Chapter 8

2739 Words
Laking gulat ni Cham ng hilahin siya papasok ni Ellsworth sa banyo. Thor pinned her to the wall habang ang dalawang kamay nito ay nakatukod din sa pader at napapagitnaan si Cham nito. Ang lapit ng mukha ni Thor sa kanya she can smell the alcohol from his breathe, kahit nagulat siya sa ginawa nito hindi niya mapigilan na matuwa deep inside. “A-ah s-sorry talaga hindi ko kasi talaga alam na may tao.” Nauutal na bulong ni Cham, makikita naman na gumagalaw ang mga panga ni Thor hindi niya tuloy maintindihan kung galit ba ‘to dahil sa nangyari kanina. Nakatitig lang ito sa kanya at wala pa rin namumutawi na kahit isang salita mula dito. Napapakagat naman ng labi na si Cham sa kaba, hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Thor sa mga oras na ‘to. “T-thor may p-problema ba?” mas mahina ang boses niya, hindi niya alam ang nararamdaman ngayon parang mas lalo siyang nalasing sa mga titig ni Thor. Lalo pang nilapit nito ang mukha nito sa kanya, ilang hibla na lang ang pagitan ng mga ilong nila. Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya nararamdaman na din niya ang pamamawis ng pagitan ng upper lips at ilong niya. “T-Thor” sobrang hina na ng boses niya. Nararamdaman na niya ang hangin na galing sa bibig nito, lumapat na din ang ilong nito sa ilong ni Cham. “Natikman ka na ba ni Bon?” bulong nito sa kanya, napakagat naman sa labi niya si Cham sa sobrang gulat. Napatanong siya sa sarili niya na ganoon ba siya sa tingin ni Thor, biglang kumirot ang isang bahagi ng puso niya. “Ano ba ang sinasabi mo?” tanong niya at pilit na nilalabanan ang bugso ng damdamin niya. “Nevermind.” tiim-bagang na sabi nito. Thor put his index finger on Cham’s lips he’s like trying to learn how soft it is. Parang nanigas naman si Cham sa sorbrang kaba. Hirap na siyang lumunok, simpleng dampi lang ng daliri ni Thor ay dala na nito ang sangkatutak na kuryente sa buong katawan niya, she can’t help but to close her eyes. “Ellsworth” she whispered that only her can hear. Napakagat siya sa labi niya when she felt that Thor’s finger is no longer there. “I’m going out. I dunno what to do if I will stay here for few more seconds.” Mahinang sambit ni Thor, para naman binuhusan ng malamig na tubig si Cham, when she heard the door closed. Napahawak ang dalawang kamay niya sa mga tuhod niya. Kanina ay naiihi siya pero parang umurong ito. Nanghihina ang pakiramdam ng paa niya but she still tried to walk up to the mirror to look at herself. Naghilamos siya para mahimasmasan, mas lalong tumaas ang pagkalango niya dinagdagan pa ng presensya ni Thor. She thought that Thor will kiss her but she’s wrong. Akala niya lang pala. Kumuha siya ng paper towel at pinunas ito sa mukha niya, medyo nahulasan siya ng bahagya. Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang lumabas ng banyo. Dahan-dahang naglakad pabalik sa pool area kung saan naririnig pa din niya ang ingay ni Joe at ang mga kasama ni Thor. “Ateng ayos ka lang ba?” agad na tanong ni Joe pagupo niya. “Oo medyo lasing na ako.” Sagot niya. "Konti na lang to ubusin na lang natin yung natitirang alak. Then uwi na tayo” ani Joe, hinatid na ng bodyguard ni Bon ang sasakyan ni Joe kaya meron na silang sasakyan pauwi. Wala na din si Bon dito hinatid na daw ng mga bodyguard nito sa kwarto niya. Nag-aalala naman si Joe sa itsura ng kaibigan kaya nilapit niya dito ang upuan niya at isinandal ang ulo ni Cham sa balikat niya. Nahuli naman ni Cham ang mga tingin ni Thor sa kanya na mukhang pinagpapalit-palit nito ang tingin sa kanya ang Joe. *** “Mach good morning.” Agad na bati ni Brandon ng makita nito si Cham na pababa na ng hagdan. Nagulat naman si Cham na andito na pala si Brandon, nasa out of town kasi ito for their business expansion sa Visaya. “Hi Nrab morning din.” Nakangiting sabi niya. “Let’s go hatid na kita.” Yaya nito. Monday ngayon at ngayon din malalaman ni Cham kung ano ang changes na mangyayari sa Alban publishing. Her Tito Albert told her last night that they will have a meeting today. Napansin naman ni Brandon na sobrang tahimik ni Cham, isang tanong isang sagot lang ito. Since the time that she woke up from coma napansin niya ang malaking pagbabago sa matalik na kaibigan. Iniisip na lang niya na that is because of the impact it caused her brain kaya siguro merong mga changes. Hindi niya rin ito masisi dahil siya ang dahilan bakit sila naaksidente which he still regret until now hindi niya talaga mapatawad ang sarili sa mga nangyari kay Cham. Nakarating sila sa building ng mga Alban na hindi masyado naramdaman ni Brandon ang presensya ni Cham. “Thanks Nrab. Ingat ka pagpasok mo.” Cham said then bumaba na siya ng kotse. Napasinghap na lang si Brandon he missed Cham so much ang dating Cham. Pagpasok pa lang ni Cham sa reception area ay agad siya dumeretso sa opisina ng Tito Albert niya. “T-tito.” Ani Cham, nagulat siya sa nadatnan nito. “Hi Cham good morning.” Albert said with a smile on his face. “Ano po ibig sabihin nito?” malungkot na sabi ni Cham, she saw that her Tito Albert were packing all of his things. Albert sigh, he don’t want Cham to see him right now lonely. Kaya naman ay binalik niya ulit ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “I’m leaving this room, the new owner will occupy this.” Pagkasabi niya nito ay halata naman ang paglaylay ng balikat ni Cham. Tinotoo nga ni Bon ang offer nito sa Tito Albert niya. “I’m sorry Tito I wasn’t able to help you.” Naiiyak na sabi ni Cham. Nilapitan niya ito at niyakap. “It’s okay iha it’s not your responsibility to resolve this problem.” Albert pat her back. Tuluyan naman na naiyak na si Cham sa sobrang lungkot with the outcome. She thought she can help his Tito to get a better option but she failed. “Pero Tito hindi naman kailangan na maging ganito. Pinaghirapan mo po ‘to.” She said with teary eyed, humiwalay na din siya sa pagkakayakap sa Tito niya. “I have no choice Cham, let it be. I still own thirty percent of Alban publishing so don’t you worry okay.” Pinipilit na lang na maging okay ni Albert but deep inside it’s killing him knowing that one of his favorite business will be taken away from him. Pero he’s decided kesa naman magbayad siya ng sobrang laki sa Congressman he chose this option instead. “Pero tito…” hindi na nakapagsalita si Cham, dahil pinigilan na siya nito. “Let’s go na sa conference room, I want you to be there. I will introduce the new CEO” sinimulan na buhatin ni Albert ang mga gamit niya palabas. Sumunod na lang si Cham at tinulungan ito. Pagdating nila sa conference room ay madami ng tao lahat ng writers ay nandito na. Tinawag siya ni Joe. “Ateng anong ganap?” bulong ni Joe sa kanya. “Hays new management.” Tanging nasagot niya. Walang idea ang mga ito, her Tito Albert did not inform them yet ngayon pa lang. “Good morning ladies and gentlemen.” Masayang bati ni Albert sa mga kaharap. “I’m sure that all of you are kinda wondering why we have this meeting. Right?” pagpapatuloy nito, lahat ay sumang-ayon ang iba ay parang may mga question mark sa mga mukha nito. “Starting today.” Albert cleared his throat. “Starting today I resigned as your CEO, I will not be the sole owner of this company anymore. I will only own partial of it. It’s really hard on my end this decision I made, but because I want all of you to stay I’d rather choose this path. As we all know we had this issue with the wrong accusation that our newspaper did to this Congressman.” Albert stopped, then most of the people already guess what’s going on. “I want to be vocal to all of you and for you to find out the truth before I’ll pass it to the new CEO. Congressman asked me to have a large part of shares here or else I need to shutdown this business which I don’t want to happen dahil alam kong madaming mawawalan ng trabaho.” Hindi na nakayanan pa itago ni Albert ang emosyon, nalulungkot siya at disappointed but he needs to move on since it already happen. He just need to take the risk and check what will happen next. “So starting today, I’m giving now my place to the new CEO. Hopefully you can work with him, treat him how you treated me. I’m sure that he can handle this company better than I did. In few minutes he will be here.” Tinapos na ni Albert muna ang meeting nila dahil nagtext na si Mr. Manlapas na nasa baba na siya lumabas muna ito para salubungin ito. “Kaloka friend, si Bon na pala ang new CEO natin. Omg hindi ko ito inexpect.” Gulat pa din si Joe sa mga kaganapan. “Wala na tayo magagawa.” Malungkot pa din si Cham until now. Daldal ng daldal si Joe pero wala ni isang pumapasok sa utak ni Cham, pinaglalaruan niya lang ang ballpen at kung ano-ano ang sinusulat sa organizer niya. Wala siya sa mood magreact ngayon. Ni hindi niya nga namalayan na nakapasok na ulit si Tito Albert niya sa conference kasama ang bagong CEO. “Good morning guys.” Bati nito. Hindi pa rin ito naririnig ni Cham para na kasi siyang lutang. “I want you to all meet our new CEO, his name is Torrance Manlapas. He’s the youngest brother of Congressman.” Pagpapakilala nito. “Aray.” Napalakas naman ang sigaw ni Cham, kinurot kasi siya ni Joe dahil hindi siya nakikinig. Namilog ang mga mata niya ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. “Sorry po.” Agad na sabi niya ng halos lahat ay nakatingin sa kanya. Pati si Thor ay nakatingin sa kanya ng seryoso. “Kainis ka bakit mo kasi ako kinurot.” Mahinang sambit ni Cham kay Joe. “Kasi naman lutang ka diyan, andiyan na si Thor sa harapan natin. Kaloka talaga ang gwapo niya, look at him with his business attire sobrang hot.” Joe whispered back, nakatitig lang si Cham kay Thor. She didn’t expect that Thor will be the one who will handle this. Pero masaya siya at least araw-araw sila magkikita. Biglang nawala ang lungkot niya at napalitan ng excitement. Naalala niya muli ang panaginip niya. Boss niya din si Ellsworth at ngayon ay si Thor. Graduate ng journalism si Thor sa Paris kaya hindi ito mahihirapan i-handle ang business ng Alban publishing eventhough it’s his first time to work in a publishing industry mukha naman na matalino ito at smart. “My name is Torrance but I prefer you to call me just Thor and I will be the new CEO of this company. I am not an expert in many of the aspects of the business, so I hope you will be open with me when I ask questions. I am not probing to look for weaknesses in you or your colleagues but to see how we are doing things now and how we might look for improvements.” Umpisang pagpapakilala ng bagong boss nila. Nakalumbaba si Cham habang tahimik na nakikinig dito. Ang nakikita lang ni Cham ay ang bawat buka ng bibig ni Thor but again all those words are not sinking in her mind. She’s busy looking at Thor, again she believes it’s all what we called déjàvu. “I am sure that we can work well together and I know that you are all capable of a great deal. I am here to help you reach your potential so I’m relying on each of you to prove me right!” pagpapatuloy nito. Medyo madami pa siyang sinabi. “My door is always open. I don’t really believe in long hours of meeting, everyday is a process eventually I will know all of you. Thanks for listening guys” Nakangiting sabi nito. Tapos na magsalita si Thor pero nakatulala pa rin si Cham, sinabi na nito na may mga dala siyang pagkain para icelebrate ang first day niya sa Alban publishing. Naalimpungatan na lang siya ng nawala na sa paningin niya si Thor. “Anong ganap Joe?” agad niyang nilingon ito. “Lalafang tayo, kinukuha lang yung mga foods sa labas. Hays naku kanina ka pa lutang ateng. Anong ganap?” balik na tanong ni Joe sa kanya. Ngumiti naman na parang nakakaloko si Cham. “Wala naman, masaya lang ako.” Kumunot naman ang noo ni Joe. “Wow bipolar ang peg kanina malungkot ngayon masaya. Daig mo pa ang climate change sa bilis mo magpalit ng mood. Anong ganap?” mataray na tanong ni Joe habang nakataas ang kaliwang kilay. “Bakit masama ba maging masaya?” inirapan naman ni Cham si Joe, sagabal kasi sa moment niya. *** Lumipas ang mga oras naging busy na sa work niya si Cham, hindi na niya ulit nakita pa ulit si Thor dahil busy ito sa production area. Ilang minuto na lang ay out na niya, nag message siya kay Joe kung busy ba doon at hindi siya nabigo dahil andon pa din daw ang bagong boss nila. Saktong alas singko ay tumayo na siya at masayang pumunta sa production area kung nasaan andon din si Joe. “Hi” bati niya sa mga tao pagpasok niya ng pinto. “Ateng hindi kita masasabay may overtime kami for one hour.” Agad na sabi ni Joe, lagi kasi nito isinasabay si Cham dahil sa hirap sumakay ng ganitong oras. Lumingon naman si Thor sa pwesto nila Cham, nakita ito ni Cham kaya agad niya itong nginitian. Pero wala man lang itong reaksyon sa kanya. Nagstay pa si Cham sinabi niya kasi na hihintayin niya na lang si Joe para sabay na sila since one hour lang naman. Inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine. “Let’s call it a day guys, so for those who still have time to unwind it’s my treat. Let’s drink sa may bar na malapit dito just one block away. I already have a reservation, so see you there” binigay nito ang location ng bar at nagpaalam na at doon na lang sila magkita-kita sa mismong bar. “You can join us Cham.” Nagulat siya ng sambitin ito ni Thor bago ito lumabas ng production area. Ang laki ng ngiti niya pagkatapos non. “Uy babaita, yung kapatid ang prospect mo hindi si boss. Akin siya ah.” Agad na pang-aagaw ng moment ni Joe. “Ano daw?” nakangiti pa din na sabi ni Cham. “Aba ateng mahirap mamangka sa dalawang ilog ah. Dahil hindi ka marunong lumangoy.” Panloloko ni Joe, kanina niya pa kasi nararamdaman ang kakaibang titig ng kaibigan sa bagong boss nila. “Halika na nga, sasama ako.” Hinila na ni Cham si Joe. “Eggzoited ka teh? Teka lang isasave ko lang ang mga sinulat ko.” Nagpaalam muna si Cham na mag-babanyo. Nakangiting nakatingin si Cham sa salamin, kinuha ang face powder at nag-apply ng kaunting lipstick at kaunting blush on. Sinuklay niya din ang mahabang buhok at nag-aaply ng pabango. She will do all her best para lang mapalapit kay Thor, kahit ang paglalasing pa ay gagawin niya. Mahalaga sa kanya ang bawat minuto na makakasama niya ito Si Thor na boss niya. Saktong paglabas niya ng cr siya ring labas ni Thor sa cr panglalaki. "Hi, paalis ka na ba?" tanong niya. "Yeah, sunod kayo ah." tatalikod na sana ito pero pinigilan ito ni Cham. "Wait!" "Bakit may sasabihin ka pa ba?" "Noong nakaraan kasi, gusto ko lang sagutin." napakunot naman ang noo ni Thor. "Huh? What are you talking about?" "Tinanong mo kasi if may nangyari na samin ni Bon? Wala, yun lang bye." bigla naman siyang nahiya sa sinabi niya at mabilis na umalis. Hindi kasi siya mapakali bakit ganoon na lang ang tanong sa kanya ni Thor. Nagulat siya ng may humawak sa braso niya. Hinabol pala siya ni Thor. "I don't like you for my brother." Tinanggal niya ang braso niya sa pagkakahawak ni Thor. "Don't worry i don't like him too, may iba akong gusto." sabay umalis na talaga ako papunta kay Joe. Muntik na akong madulas, na siya ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD