"Ako na maghahatid kay Cham paguwi." sabat ni Thor.
Pinipigilan kong ngumiti dahil hindi ko inaasahan na andito siya at nakikinig sa amin ni Brandon at bakit naman siya magprepresinta na ihatid ako.
Tinignan naman ni Brandon si Thor, hindi niya kasi kilala to at tinignan din naman siya ni Thor na parang nagsusukatan ng tingin ang dalawa.
"Ah Nrab, siya pala bagong boss ko siya pumalit kay Tito Albert si Thor."
"Boss si Brandon bestfriend ko." pagpapakilala ko sa dalawa.
Naunang inilahad ni Brandon ang kamay niya, tinignan lang ito ni Thor pero kalaunan ay inabot din niya ito.
"Pwede ko naman siyang hintayin." pagpupumilit ni Brandon.
"It's okay safe sa akin si Cham, i will make sure na makakauwi siya ng maayos." sagot ni Thor.
"Sige na Nrab, maaga ka pa bukas magpahinga ka na i'll just text you pag nakauwi na ako para hindi ka mag-alala."
Mukhang hindi convince si Brandon, first time niya lang kasi makita si Thor.
"Babalikan na lang kita dito Mach." bulong nito sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"Mauna na ako, enjoy ka Mach. Wag ka iinom marami ah." sinenyasan niya lang si Thor na paalis na siya.
"Protective bestfriend ah." komento ni Thor pag alis ni Brandon.
"Hindi naman masyado." kiming sagot ko. Bigla naman akong napapunas sa mukha ko titig na titig kasi sa akin si Thor.
"Bakit namamaga mga mata mo?" curious na tanong nito, napaiwas naman ako ng tingin.
"Ah wala lang, halika na pasok na tayo baka hinahanap ka na sa loob."
"Ay ibuh" bungad sa akin ni Joe pagupo ko palang sa tabi niya.
"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Anong ganap don sa baba? Na sight ko kayong tatlo doon ni Papa B?"
"Ah wala pinakilala ko lang si Brandon kay Boss."
"Kanina pa wala si Papa Boss, andon lang sa baba, naku baka mega bantay sayo isumbonglalo ka sa brother niya." bulong nito sken.
Natawa naman ako sa pagiging chismoso nito ni Joe.
"Grabe ka talaga dami mo naiisip ah, nagyoyosi lang siya don." bulong ko din sa kanya.
"Wititiitt, sinasight ko talaga siya well syempre baka concern lang siya kasi may kasama kang boylet may pa pink roses pa kasi to si Papa B eh, baka isipin manliligaw mo din."
"Joe Cham anong gusto niyong inumin." singit ni Thor.
"San mig apple lang sa mga chicks like us boss." nakangising sagot ni Joe.
Puro chickahan lang ang ginawa ni Cham and Joe. Isa isa na rin nagaalisan ang mga kasama nila yung iba kasi medyo malayo pa ang uuwian. Apat na lang silang natira.
"Wit lang frenship boyfie calling." umalis muna si Joe, pati ang isa nilang kasama ang editor nila nagpaalam na magyoyosi.
Si Cham at Thor lang ang natira sa table.
"Okay ka lang?" si Thor.
"Yes."
"Gusto mo na rin bang umuwi?."
"If uuwi na kayo sige."
"Frenship, hindi kita mahatidlalo nagpapasundo si boyfie juminom din with officemates niya. Paano yarn?"
"It's okay Joe ako na bahala kay Cham." nagpalit palit naman ang tingin ni Joe sa dalawa.
"Talaga boss sige po pakihatid na lang po tong babaita na to. Salamat."
Lumapit sa akin si Joe at bineso beso ako.
"Uy frenship ingat kayo ah. Ingat kayo boss "
Tinawag na ni Thor ang waiter for the bill.
Paglabas namin sa bar nagpaalam na rin ang editor namen. Naglakad na kami papuntang parking lot.
"Okay lang ba sayo to, big bike lang ang dala ko."
"Okay lang sa akin." hindi ako makapagreact masyado, excited na kasi ako.
Mayayakap ko na siya.
Dahan dahan niyang sinuot sa akin ang helmet at inayos ang buhok ko na lumalabas. Nakatingin lang ako sa kanya, pinagmamasdan ang bawat galaw niya ang pagkislot ng mga panga niya ang pagkurap niya. Inaaral ko ang bawat parte ng mukha niya, walang duda siya ang Ellsworth ko.
"Matunaw naman ako niyan." he whispered.
"S-Sorry." nahihiyang sagot ko, iniwas ko na tuloy ang tingin ko sa kanya.
"You really like staring at me huh?"
"Sorry talaga." wala na ako ibang maisip isagot.
Sumakay na siya, hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan makaupo sa likod niya.
Nakahawak lang ako sa bag ko nahihiya ako na yakapin siya baka kung ano isipin niya. He started the engine at pinaandar na ito.
Pero hindi pa kami nakakalayo ay tumigil siya.
Nagulat ako ng kinapa niya ang dalawang kamay ko at ipinulupot ito sa bewang niya.
"Humawak ka sa akin baka mamaya wala na pala akong kasama, malaglag ka. Mabilis pa naman ako magpatakbo."
Napakagat labi ako, shocks gusto ko sumigaw sa kilig. I can already feel his warm back.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Thor.
"Huh h-hindi naman masyado."
"Ang lakas kasi ng t***k ng puso mo."
Naginit naman ang pisngi ko, ganon pala kalakas na ng t***k ng puso ko pati siya ay naramdaman ito.
"Gusto mo ba humigop ng mainit na sabaw?" tanong ko sa kanya. Medyo madami rin kasi siyang nainom hard pa naman.
"Sure saan ba?"
"Meron sa malapit sa amin na 24 hours na mamihan hindi ko lang sure kung okay lang sayo? Libre ko."
"Hindi ako mapili sa pagkain don't worry sabi mo yan libre mo ah."
Napangiti naman ako ng lihim, buti pumayag siya makakasama ko pa siya.
Pagdating namin sa mamihan ay agad niya akong tinulungan makababa at siya na rin nag alis ng helmet ko.
"Thank you."
"Pili ka na, masarap mga pagkain nila dito."
"Totoo nga ah masarap mukhang mapapadalas ako dito, ganito mga namiss ko when i'm in Paris."
"Pwede kita samahan whenever you want to eat here, lapit lang haws ko dito mga 5 blocks away lang."
"Sure".
Dinadahan dahan ko lang ang pagkain ko, kung pwede lang wag na matapos tong gabi na to masaya akong pinagmamasdan si Thor.
Masaya ako na pinakita ulit siya sa akin ni Lord.
Sa ngayon makukuntento muna ako na pagmasdan siya ng hindi niya alam. Walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya, lalo na ngayon na ang lapit niya sa akin, alam kong hindi na ito panagip.
"Stop staring at me Cham, kumain ka na lumalamig na ang pagkain mo."
Nahuli na naman niya ako nakatingin sa kanya.
Nagulat ako ng tumawa siya.
"I'm not sure what's with my face, bisyo mo na yang titigan ako noh?"
"Ah eh, sorry talaga." natawa na lang din.
After ko matapos kumain ay nagyaya na siyang ihatid ako.
"Baka gusto mo magkape?", yaya ko sa kanya, andito na kami sa labas ng apartment namen.
"Hindi na late na din, magpahinga ka na may pasok pa bukas."
"Sige salamat ah for the ride."
"No problem." sumakay na siya sa big bike niya.
"Wait" sabi ko.
Isusuot na sana niya ang helmet niya. Lumapit ako sa kanya.
And give him a kiss on his left cheek.
"Ah goodnight ingat" hinihingal na sabi ko sabay takbo papasok ng bahay.