ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito. Ang hot pa nga nito tignan.
Rewane, ano ba 'yang pinag-iisip mo?
"Where do you think you're going?" mariing tanong nito.
Napalunok ako nang makitang mas lalong dumilim ang kulay asul na mga mata nito. Tila ba nang-aakit ito sa tuwing tinitignan ako.
Ano ba 'yan! Galit na nga 'yong mga mata niya, na-a-attract pa ako.
"U....uuwi na ako," I stammered. Humigpit naman ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Do you really think you can go home easily? It was a big insult on my part, woman!"
"A.....ano ba pang kailangan mo?"
"Samahan mo ako sa mall. Bibili ako nang grocery. I want someone to carry my things. And that should be you!"
Nanlaki naman naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.
Did I heard it right? Talaga ako? Magbubuhat ng paninda? Like hell I would!
Pero wala parin akong nagawa kahit na ayaw ko dahil mukhang pinalaki yatang nasusunod lahat ng anumang gustuhin nang lalaking ito. Napilit parin niya akong sumama sa kanya.
"Get out," mariing utos nito nang makarating kami sa lugar kung saan siya mamimili. Napasimangot naman ako at padabog na binuksan at isinara ang pinto ng kotse niya nang makalabas na ako. Lumabas narin ito sa driver seat at nauna nang maglakad.
"Teka, Aeness," tawag ko sa kanya lalo na't iniwan lang niya ako doon. He introduced himself earlier and I also did the same.
Humabol naman ako sa kanya at tumabi sa gilid niya habang naglalakad kami papasok ng mall.
"Bakit ka ba nakahood at sunglasses?" curious na tanong ko sa suot niya. Ang weird lang kasi, eh. Bakit ganyan ang suot niya?
"Pakialam mo ba?" masungit na tanong nito. Sumimangot naman ako. Sungit!
"Para ka kasing magnanakaw," mahinang bulong ko sa sarili ko. Natawa naman ako dahil sa mga pinag-iisip ko.
Napalunok ako nang bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Nakakunot ang noo nito.
Hindi kaya narinig niya 'yong sinabi ko? Patay!
"Am I a thief?!" nakakatakot na tanong nito.
Pakiramdam ko pinagpawisan ako nang malagkit kahit na hindi ko naaaninag ang titig nitong nakatago sa loob ng sunglasses na suot-suot nito. Tumawa naman ako nang sapilitan.
"Joke ko lang 'yon. Ikaw naman 'di na mabiro," kinakabahang sabi ko.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang umiwas ito nang tingin sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga at sumunod sa kanya.
Pumasok naman kami sa loob ng Supermarket. Kumuha ako nang isang cart at sumunod ulit sa likod niya. Nagtungo naman kami agad sa canned good section. Kumuha ito ng ilang canned goods at inilagay agad sa cart na tinutulak ko.
Napakunot naman ang noo ko. Ang dami naman yata nito. Matakaw ba siyang kumain at mahilig sa dilata?
"Ano pang tinutunganga mo diyan?! Bilisan mo!" inis na utos nito.
Itinulak ko naman ang cart at sumunod sa kanya. May mga noodles, biscuit at kung ano-ano pang pagkain ang pinamili niya.May mga gulay at prutas din nga siyang pinamili, eh. Ako naman nahihirapan na sa patulak ng cart dahil sa sobrang dami nang pinapamili niya.
"Teka, Aeness. Ano ba ang gagawin mo dito? At ang dami-dami naman yata nito.."
"Bakit ba tanong ka nang tanong diyan? Sumunod ka nalang."
Napanguso naman ako nang dahil sa sinabi niya. Ang Sungit! Napakasungit talaga! Ang sarap mong ibilad sa araw hanggang sa mamatay ka.
Ang huli pinuntahan namin ay ang meat section bago kami tuluyang nagbayad sa cashier. Mabuti nalang talaga at hindi mahaba ang pila.
"28,340 pesos po lahat, Maam," nakangiting sabi sa akin ng cashier. Bahagyang ngumiti din ako sa kanya at nakangusong tinignan ko si Aeness na may kausap sa phone.
"Ahmmm, teka lang, uh," nahihiyang saad ko sa cashier. Tumango naman siya sa akin. Naglakad naman agad ako patungo kay Aeness.
"Yes, bro. Nakapamili na ako nang grocery para sa kanila. Oo. Kunin mo nalang mamaya sa condo ko," dinig kong sabi nito sa kabilang linya.
"Ahmm, Aeness."
Kumunot ang noo nitong bumaling sa akin nang marahang tinapik ko ang balikat niya.
"What?!" iritadong tanong nito.
Tanga lang! Pinapila niya ako sa cashier tapos 'di ako binigyan ng pambayad at tatanungin niya ako ngayon ng ganoon.
"28,340 pesos lahat," sabi ko sa kanya.
Inis na kinuha nito ang wallet sa bulsa at kumuha nang pera. Binigyan naman niya agad ako nang 30,000 pesos at binalingan nalang ulit ang kausap nito sa cellphone.
Umirap nalang ako at inis na naglakad patungo sa cashier.
How rude! Hindi manlang marunong kung paano ang magandang asal..
Matapos kong bayaran ang pinamili namin sa cashier ay umalis na agad kami. Napanguso naman ako. Mabuti nalang talaga at may apat na lalaking crew ang nagmagandang loob na bumuhat ng apat na malaking box ng grocery na pinamili namin dahil kung hindi..I don't think so makakaya kung buhatin ang mga iyon.
"Kumain muna tayo. I'm starving," Aeness uttered.
Tss. Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko dito. Kung hindi pa siya ginutom hindi pa mag-aayang kumain.
Binalingan nito ang apat na lalaking bumubuhat nang pinamili namin. He gave instruction to those men at marahang tumango naman ang apat na lalaki bago umalis.
"Jollibee nalang tayo," suhestiyon ko sa kanya. Natigilan naman ito at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What? I don't eat in that kind of place," maarteng reklamo nito.
Hay naku, sobra pa sa akin ito, eh! Tinapik ko naman ang balikat niya at ngumiti ako sa kanya.
"Alam mo ang OA mo! Masarap kaya pagkain nila doon."
"No way! I want to eat in a fine dining restaurant specifically with Italian food."
Akmang maglalakad na sana siya nang bigla kong hinila ang kuwelyo niya. Inis na humarap naman ito sa akin.
"Doon nalang tayo. Masarap pagkain nila doon," giit ko.
Hinigit ko naman siya agad. Nakarinig naman ako nang ilang mura galing sa kanya at natawa nalang ako. OA din nito, eh. Ayaw niya no'n, makakakain siya sa Jollibee for the first time.
"Ano ba! Bitiwan mo nga-------"
Natigilan naman ako sa paglalakad ng may nakasulubong kaming dalawang magkapareha na nagtatawanan habang naglalakad dito sa mall. Nanghihinang nabitawan ko naman si Aeness. Halatang natigilan naman ang lalaking nakasalubong namin at nanlalaki ang mata nito pagkakita sa akin. I felt my heart twitched in pain seeing him with another woman while his hand is on her hips.
It was Matthew, my boyfriend!
Damn!
"Re..rewane," he shuttered. I can see guilt written all over his face. Great! Just great!
Bumitaw naman ito sa pagkakahawak sa babaeng kasama nito at lumapit sa akin. Akmang hahawakan niya ako nang tinabig ko ang kamay niya.
"Don't touch me!" I hissed.
I hold my tears from falling. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak sa isang cheater na katulad niya!
"It..it's not what you think. She..she is just my fri-----"
"Don't try to uttered some words, Matthew. We are done!" galit na sabi ko sa kanya. Still controlling myself to shout at him.
Friends? Damn with his friends! Talaga friends lang sila?! Sinong niloko niya.
"Rewane, please let me explain."
Bigla naman niyang hinila ang kamay ko nang akmang lalagpasan ko sila. Nilingon ko siya at galit na tingin ang binaling ko sa kanya. I don't want to make any scenes in here. Dahil kapag nakaabot ito kay Daddy, paniguradong magagalit na naman iyon.
"Take your hands off me," mariing utos ko.
Nagtagisan naman kaming dalawa nang tingin. Halata sa mukha nito ang pag-aalangan kung susundin ba niya ang sinabi ko o hindi.
Hihilahin ko na sana ang kamay ko sa kanya pero hindi na kailangan dahil may umalis na mismo nang kamay nito sa pagkakahawak sa akin at ito humawak sa kamay ko.
Aeness.
Napatingin naman ako kay Aeness ng dahil sa ginawa niya. Nakita kong umigting ang panga ni Matthew dahil sa ginawa nito. Aeness just smirked.
"You heard her right? And don't you ever again lay your filthy hands from my girl," mariing babala nito at hinila ako palayo sa kinaroroonan nina Matthew.
-
♡lhorxie