Chapter 11

1467 Words
"Waahhhhhh" sigaw ko pagpasok ng bahay. Hingal na hingal ako sa bilis ng takbo ko. Totoo ba yun i kissed Thor? Omg anong nangyayari sa akin. Minsan hindi ko na rin alam anong nangyayari sa akin lalo na pag kaharap ko si Thor. Hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko, he really look like Ellsworth gusto ko lang naman ulit mapalapit sa kanya. Gusto ko lang na mapansin niya lang naman ako. Ilang buwan na ako nangungulila kay Ellsworth at ang pagdating ni Thor ang bumuhay ulit sa puso kong namatay din. Araw araw kong pinagdadasal na kung magkrukrus ulit ang landas namin ni Ellsworth ay hindi ko na siya papakawalan, lahat gagawin ko para ipagpatuloy namin ang pagmamahalan namin. I guess may better plan sa akin si Lord that's why he chose us to meet in another way. Yung wala ng masakit na pangyayari. "Bebe ano nangyari sayo?" nagulat ako ng humahangos si Ate Mylez sa akin. "Hehe wala ate, masaya lang ako." umupo ako tinanggal ang sapatos ko. "Ang lakas kasi ng sigaw mo akala ko may magnanakaw eh, ay teka bakit ngayon ka lang aber?" "Nanlibre lang new boss namin." "Ah ung pumalit kay Tito Albert?" "Yes Ate." "Sino naghatid sayo gabing gabi na ah." Ngumiti muna ako bago sumagot. "Yung bagong boss namen." "Ohh bakit naman special hatid ka pa ng boss mo ah? Bakit hindi mo sa akin pinakilala?" "Hindi kasi pwede si Joe kaya nagprisinta siya na ihatid ako, kapatid siya ni Congressman." "Talaga! Eh di cutie cutie din?" Napangiti na naman ako and just nodded as an answer. "Soon teh makikita mo rin siya, akyat na ako teh ah may pasok pa ako bukas." "Okie dokie , goodnight." Kinabukasan pagdating ko sa office hindi ako mapakali kaya tingin ako ng tingin sa paligid nang magising ako kanina bigla ako binalot ng hiya. Kanina ko pa iniisip ano kaya reaksyon ni Thor sa goodnight kiss ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa office ko ng hindi ko siya nakikita. Binuksan ko na ang laptop ko. Nanlaki mga mata ko ng makita ko ang reflection ni Thor sa monitor ko! Andito siya sa likod ko. Ano gagawin ko? Natiklop ko tuloy ang laptop ko ng wala sa oras. "Good morning." mahinang sambit ni Thor. Oh my gosh bakit ang sexy po ng boses niya. "Ah eh ih ano ba yan good morning din boss." "Nagulat ba kita?" "Ah eh oo akala ko kasi may multo." Narinig ko siyang tumawa hindi ko pa rin kasi siya nililingon, medyo nahihiya pa rin kasi ako. "Here i bought you coffee." nilapag niya sa gilid ko. "Salamat boss." kiming sagot ko. "Oh bakit parang ayaw mo ako tignan ngayon?" I froze with his question. Anong isasagot ko! "Ah eh kasi ano uhmm may, may stiff neck ako. Hindi ako you know makalingon." "Really?" he doesn't sound conviced. "Oo nga eh kainis panget ng gising ko sakit ng leeg ko." pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makahinga ng bigla niyang paikutin ang office chair ko at ngayon ay nakatapat na ako sa kanya. Nakapantay na ang mukha niya sa mukha ko. "Ano ba yan nakakagulat naman." hindi ko na napigilan sabihin, ang bilis ng pangyayari. I saw him smiling at me. "Saan ba masakit?" hindi pa ako nakakasagot nang hawiin niya ang buhok ko papunta sa likod ko at minasahe ang gilid ng kanang leeg ko. Dahan dahan akong napalunok, parang magiging totoo yata tong stiff neck ko parang nanigas ang leeg ko sa bawat dampi ng mga daliri niya. He's looking at me, hindi ko naman kayang labanan ang tingin niya ngayon kaya iniwas ko na lang ang mata ko at tumingin na lang sa ibang direksyon. Hindi ako sanay na siya ang unang tumitingin sa akin. "Are you feeling better?" he asked while still massaging my neck. Hindi ako makasagot, parang ayaw lumabas ng boses ko. Then he also massage my left neck. Naubo na lang ako sa sobrang kaba feeling ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. "Are you okay?" "Y-Yeah i'm okay na." inayos niya ulit ang buhok ko. "That's good to know." he's still looking at me. "Magwowork na po ako boss." as much as i want him to be with me right now. Hindi ko kinakakaya! Nanghihina ako sa mga titig niya. "Okay sige sure ka okay ka na ah?" paniniguro nito. "Yes okay na ako, baka lalo sumakit pag hindi ka pa umalis." He's laughing again. Sumimangot naman ako at inikot ko na ulit ang upuan ko patalikod sa kanya. "i'll go ahead Cham." hindi ko kagad siya nilingon bumilang ako ng lima before ko tiningan if talagang nakaalis na siya. Nang wala na siya i took a deep breathe, hinawakan ko ang magkabilang leeg ko i can still feel his soft fingers lingering in my neck. I shook my head and started to work na. Madami akong deadline today, cutoff na ng HR. Hindi ko na namalayan na 1pm na pala, naramdaman ko na lang na kumukulo na ang tiyan ko. Naalala ko pala na kanina pa ako niyaya ni Ara hindi ko siguro siya narinig ng maayos since nagfofocus ako sa mga excel files ko. Sa sobrang busy ko hindi ko namalayan na may katabi na pala ako kung hindi ko pa naamoy ang pagkain sa gilid ko. "Papatayin mo ba ako sa niyerbyos?" napahawak ako sa dibdib ko nang pinaikot niya ulit ang office chair ko to face him. "Mamaya na yang work mo let's eat." "Nag-abala ka pa, nakakahiya." "It's okay nagpadeliver talaga ako for two wala ako kasabay kumain." "Ang galing mo sa excel files ah." "Yeah excel files is life sa amin mga accountant. Kahit nakapikit ako kabisado ko mga formulas" pagmamalaki ko. "Really? Sige nga turuan mo ako ng mga mahihirap na formulas." Lumapit siya sa akin at sinimulan ko na siyang turuan. Hindi na namin namalayan ang oras. "Ay andito ka pala boss." si Ara, muntik ko ng matulak si Thor sa gulat. "Yeah nagpaturo lang ako kay Cham, aalis na rin ako tapos na rin naman ang lunch break." tumayo na ito at naglalakad na palabas. "Sige po thank you boss." sabi ko bago siya tuluyang lumabas. "Ayieeee" pang aasar ni Ara habang tinutusok tusok ang tagiliran ko. "Mam Cham anong meron? Bakit nakakakilig kayo tignan? Konti na lang cheeks to cheeks na eh. Bagay kayo ni boss Mam infairness." "Hala siya chismis yan ah." i'm trying to hide my smile. Bagay daw kami? "Ewan ko ba simula kagabi nang mapansin ko na tinititigan ka ni boss sa bar, ewan ko ba may kilig factor. Tapos titingin ka din magtatama mga paningin niyo. Mam Cham nakita ko yun kagabi ayieeee." "Sshh, wala lang yun nagkataon lang siguro. Let's go back to work na madami pa tayong deadline." "Mam Cham, pinapatawag po kayo ni Sir." i got a call from the receptionist, wala pa kasi secretary si Thor. I look at the time sakto rin pala out ko na, natapos ko na rin naman mga deadlines ko. Pagbukas ko ng pintuan ng opisina ni Thor ay si Bon ang bumungad sa akin . " Hi Cham" agad na tumayo ito para salubungin ako, he handed me a bouquet of sunflowers. Hinanap ng mga mata ko si Thor pero wala siya. "Hi andito ka pala." "Yea kanina pa ako mga 3pm we a meeting kasi then hinintay na kita since malapit ka naman mag out." "And i want to invite you for a dinner." siya namang pasok ni Thor. "Kasama ba sa dinner si Thor?" "Ano naman gagawin ko don? third wheel?" iritadong sagot ni Thor. "Yeah maybe next time for now tayo lang muna." "Let's go na Cham baka matrapik tayo." hinawakan ako ni Bon sa siko ko at inalalayang maglakad. Nilingon ko si Thor bago tuluyang sumara ang pintuan and he's also looking at me saglit lang then he look down browsing his paperworks. Sa isang Japanese restaurant ako dinala ni Bon. There are different vip rooms at andito kami sa pinakamalaki kami lang dalawa pero ang daming inorder ni Bon. Kumain muna kami, gutom na rin din naman si Bon. "How are you Cham?" tanong ni Bon kay Cham after niyang kumain. "I'm doing fine, pero mas magiging totally fine ako if magiging honest ako sayo Bon." "What do you mean?" "Alam kong mabait ka Bon, kaya ayaw ko na paasahin ka pa." Nakatingin lang sa akin si Bon, i can see sadness in his face. "Hihilingin ko sana na itigil mo na yung panliligaw sa akin, i don't want to hurt you." "Bakit Cham? is it because i dont have much time for you?" "No Bon, kasi i'm already inlove with someone else."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD