Chapter Thirteen : Possessive
___________________________________
REWANE
"Damn! You are so hot, Rewane!" Nathan exclaimed with his jaw dropping. Namula naman ang pisngi ko..
"Oh, Nathan, 'yang bibig mo ikupot mo at baka mapasukan ng langaw," pang-aalaska sa kanya ni Lira.
Natawa naman kami kaya sumimangot lang ito nang husto. Mukhang tapos na rin naman ito sa pagluluto.
"Grabeh, Rewane, ang ganda nang katawan mo. Are you into modeling?" curious na tanong ni Claire sa akin. Umiling naman ako.
"With a body like that? Gosh! Kung ako ang meron ng katawan mo. Irarampa ko 'yan sa lahat ng madla!" suhestiyon ni Fretzie.
Siya kasi ang pinakabata dito sa lahat. I think she's just 20. Pakiramdam ko talaga pulang-pula na ang pisngi ko. Still I'm glad na nagustuhan nila ang suot ko ngayon. Akala ko kasi talaga ang pangit tignan. Pero okay na din naman pala.
"Okay, guys, kakain na muna ako. Rewane, suit yourself and enjoy," nakangiting saad sa akin ni Lira.
She winked at me before walking away from us. Dalawa nalang kami ni Nathan ang naiwan. Napayuko naman ako. Nahihiya talaga ako. Promise!
"You don't have to be embarassed, Wane. You have the body that every man can drool for," nakangiting saad nito.
"Nandito na si Kuya at si Kuya Aeness," sigaw naman ni Claire.
Naagaw naman ang atensyon ko nang dahil doon at pareho kaming napatingin sa kinaroroonan nila. Hindi ito nakatingin sa amin dahil busy ito sa pakikipagtawanan kay Baxter. Napangiti nalang ako. He is really in a good mood. Mukhang hindi ngayon masama ang timpla niya dahil hindi siya nakasimangot instead nakatawa pa siya.
"Kuya Aeness, tignan mo ang sexy ni Rewane ngayon," sigaw ni Fretzie na umagaw ng atensyon nilang dalawa.
Napalunok naman ako nang bumaling ang tingin niya sa amin, lalong-lalo na sa akin. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Magugustuhan din kaya niya ang ayos ko ngayon? Okay naman ang suot ko, diba?
Pakiramdam ko nanayo ang lalamunan ko nang makitang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Ang mga ngiti sa labi niya ay unti-unting nawala at napalitan ito nang pag-igting nang kanyang mga panga. Don't tell me I ruined his mood now? Na badtrip ko na naman ba siya?
"I think you should tie your hair, Wane," Nathan commented. Napalingon naman ako sa gawi niya.
"Ha?" wala sa sariling tanong ko.
Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang buhok ko at isinalin ito sa kabilang side nang balikat ko. Hindi ko naman nagawang makapag-react agad.
"Don't touch her!" Aeness voice full of anger boomed in this whole area. Nagsitayuan naman ang balahibo ko nang marinig ang galit sa boses niya. I made him mad again! He's fridgetting mad! And before I can move, someone grab my hands away from Nathan for some few distance. Napamaang naman ang tingin ko kay Aeness nang hinubad nito ang suot nitong t-shirt at walang pasabing isinuot ito sa akin. I could feel and smell his masculine scent in his shirt.
I'm hyperventilating! I'm wearing his shirt! And he is topless infront of me showing his burning abs!
"Easy, Dude, wala akong ginagawang masama dito," natatawang saad ni Nathan.
"Stay away from Rewane, Nathan!" galit na banta nito.
Pakiramdam ko nawindang ang utak ko nang hinila ni Aeness ang kamay ko at ipinulupot niya ito sa bewang niya kung saan nahawakan ko ang abs niya. Promise, pulang-pula na ang pisngi ko. This is my first time touching a man's abs!
"Stop being possessive, Dude! Rewane and I were just friends alright," dinig kong paliwanag ni Nathan dito.
"Then back off, asshole!" galit na sigaw nito.
Parang wala naman akong pakialam sa pinag-aawayan nila at ang tanging iniisip ko lang ay ang kamay kong nakahawak sa abs ni Aeness. Mariing napapikit naman ako. Isang pisil lang please! Isa lang talaga.
Pinisil ko naman ng konti ang abs ni Aeness. Oh...my...gosh.....I can't believe this! Pakiramdam ko mahihimatay na talaga ako! Ang tigas na ang lambot. At.....at ang hot niya talaga kapag pinipisil. I need air!!! I need air!!!
"Kuya Aeness, alisin mo na 'yang kamay ni Rewane sa abs mo. Sasabog na siya sa sobrang pula, oh! Mukhang hindi na makahinga!" dinig kong natatawang sigaw ni Fretzie na nakaagaw sa atensyon naming lahat.
Ay letse naman, oh! Binuking pa ako. Pasimple na ngalang ako dito, eh. Mas lalong namula ang pisngi ko nang magtawanan ang mga kasamahan namin maliban lang kay Aeness at Nathan na seryosong-seryosong.
"Like hell I would mind, Fretzie! Only my abs can make Rewane's body and soul in heat," angil nito.
Napalunok naman ako nang binalingan niya ako gamit ang matatalim niyang mga mata. I can see full anger in his blue eyes.
"And you!" paasik na saad nito. "We need to talk!" galit na saad nito at hinila ako patungo sa kinaroroonan ni Lira na busy sa pagkain..
Napanguso nalang ako. Sayang! Tapos ko nang hawakan ang abs niyam Naman! Ang bilis! Gusto ko pa, eh!
"Your reaction is so priceless, Rewane," natatawang tukso ni Lira sa akin nang makarating kami sa table niya.
Pumula naman ang pisngi ko dahil alam ko kung anong tinutukoy niya. Tinapik niya ang balikat ko at umalis siya at nagtungo doon kina Fretzie na naliligo na ngayon. Naiwan naman kaming dalawa ni Aeness. Napalunok ako at pinagpapawisan.
I'm dead!
"Aray," masakit na daing ko nang pinalo ni Aeness ang binti ko habang nakaupo kaming dalawa. Nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya at ngumuso. Bakit sa iba nakakakuha naman ako nang compliment na bagay sa akin ang suot ko? Bakit sa kanya parang diring-diri siya na ayaw na ayaw niya sa suot ko?
"What do you think you are wearing, Rewane?" galit na tanong nito.
"Damit," sarcastic na sagot ko. Napalunok naman ako nang makitang mas lalong sumama ang hilatsa ng mukha nito nang dahil sa sinabi ko.
"Swimsuit," nakangusong bawi ko nalang ulit sa kanya.
"And who told you to wear that kind of stuff without my permission?" mariing tanong nito.
I want to roll my eyes on him but I stop myself. Bakit ba pati sa ganitong bagay ay siya ang masusunod? Hindi ba pwedeng magsuot din ako ng ganito?
"Sabihin mo nalang kasi kung hindi bagay sa akin ang suot ko ngayon. Hindi itong pinapagalitan mo pa ako. Mabuti pa sila dahil sinasabi nilang bagay sa akin ang suot ko ngayon samantalang ikaw wala na akong nakuha sayo kundi singhal," inis na saad ko.
Pakiramdam ko maiiyak na ako ngayon. Bakit ba lahat nalang na ikinikilos ko nagagalit siya? Hindi ba pwedeng matuwa naman siya?
I bit my lips when he lift my chin just to face him. Pakiramdam ko nagrurugundong na naman ang puso ko sa pag-uunahan ng bilis ng pagtibok nito.
"Believe me, Wane. Gustong-gusto ko 'yang suot mo. Gustong-gusto ko. And I want too see you wearing that where I'm the only one who can seem Only me, Sweetheart," he said huskily.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Napalunok ako nang makita ang kakaibang apoy na nag-aalab sa mga mata nito.
"You-you're being possessive, Aeness," nagkakandautal na saad ko.
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o hindi. Parang nasisiyahan pa yata ako.
"Yes, Sweetheart. I'm possessive and selfish when it comes to you. I don't want to share you with anyone. And you're a siren, Wane. A siren that lures men to death. And that's what you're doing right now on me."
-