Chapter Fourteen : Selfish
___________________________________
REWANE
"Wane, bakit hindi ka makipagsalamuha sa mga bisita. Marami kayang business partners ang pamilya mo dito," nakangiting sabi sa akin ni Claire.
Umiling naman ako. Hindi talaga ako sanay na makipag-socialize sa mga ganitong uri nang party. For the first time in my life I wear a dressed for this kind of occasion. I'm wearing a emerald green cocktail dress and black high-heeled stiletto sandals. Si Aeness lahat pumili nang suot ko ngayon para sa party ng pinsan niya. Halo-halo nga ang mga bisita dito. Some our guests, politicians, socialites, foreign dignitaries, celebrities and high powered business man. Nakahinga nga ako nang maluwag kanina nang makitang hindi dumating ang pamilya ko.
"Hindi na, Claire. Okay lang ako dito. Pwede mo na akong iwan," nakangiting sabi ko.
"Sigurado ka?" Tumango naman ako sa naging tanong niya.
"Oo naman. Sige na."
"Okay, sige. Ciao," paalam nito at humalik pa sa pisngi ko bago tuluyang umalis.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Naiinis ako kasi wala manlang dito si Aeness. Busy siya sa pakikipag-usap sa ibang mga guest at kakilala nito. Party like this really bored me a lot. Pakiramdam ko talaga na-su-suffocate ako sa ganitong atmosphere. It's like I'm living in a sealed house.
"So? Ito pala ang bakasyong sinasabi mo sa amin, Rewane?"
Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Nagsitayuan naman lahat ng balahibo ko sa katawan. Oh gosh! I'm really really dead!
"What the hell you've been doing with your life, Rewane?" mariing tanong nito.
Tumayo naman ako at lumingon sa likuran ko at nahigit ko ang hininga ko nang makita ang nakabusangot na mukha ni Kuya Cleo. Nagpalinga-linga naman ako at tinignan kung nandito rin ba ang mga magulang namin.
"They're not here. Ako ang pumunta in behalf of our family. And what do you think you're doing here?"
"Kuya Cleo, ano, kasi kaibigan ko si Fretzie, ang anak nang may party dito," pagdadahilan ko. Naningkit naman ang mga mata nito nang dahil sa sinabi ko.
"And where are you staying right now?"
Napalunok naman ako. Hindi ko naman maaaring sabihin na sa bahay ako ni Aeness tumitira dahil paniguradong galit ang aabutin ko sa kanya.
"Kina Fretzie, Kuya. Dito ako nakatira," kinakabahang sabi ko.
Nakakatakot talaga si Kuya. Promise! Sana kasama niya si Nissa ngayon para may tagapagtanggol ako sa kanya. Pero sa nakikita ko mukhang siya lang mag-isa ang nagpunta dito.
"We have to talk a lot of things about this, Rewane. Mom and Dad is so worried about you. Ni hindi kamanlang macontact at nandito ka lang naman pala sa malapit. Ang sabi mo tatawag ka pero hindi ka naman tumawag," galit na sabi nito. Nag-iwas naman ako nang tingin sa kanya.
"I'm sorry, Kuya. Uuwi din naman ako sa atin, eh. Malapit na. Don't worry." At 'yon ang hindi ko maipapangako dahil nakadepende pa kay Aeness kung hanggang kailan ako mananatili sa kanya.
"We will talk while dancing, Wane," seryosong saad nito sa akin.
Inilahad nito ang kamay sa harap ko. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. Akmang aabutin ko na sana ang kamay ni Kuya nang biglang may humawak sa kamay ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dinala niya ito sa mga labi niya at hinalikan.
"Even if I'm busy I won't let anyone touch every bit of you tonight, Sweetheart," mariing saad nito.
Oh my gosh! s**t! Bakit sa mga ganitong oras ka pa sumulpot, Aeness? Hindi ka dapat makita ni Kuya, eh! Patay talaga ako nito.
Napalunok ako nang biglang dumilim ang mukha ni Kuya nang dahil dito. Hindi ko namamalayan na hinapit na pala ni Aeness ang bewang ko at ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"What the?! Ano'ng ibig sabihin nito, Rewane? And who the f**k is this guy?!" galit na turan ni Kuya.
Oh s**t! This is not right!
"Kuya, ano, magpapaliwanag ako. Please!" Pilit ko namang inaalis ang kamay ni Aeness na nakahawak sa akin pero hindi niya parin ito binibitawan. Bumaling naman agad ang tingin ko sa kanya.
"Aeness, please. Iwan mo muna kami," frustrated na pakiusap ko sa kanya. Umigting naman ang panga nito..
"No! I will stay here," matigas na saad nito.
Mariing napapikit naman ako. Gosh, ano'ng gagawin ko? Pareho silang matigas ang ulo! At natatakot ako sa maaaring mangyari ngayon.
"Ito ba ang dahilan kaya hindi ka umuuwi sa bahay? Are you sleeping with this guy, Rewane Bresies Montenegro?! "
Napamaang naman ang labi ko nang marinig ko ang kompletong pagtawag ng pangalan ko ni Kuya. And right now, I know he is fumming mad at me. I know how overprotective they are to me. And if I said yes right now they could kill Aeness.
"s**t! This is f*****g s**t!" impit na mura nito. " Sasama ka sa akin ngayon. Uuwi tayo sa bahay."
Hinawakan naman niya ang kamay ko at hihilahin na sana niya ako nang pinigilan siya ni Aeness. Oh god, please. Pakiramdam ko sasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Knowing the both of them. Alam kong ni isa sa kanila ay walang magpapatalo. Only if Nissa is here. She can tolerate, Kuya Cleo's behavior.
"Let go," mariing utos ni Aeness kay Kuya. Nanlaki naman ang mata ni Kuya at hindi makapaniwalang inuutusan siya nito. Mariing napapikit nalang ako. This is war. Si Kuya pa naman ang taong hindi marunong sumunod sa utos ng ibang tao.
"And who the f**k are you to say that to me?!" he angrily hissed. Nagsilabanan naman sila nang tingin ni Aeness at ni isa sa kanila ay wala manlang gustong magpatalo.
"I'm the one who owned her!" he said possessively.
Pareho kaming napamaang ni Kuya nang dahil sa sinabi ni Aeness. Pakiramdam ko pumula nang husto ang pisngi ko nang dahil sa naging sagot niya. s**t! Pakiramdam ko hinahalukay ang kalamnan ko sa hindi malamang dahilan. Sobrang bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"Wow, that was hot! Extremely hot!"
Naagaw naman ang atensyon namin nang marinig ang boses na 'yon. Nakahinga ako nang maluwag ng makita ko si Nissa. She's here!
Napatingin kaming lahat kay Nissa na umaabot ang ngiti hanggang tenga habang lumalapit ito sa amin, hawak-hawak nito ang anak na si Zandriene.
"Hi, Tita Pretty!" nakangiting bati ni Zandriene sa akin nang makarating sila sa kinaroroonan namin. Yumuko ako dahil umakma itong hahalik sa pisngi ko.
"Hi, Little Princess," nakangiting saad ko.
Binalingan ko naman nang tingin si Nissa at binigyan ko siya nang makahulugang tingin. Dahil hanggang ngayon hindi parin binibitawan ni Kuya Cleo ang kamay ko. Ngumiti lang sa akin si Nissa at nagpalipat-lipat ang tingin kay Kuya Cleo at kay Aeness hanggang sa dumapo ang tingin nito sa kamay nang dalawang lalaking nakahawak pareho sa aking braso.
"Cleo, let's go," nakangiting saad ni Nissa dito.
Nakakunot ang noong bumaling naman si Kuya Cleo kay Nissa. Nagkatitigan lang sila pero si Nissa nakangiting humarap lang kay Kuya Cleo. s**t! Kung ako ang titignan nang ganiyan ni Kuya paniguradong titiklop na agad ako. But Nissa just remained smiling to him..
"s**t! You witch," impit na mura ni Kuya Cleo at binitiwan ang kamay ko.
Nakahinga naman ako nang malalim. Iyan na yata ang famous line ni Kuya Cleo kapag palagi siyang pinatitiklop ni Nissa. Si Nissa lang naman ang kinatatakutan ni Kuya samantalang ako ay siya ang pinakanakakatakutan ko sa lahat.
"So you must be that guy Rewane's been talking to me before," nakangiting tukoy ni Nissa kay Aeness. Inilahad nito ang kamay kay Aeness "I'm Nissa, her sister in law. Pasensya ka na dito sa asawa ko, uh. Abnormal kasi."
Akman aabutin na sana ni Aeness ang kamay nito para makipagkamay nang biglang kinuha ni Kuya Cleo ang kamay ni Nissa. Holding it so possessively. Napangisi nalang ako. Kahit kailan talaga. Ayaw na ayaw niya talagang may ibang humahawak kay Nissa maliban sa kanya. He is just so possessive with my bestfriend.
Kahit na mag-asawa at may anak na sila ay ganoon parin siya.
"You know this all this time but you never bothered to tell me, Nis?" pagalit na tanong ni Kuya Cleo dito.
"Matanda na si Rewane, Cleo. Stop pampering her like a child," anas nito.
"We are just protecting her!" he hissed. Sumingkit naman ang mata ni Nissa.
"Are you shouting at me, Mister?" kalmado ngunit may babalang tanong ni Nissa.
"I'm not, alright! I'm just stating a fact here, Misis," mahinahong sagot ni Kuya.
"Letseng fact fact 'yan. Halika na nga at nagugutom na ang anak mo. Kumain na tayo sa kabilang table," yamot na sabi nito kay Kuya at nilambitin ang kamay niya sa braso nito. Hindi ko na napigilang tumawa nang dahil sa sinabi ni Nissa. They look so cute together.
"We are not going anywhere without my sister," mariing tutol nito.
Napalunok naman ako nang maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Aeness. As if he wouldn't allow anyone who will take me away from him. Sumimangot naman si Nissa at padabog na binitawan si Kuya Cleo.
"Okay fine! Maiwan ka dito!" inis na turan ni Nissa at hinawakan ang anak. "Halika na, Little Princess. Hayaan natin ang Daddy mo dito. Maraming nakitang pogi si Mommy doon."
Akmang aalis na sana si Nissa nang biglang pinigilan ni Kuya Cleo ang braso nito at hinila palapit sa kanya.
"You are not going anywhere without me, Nissa!" mariing usal nito. Ngumiti naman nang malapad si Nissa at inilambitin ulit ang kamay sa braso ni Kuya.
"Oh ganoon naman pala kaya tara na!"
Hinila naman nito ang nakabusangot na si Kuya Cleo. She winked at me at kinawayan pa niya ako.
"Bye, Rewane. Nice to see you wearing a dress," nakangiting puri ni Nissa sa akin. Namula naman ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. I uttered thank you for her.
"Kung sa tingin mo ay nakaligtas ka na sa akin, Rewane. No! Dahil mag-uusap parin tayo ulit," banta ni Kuya Cleo sa akin bago siya tuluyang hinila ni Nissa palayo.
Napalunok naman ako. I guess, kahit ngayon lang ako nakaligtas ay nakabuti parin 'yon. Napalingon naman ako kay Aeness nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng party.
"Teka, Aeness! Saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong ko.
Hindi naman ito umimik hanggang sa makarating kami sa garden na walang ibang tao kundi kami lang. Under the moonlight where the star shine so bright. Parang iyong sa romantic movie na napapanood ko lang ang setup. Ano na ba itong pinag-iisip ko? There's nothing romantic going on between us.
He cupped both of my cheeks to let me see his face fully. Hindi ko mabasa ang emosyong bumabalot sa mga mata niya. Is it fear? But fear from what?
Nanlaki naman ang mata ko nang bigla niya akong niyakap. Hindi naman ako nakaimik dahil sobrang higpit nang yakap niya sa akin. As if he was afraid to lose me. Ito ba 'yong dahilan kung bakit nakakakita ako nang takot sa mga mata niya?
Natatakot ka bang mawala ako sa buhay mo, Aeness? Mahal mo na ba ako? If you do. I will do anything and give up everything just for you. Kung mahal mo din sana ako.
"Is it too much and too bad if I will take you away from your family, Wane? Sobrang selfish na ba ako kung gusto kong ipagkait kita sa sarili mong pamilya just for you to stay with me?" he ask softy.
Mariing napapikit naman ako nang dahil sa tanong niya at dinama ko ang pagkakayakap niya sa akin. Yes, is it too much, Aeness. Too much selfish. But I love you also this much that I wanted to stay with you until forever.
"I'm sorry if I want you selfishly, Sweetheart. I'm sorry if I want you all by myself. And I'm sorry If I can't give you up. I just can't.... I want you more than anything in this world, Sweetheart."