Chapter 12

1004 Words
"Hihilingin ko sana na itigil mo na yung panliligaw sa akin, i don't want to hurt you." "Bakit Cham? is it because i dont have much time for you?" "No Bon, kasi i'm already inlove with someone else." He did not respond, he's just looking at me. "Ayaw ko kasi na umasa ka, ayaw ko na patagalin pa tapos ang puso at mga mata ko nakalaan lang para sa kanya." Hindi pa rin kumikibo si Bon, nakatingin lang siya sa akin. "Pero alam mo ba, masaya ako na dumating ka sa buhay ko." "Eh bakit ayaw mo sa akin?" he finally react. "Masaya ako kasi kung hindi nagkrus ang landas natin hindi ko siya ulit makikita." kumunot ang noo ni Bon, he looks confuse right now. "Mahirap iexplain kasi ang weird, you might find me crazy pero yun ang totoo. I just want to be honest with you." "Walang problema sayo Bon, nasa akin kasi may mahal na ako hindi niya nga lang alam pero mahal ko na siya bago pa kami nagkita." "What do you mean?" he asked. "Diba i'm in coma for 2 months? and in those 2 months, nagkaroon ako ng mahabang panaginip where i met this guy, he's my first love alam mo yung parang totoo lahat yung nangyari, hanggang ngayon masakit pa rin kasi everything feels real nagmahalan kami nagkaron kami ng anak, then i woke up from that coma looking for them pero lahat yun panaginip lang pala." hindi ko na napigilan na pumatak ang mga luha ko, naguunahan na sila pababa sa pisngi ko. "Mahirap magkwento kasi feeling ko hindi naman sila naniniwala, pero hanggang ngayon mabigat pa rin sa dibdib ko tuwing naalala ko sila but when i met him nagkaron ako ng pag-asa, yun parang nabuhay ulit yung namatay kong puso." "It's up to you Bon if maniniwala ka sa akin if you will judge me na nababaliw na ako. Baliw na kung baliw, nakakabaliw naman talaga magmahal diba?" "Cham, ang swerte niya. I can feel your sincerity. Tama nga ako, at first i wanna deny it to myself, the way you look at him it's so different when you look at me, there's no spark, but when you look at him it looks like your world only revolves to him." "Sorry Bon." i reach for his hand and squeeze it. "Just want to confirm, it's my brother right?" i nodded as an answer. "Siya ang kasama ko when i'm in coma, i spent 6 years of false memories during those 2 months. Until now naalala ko pa rin ang mga pinagsamahan namin. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng makita ko ulit siya. Sobrang saya ko tuwing nakikita ko siya, domodoble ang t***k ng puso ko tuwing tinitignan niya ako. Nothing changed mahal ko siya sa panaginip ko at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon." Agad nagpahid ng luha niya si Bon, ang sakit pala malaman may ibang mahal ang gusto mo. "I guess magiging masaya na lang ako kung saan ka masaya. Sana lang hindi ka sasaktan ni Thor, as her brother siya ang tipo ng hindi nagseseryoso sana lang maging handa ka." i smiled bitterly. "Handa akong sumugal Bon, basta alam ko lang na andiyan siya masaya na ako." "Nakakainggit naman, hay! Wala ako masabi, hindi ko lang kasi matanggap na kapatid ko pa. Natatakot ako for you, baka saktan ka lang niya." "Part naman yun pag nagmamahal ka, madami akong natutunan sa mga naranasan ko sa panaginip ko, ayaw ko pagsisihan ko sa huli ulit na hindi ko pinaglaban ang pagmamahal ko sa kanya hanggang nawala siya. Ngayon andito na ulit siya i will do all i can for him to love me too. Kahit magmukha pa akong tanga." "Ano ba yan mas lalo akong naiinlove sayo, how can i forget this feeling. Ang sarap mo siguro magmahal, pero hindi ko na siguro talaga mapipilit ang puso na iba na ang tinitibok." "Sorry talaga Bon, i hope you understand me ayaw kong lokohin ka, paasahin ka." "Yeah i understand, hindi ko lang siguro matanggap na kapatid ko pa. Yung kapatid ko na hindi alam ang salitang seryoso sa isang relasyon." "Hindi ko siya sinisiraan ah, don't get me wrong with that. Special ka sa akin, kaya ayaw kitang makita na masaktan." "Thank you Bon, for your concern. I hope na after this we can be friends." i inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Agad naman niyang inabot ang kamay ko at nagshakehands kami. "Okay basted na ako, friendzone na." natatawang sabi ni Bon. Pagkahatid ni Bon kay Cham ay dumeretso siya sa bahay ni Thor, naabutan niya ito sa little bar nila at umiinom. "Oh bakit andito ka? Tapos na ba date niyo ni Cham." tanong ni Thor ng umupo ito sa harap niya. "Penge nga niyang iniinom mo." agad naman kumuha ng baso at ice si Thor at sinalinan ito ng alak. "Bakit ganyan itsura mo? You look wasted bro" Pagak na napatawa si Bon. "Sakit pala mabasted bro. First time eh." anito sabay lagok ng diretso sa alak, sinalinan niya ulit ito. "Totoo ba yan?" pati si Thor ay napainom din at dineretso din ang buong laman ng baso nito. Tinignan ni Bon si Thor habang nalagok ng alak "She's inlove with someone else bro, ang sakit lang kasi parang mas lalo akong nainlove sa kanya with her honesty. I dunno now how to unlove her." Tahimik lang si Thor at tinitignan ang bawat kilos ng kapatid, ilan minuto pa lang itong nakaupo pero naka apat na shot na ito kagad. "Bro, gustong gusto ko siya pero hindi ko kayang ipilit sarili ko dahil masaya na daw siya don sa taong gusto niya. Sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan niya." "Bro, ikaw ba kelan mo ba balak magseryoso." "Ako? Sakit lang sa ulo ang mga babae, tignan mo sarili mo ngayon kaya wala pa sa bokabularyo ko yan." Natawa naman si Bon habang pinapaikot ang baso niya. "Sana ako na lang ikaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD