Chapter Two: Drunk
___________________________________
REWANE
"This is insane, Rewane!" Dad exclaimed. Nababalot ng galit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Ilang recording company pa ba ang tatawag sa akin at sasabihin na ang anak ko ay sumasali sa mga audition!"
My heart twitched in pain. Pang-ilang ulit na ba niya akong pinagsasabihan nang ganito? Hindi ko na nga mabilang. Hindi ko alam kung ano pa ba ang kailangan kong gawin upang maintindihan niya na ito talaga ang gusto ko. Naging mabuting anak naman ako. Bakit hindi pa niya makuhang ibigay sa akin 'to?
"Hindi kita pinalaki para maging ganoon lang ang kahihinatnan mo. You are a princess and not a popstar or any actresses in that damn forsaken world," lintantiya nito. "Isa kang Montenegro at hindi ganoon ang lugar na aapakan mo."
Nag-angat naman ako nang tingin at hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko. I wiped my tears using my right hand.
"At anong lugar ang dapat kong kalagyan, Dad?" I asked in pain. "A place where I am always pampered while waiting for a prince charming who will marry me? A place where I don't need to work while spending millions of pesos for shopping and other stuff? I don't need that, Dad. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong maabot ang mga pangarap ko. Gusto kong kumanta. Bakit ba napakahirap sa inyo na ibigay sa akin ang bagay na 'yon?"
"Because the thing you want to achieve is nonsense!" he said. So much anger are lashing in his voice. "Hindi ka isinilang sa mundong ito para magsilbi at mag-entertain ng ibang tao, Rewane."
Nagsalubong ang kilay nito at bakas na bakas ang pagkakakunot nang noo nito na para bang ubos na ubos na ang pasensiya nito.
"This is ridiculous!" Pakiramdam ko malalagutan ako nang hininga sa pakikipag-usap kay Daddy. "Siguro, nonsense iyon para sa inyo, Dad. Pero para sa akin hindi!"
I can feel my heart clenching because of this argument. I just want to make a point. Hindi na naman ako bata.
I look straight into his eyes. And said the words that would really affect my Father's emotion. I don't want to open up this topic but I want to point out something. I want him to understand that what I really want make sense.
"Bakit kayo, Dad," I said bravely. "You know very well that this is not the world where my Mom belongs to. Pero gumawa parin kayo nang paraan para makuha si Mommy dahil siya lang ang gusto niyo. You always known as the devil before and until now. You trap her with your evil plan kahit hindi tama. Ganoon din ang gusto ko. Gusto kong pumasok sa mundo na parehong alam natin na hindi nararapat sa akin pero gustong-gusto kong pasukin."
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Mommy dahil sa ipinahayag ko. Sandaling bumaling ang tingin ni Daddy sa kanya at pinaningkitan ito ng mga mata, making her stop from laughing. Kaagad na dumako naman ulit ang tingin nito sa akin.
"The situation before that your mother and I got involved in has nothing to do with want you wanted, Rewane. Magkaiba iyon!" I can feel a slight bitterness in his voice while saying those words.
Alam kong kahit na nagawang talikuran ni Mommy ang responsibilidad nito noon para kay Daddy hindi parin maipagkakaila ang konting insecurities na nararamdaman ni Daddy ng dahil sa nangyari noon.
"Walang pinagkaiba iyon, Dad." I insisted. "Mom is fated to be a Queen and marry a King but you ruined that with your evil plan. Bakit, Dad? Kailan pa ba naging karapat-dapat ang devil sa isang Queen? Why don't you free my Mom from your trap and give her the world which she really belongs to. We all know na hindi ito ang mundo niya.."
Nanlalaki naman ang mga mata ni Daddy nang dahil sa sinabi ko. I know what I said is already below the belt. I'm already hurting Dad's ego.
Ang lakas ng tawa ni Mommy ang siyang bumasag sa tensiyon sa pagitan namin ni Daddy.
"Stop laughing there, Zheena. Kinukunsinti mo pa ang anak mong 'to," pagalit na sabi nito kay Mommy at agad na binalingan ako.
"And you, Rewane. You're talking nonsense here..."
"It's not! Because what I'm saying here is true! Make my Mom return to her world and I'll stop myself being part in a world which I don't really belong according to you," paghahamon ko.
"Hindi ko kailangang ibalik ang Mama mo doon, Rewane, because your mother belongs here with me!" he hissed.
"Your daughter had a point, Niro," Mom interrupted between our argument. We both turned our heads in her direction. Lalong-lalong na si Daddy na mas lalong umaapoy sa galit ang mga mata nito na tumingin kay Mommy.
"And what do you mean by that, Zheena Montenegro?!" he shouted angrily.
I slightly move an inch backward from my position because of the intensity in my Dad's voice. I saw Mom slightly flinched. Miski ito ay nagulat rin sa galit na ipinakita ni Daddy. Nakaramdam ako nang sobrang kaba dahil doon. Namumula nang husto ang buong mukha niya sa sobrang galit. Parang pinagsisihan ko pa yata ang mga huling sinabi.
"I.... I mean......hindi 'yong point na babalik ako," Mom said when she recovered from my Dad's anger. I saw how my Dad's face lighten up. "But doon sa point na, hayaan mo nalang ang anak mo sa gusto niyang gawin, Niro."
"It's still a no! End of discussion," he said with finality.
Nanlumo naman ako nang dahil sa narinig. Lumapit si Mommy sa kinaroroonan ni Daddy. Hinawakan niya ang balikat ni Daddy bago bumaling sa akin at ngumiti.
"Sige na, Rewane, anak, pumanhik ka na sa kwarto mo. Ako na ang kakausap sa Daddy mo." Tumango nalang ako bilang sagot at lumabas ng kwarto. Pagkasara ko nang pinto ay hindi mo na ako umalis. Sandaling pinakinggan ko ang usapan nila sa loob.
"You should stop being so protective to your daughter, Niro. She is old enough to make decisions in life. Alam kong makakaya na niyang lutasan ang mga problemang kahaharapin niya," malambing na pakiusap ni Mommy kay Daddy.
"But she is my only princess! As much as possible ayokong may manakit sa kanya. Paano kung mapahamak siya?"
I heaved a deep sighed. I know how my Dad loves me. Kaya lang minsan sobra na. I felt like I was being cage from the outside world. Maraming bawal at ayaw niya akong payagan sa mga bagay na hinuha niya ay makakasama sa akin.
Pero paano ako matututo kung hindi ako magkakamali? Paano ako matututong bumangon sa sarili kong mga paa kung hindi niya ako hinahayaan?
Naglakad nalang ako patungo sa aking kwarto. Hindi ko na kailangang marinig pa ng susunod na pag-uusapan nila. I guess, kailangan ko nalang tanggapin ang lahat.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I get out from my room after getting myself fixed. Bumaba na ako at agad na nagtungo sa sala. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Nissa na kararating lang dito sa bahay.
"Oh my gosh, Nissa!" impit na tili ko. "You're already here!"
Lumapit naman agad ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. I missed her so much. "So how was Spain?" I asked with so much excitement. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya. She just chuckled and flipped her hair.
"It's so good!" sagot nito. "Kung wala lang sanang panira ng mood diyan.."
She rolled her eyes when Kuya Cleo past through us while carrying their luggage. Nakabusangot ang mukha nito.
Mr. Grumpy troll!
Hindi nito pinansin ang pagsisintir ng asawa at nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad patungo sa hagdan. Pinalo ko naman ang braso ni Nissa nang tuluyan ng makaakyat sa second floor ng bahay si Kuya Cleo.
"Ikaw talaga! Palagi mo nalang pinapainit ang ulo ni Kuya. Bakit ba umuwi kayo agad?" natatawang tanongg ko.
Malakas ding makabasag trip 'tong babaeng 'to,eh. Nakakaawa talaga minsan si Kuya.
"Dahil miss na miss ko na si Zandrienne, my princess! Where is she?"
"Inihatid siya kagabi nina Mommy at Daddy sa Grand Mansion dahil gusto siyang makasama nina Lola Belle at Lolo Alvaro."
"Uh, ganoon ba......"
Hinigit naman niya bigla ang kamay ko at luminga-linga sa taas kung saan nagtungo si Kuya Cleo. Nagtataka naman ako sa ikinikilos niya. Pakiramdam ko kasi may binabalak na namang siyang masama. Knowing Nissa.....
"Dinig ko may bagong bukas na bar ngayon,uh. 'Yong Dimlight Bar ba 'yon? Maganda daw ang Lemonade Vodka nila roon. I want to try it. Punta tayo mamaya, Rewane," aya nito.
Napapailing nalang ako. Sinasabi koo na nga ba at may pinaplano n naman siya. Kung makaasta talaga ang babaeng 'to akala mo walang asawa.
"Hindi pwede, Nissa," tanggi ko. "Papagalitan tayo ni Kuya Cleo kapag nalaman niya 'yon." Gosh, nakakatakot kaya si Kuya Cleo kapag nagagalit. He's like my Dad's junior. Parehong-pareho sila ng ugali. Maiinitin ang ulo, pikon at seloso.
"Huwag ka nga Rewane!" nakangusong sabi nito sabay hampas sa balikat ko. "Sekreto lang natin 'yon. Hindi naman niya malalaman 'to. Iinom lang naman tayo nang konti. Konting-konti lang."
"Pero, Nissa-----"
"No buts," she interrupted. "Basta mamaya, uh."
She wink and follow Kuya Cleo upstairs. I sighed and shake my head a little. She's still the same as always. She can't still take no as an answer. Paniguradong pareho kaming malalagot nito kapag nahuli kaming dalawa mamaya..
"Kuya Shaveen!" sigaw ko nang makita ko si Kuya Shaveen na bihis na bihis habang pababa nang hagdan. Nakasalubong pa nito si Nissa na binati siya at isang tango lang ang isinagot nito."Saan ka pupunta?" I asked when he reach my place.
He looked at me and shrugged before walking away. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Weird! Pakiramdam ko napakamahal ng bawat salita na lalabas sa mga labi niya. Hindi manlang niya nagawang sagutin ang tanong ko.
Ano bang nangyayari ngayon sa mga tao?
Iyong isa bugnutin....
Iyong isa naman may topak...
At ang panghuli ay napanisan ng laway.
Ay! Ewan! Ako lang yata ang normal sa pamamahay na 'to!
KANINA pa ako hindi mapakali habang tinitignan si Nissa na naglalasing. Patay! Siguradong malalagot talaga ako nito.
Nandito kami ngayon sa bagong bukas na bar at nakakarami na nang inom si Nissa ng alak. Nahihilo na nga rin ako pero hindi ko 'yon iniinda dahil kailangan kong bantayan si Nissa. Ako talaga ang malalagot kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Oy, Nissa," tawag ko sa kanya. Nag-angat naman ito nang tingin at parang baliw na tumawa nang makita ang mukha ko. "Tama na iyan. Lasing ka na!"
Inagaw ko sa kamay niya ang isang baso ng alak.
"A..ano ba!" lasing na reklamo nito sabay hablot sa akin ng alak at inisang lagok iyon. Ngumiwi ito at bahagyang tumawa.
"Nissa!"
Bumaling ulit ang tingin nito sa akin. Sobrang pungay ng mga mata nito tanda nang kalasingan. Ngumisi siya at inakbayan ang balikat ko.
"'Yong Kuya mo...isang...isang napakawalang kwentang tao!" lintantiya nito. "Nakakita lang nang mestisang hilaw kinalimutan na ako!"
Tumawa ito nang parang baliw at inisang lagok ulit ang isang baso ng alak na nasa harap nito. Dumaing ito sa sakit ng bumagsak ang ulo nito sa ibabaw ng mesa.
Baliw talaga. Ano kaya ang nangyari sa kanila sa Spain?
"Tama na 'yan, Nissa. Uwi na tayo," aya ko.
Hinayaan naman niya akong agawin mula sa kanya ang isang baso ng alak na kakakuha palang niya. Mabuti naman at hindi na ito pumalag. Pumungay ang mata nito at dumako ang tingin sa dance floor. Ngumisi ito na parang baliw. Umiling-iling naman ako. This smells trouble.
"Oy, tignan mo ang daming Papang Pogi," parang wala sa sariling saad nito.
Hindi ko naman siya nagawang pigilan ng maglakad na ito patungo sa dance floor. May nabangga pa nga itong isang lalaki dahil sa sobrang kalasingan. Tumawa ito sa lalaki at nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang bewang nito at sumayaw. Patay! Lagot talaga ako nito! Nissa naman, eh.
Sa apartment ko nalang siya iuuwi ngayon dahil hindi puwedeng uuwi siyang ganyan dahil pareho kaming malalagot.
"Where's my wife?!"
Natigilan naman ako sa akmang pagtayo upang sundan sana si Nissa sa kinaroroonan nito nang marinig ko ang boses na 'yon. Boses palang alam na alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nu'n. Natulos ako sa kinauupuan ko at pinanlamigan. Parang gusto kong kainin nalang ako ngayon ng lupa.
"Rewane, I am asking you, where is my wife?!" tanong ulit nito. I can sense a glint of warning in his voice kapag namali lang ang sagot ko.
Kinakabahang lumingon naman ako sa pinaggalingan ng boses. Namutla ako nang makitang hindi na maipinta ang mukha ni Kuya Cleo. I offered him a smile.
"Uh...H-hi.....,Kuya Cleo," I said in trembling voice. Mas lalong naningkit ang mga mata nito. Napalunok naman ako.
"I'm not going to repeat my question again, Rewane," he said coldly. "Now you tell me..."
Napalunok naman ako at marahang itinuro si Nissa sa gitna nang dance floor na may kasayawang ibang lalaki.
"Damn!" galit na mura ni Kuya Cleo at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Nissa. Nakakadalawang hakbang palang ito nang matigilan at lumingon sa kinaroroonan ko. He looked at me sharply.
"And you!" sabi nito at itinuro ako. "Stay here. Hindi pa tayo tapos." Iyon lang ang sinabi niya at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ni Nissa.
OMG! Ayoko pang mamatay! Kaya kailangan ko nang umalis dito at baka maabutan pa niya ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng hilo dahil sa kalasingan at parang hinahalo ang sikmura ko.
Shit! I need to go to the comfort room. Pakiramdam ko hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Pasuray-suray na naglakad ako habang hawak-hawak ang aking tiyan.
Bakit ngayon pa? Kailangan kong makalayo sa lugar na ito! Tinakpan ko naman ang bibig ko nang akmang magsusuka ako.
Pumungay ang paningin ko at mas lalong lumala ang pakiramdam ko nang may nakabangga ako. Wala sa katinuan na hinawakan ko sa magkabilang balikat ang taong nakabangga ko. And the next thing I know I p**e infront of him or her.
"Goddammit, woman!" dinig kong mura nang lalaki.
Nag-angat ako ng tingin at pilit na inaaninag ang mukha ng lalaking nakabangga ko pero hindi ko na magawang titigan iyon dahil tuluyan na akong nawalan ng ulirat....
-