Chapter 7

3273 Words
Bigla naman nakaramdam ng kaunting hiya si Cham ng mapansin niya na titig na titig na si Thor sa kanya, huminga siya ng malalim at ngumiti siya ulit dito kita na lahat ng mapuputi niyang ngipin ngayon. Nagtataka naman siya kasi hindi man lang ito ngumingiti sa kanya bagkus ay seryoso lang itong nakatingin sa kanya, hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. “Hindi ka pa ba pagod?” tanong niya, hindi na kasi niya alam kung ilang kanta na ang natapos nila pero ramdam niya na matagal na sila dito. Halos wala na din ang mga tao na kasabay nila na sumasayaw kanina. Hindi ito sumagot, pinipigilan naman ni Cham na matawa dahil para naman kasi tinuklaw na ito ng ahas pero masaya siya dahil para sa kanya lang naman talaga ang mga mata ni Ellsworth este Thor. Tinanggal niya ang kanang kamay na nasa batok ngayon ni Thor at inilapat ito sa kaliwang pisngi nito. Dinadama niya ang mainit na pisngi ni Thor, nang bigla itong mapakislot at parang gulat na gulat. “Let’s go back.” Usal nito at sabay alis ng mga kamay nito sa bewang niya. Inalis na din niya ang mga kamay niya na nasa pisngi at balikat nito. Hinawakan siya nito sa kamay at naglakad na pabalik sa table nila. “Thanks for your time.” Bulong nito sa kanya ng malapit na sila sa table sabay alis ng kamay nito. “Lil bro akala ko hindi mo na ibabalik si Cham eh.” Agad na bungad ni Bon pagdating nila sa table nila. Inalalayan naman nito si Cham na makaupo. “Gotta go.” Paalam nito at sumenyas na pupunta muna ito sa mga kaibigan nito na nasa bar. Sinundan naman ng tingin ni Cham ito, gusto niya itong habulin at sabihin na wag siyang iwan nito. Pero wala siyang magawa dahil iba na ang Ellsworth na nasa harap niya, si Thor na ito. Bigla naman nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi at nalungkot. “Cham musta ang kapatid ko? Ano pinagusapan niyo?” agad na tanong ni Bon pagtabi niya kay Cham. “Ah wala naman kami masyadong pinagusapan.” Medyo mahina ang boses na sambit niya. “Pagod ka na ba?” anito, sinulyapan naman siya ni Cham na kasalukuyang nakatingin sa pwesto nila Ellsworth. “Hindi pa naman bakit?” medyo kinikilig siya na sumagot dahil napansin niya na nakatingin din sa kanya si Ellsworth. “Yayain sana kita sa labas gusto ko lang magusap tayo, medyo maingay kasi dito.” Tumayo na ito at inilahad ang kanang kamay para kuhain ang kamay ni Cham. “Okay sige.” Nagsimula na sila maglakad palabas, nakatingin pa din siya sa pwesto ni Ellsworth nakaupo ito sa bar kasama ng mga kaibigan nito habang umiinom. Umaasa siya na titingin ito sa kanya pero busy na ito sa pakikipag-usap sa mg katabi. Dinala siya ni Congressman sa bandang likod ng malaking tent, merong isang mahabang diretsong pathway na napapaligiran ng mga bulaklak sa magkabilaang parte. May mga strings at hanging lights na iba’t ibang kulay naman na nasa mga puno sa paligid na nagbibigay liwanag sa daan nila. Humihigpit naman ang hawak ni Bon sa kamay ni Cham. Nakarating na sila sa may patio ng hardin, meron ditong dalawang swing na katamtaman ang laki na gawa sa kahoy at sa gilid naman nito ay isang katamtamang danaw na may maliit na fountain. Tanging ang lagaslas lang ng tubig sa fountain ang naririnig nila ngayon. Medyo malayo na kasi sila sa malaking tent. “Upo ka Cham” “Bon happy birthday ulit.” Agad na sambit ni Cham pagkaupo sa swing. “Salamat, masaya ako na ikaw ang pinakahuling taong kasama ko bago matapos ang araw na ito.” Nilingon siya ni Bon na may matamis na ngiti sa mga labi nito. “Walang problema basta masaya ka masaya na din ako.” Ani Cham, simula ng malaman niya na magkapatid si Bon at Ellsworth ay nawala na ang ilang niya dito. Kailangan niya itong pakisamahan ng maganda since ito ang kapatid ng lalaki na pinakamamahal niya. “Alam mo ba tama sila, this is the first time that I will open my heart again to someone at ikaw yun Cham.” Bigla naman kinabahan si Cham naalala niya, ayaw niyang mahulog ang loob sa kanya ni Bon, hindi pwede dahil ang kapatid nito ang iniibig niya. “4 years ago same day. Birthday ko din when I lost a very special person in my life. Akala ko siya na ang makakasama ko sa pagtanda, we already have a lot of plans we are about to get married that year pero dahil sa pagpasok ko sa pulitika ay nawala siya sa akin. I am the target of that gunman but she sacrifice herself when she saw that. Until now I can still remember that night when I lost her, it’s hard to move on it’s hard to forget someone that gave you so much to remember.” Halata ang lungkot sa mga boses nito. Nagsimula naman magswing na si Cham ng dahan-dahan. Alam niya ang pakiramdam, alam niya paano ang masaktan katulad ng naranasan ni Bon. “I’m sorry to hear about it Bon, ganon siguro talaga pag mahal ka ng tao lahat magagawa mo kahit masakit.” Sabi niya habang nakasulyap kay Bon na nakatingin sa langit. Tumingin din siya sa itaas at nagandahan dito dahil sa daming mga bituin na kalat-kalat. “Akala ko hindi na ako mabubuo ulit, tinangay niya kasi ang puso ko ng mamatay siya. Nilunod ko na lang ang sarili ko sa trabaho pinilit na kalimutan siya pero sa bawat taon na ice-celebrate ko ang birthday ko hindi ko pa din maiwasan na maalala siya.” Lumingon ito kay Cham na kasalukuyang nakatingin sa langit. Kinuha ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ni Cham at hinawakan ito ng napaka-higpit. Napatingin naman sa kanya si Cham at binigyan siya ng isang maliit ng ngiti. “I’m telling this coz I want you to know my story. Gusto ko maging open sayo, dahil simula ngayon I will be here for you matyagang mahihintay kung kailan mo ako tatangapin sa buhay mo.” Tumayo ito pero hawak pa din ang kamay ni Cham, bigla na naman siyang nailang kay Bon. “Bon k-kasi” sambit niya pero hindi na niya ito pinagpatuloy dahil biglang lumuhod si Bon sa harap niya na ikinagulat niya. “Alam ko hindi ka pa handa, I’m not rushing you to like me or love me. I want it to come naturally, let’s know each other first and I’m sure naman na magugustuhan mo din ako in time.” Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata, iniwas naman niya ang mga mata niya mukhang namamawis na ang mga kamay din ni Cham. Naalala niya bigla ang totoong pakay niya sa paglapit sa Congressman pero ngayon hindi na niya alam paano pa ito ipapasok sa usapan nila, Mukha kasing seryoso na ito hindi niya tuloy alam gagawin lahat ng plano niya ay nasira sa pagdating ni Thor. “Pero Bon, madami pa naman na mas higit sa akin saka—” hindi siya pinatapos ni Bon sa sasabihin niya dahil itinabing na nito ang kanang hintuturo niya sa mga labi ni Cham. “Sshh—alam ko madami ang higit sayo pero sayo ko lang ito naramdaman, especially ng naospital ka masyado akong nag-alala, i never felt that before sa kahit man sinong babae na dumating sa buhay ko after her.” Mahihimigan ang sinseridad sa boses ni Bon. Dumoble ang kaba ni Cham, hindi niya ito inaasahan ayaw niyang umasa sa kanya si Bon ayaw niya itong saktan kung totoo man na seryoso ito sa kanya. Lalo na ngayon na nagbalik na si Ellsworth sa katauhan ni Thor. Bumuntong-hininga si Cham, nasira lahat ng plano niya sa pagbabalik ni Ellsworth. Gulong-g**o tuloy siya ngayon. “Okay” eto na lang ang nasabi niya hindi na kasi niya alam ano pa ang isasagot magiisip muna siya ng magandang plano. Tumayo naman na ito pero hindi umalis sa tapat niya hawak ni Bon ang dalawang kamay ni Cham. “Pagpasensyahan mo lang ako if there are times na mawawalan ako ng panahon sayo like hindi kita madalaw or makausap, I want you to know that in advance para hindi ka naman magtampo sa akin.”Nakangiting sambit nito. “Alam mo naman madami ako trabaho, tapos nalalapit na din ang eleksyon sa isang taon na yun. Napili kasi ako ng partido na tumakbo bilang Mayor so asahan mo na talagang magiging busy ako at baka mawalan ako ng oras para sayo. So ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya. At sana ay maintindihan mo ako” dugtong nito, nginitian na lang ni Cham ito. “Paano pala ang usapan niyo ni Tito Albert? Curious lang ako.” singit ni Cham. “Hindi pa ulit kami naguusap about my condition to him, but I guess I have an idea na how he can pay me. I’m sorry pero hindi ko pwede sabihin sayo since this matter is between us ayaw ko na madamay ka pa dito.” He said seriously, medyo nabawasan naman ng tinik sa dibdib si Cham sa narinig. “Can you at least give me an idea? Syempre malapit sa puso ko ang mga Alban alam mo naman siguro yun.” Umaasa siya na makakakuha siya ng impormasyon at sana ay maging pabor naman para sa Tito niya. “Hmm, hindi naman ako makatanggi sayo. Ang lakas mo sa akin ah.” Nakangising sabi nito sabay kurot sa pisngi ni Cham. Natawa naman si Cham sa inasal nito. “Sige na I just want to know, kawawa naman kasi si Tito namomoblema na siya and I don’t want him to look like that. It really breaks my heart.” Pagpupumilit niya. “Okay to make the story short. I will ask him to have a large share on his business, so meaning magiging isa ako sa may-ari ng Alban publishing.” Namilog ang mga mata ni Cham sa narinig. “Ah” aniya. “Wala na bang ibang options si Tito?” tanong niya. “Well I already asked him my first option but he can’t give it to me so to sounds fair that’s my final option” sagot nito, napayuko naman si Cham sa pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang hihilingin ni Bon sa Tito Albert niya. “Pwede ba bumalik na tayo ulit sa loob? Baka hinahanap na ako ni Joe?” mahinang sambit niya saka inangat ang ulo niya at tinignan si Bon. “Why you look sad? May masama ba akong sinabi?” gulong-g**o tanong nito. Nagiba kasi ang aura ni Cham. “Wala naman well I just realized na malaki ang kahihiyan na binigay sayo ng balitang nailathala noon ng dyaryo namin kaya siguro ganon na lang ikaw kapursige na humingi ng kapalit kay Tito.” Hindi na niya naiwasan na sabihin, masama ang loob niya kasi hindi niya kaya pa tulungan si Tito Albert niya. Ayaw niya na din kasi lokohin si Bon ayaw niyang maging unfair dito. Lahat ng plano niya biglang naglaho, nawalan siya kaagad ng pag-asa na magawa ito, ayaw niyang saktan ang kapatid ni Thor. “Sorry, kasi final na ang desisyon ko. Alam ko na masyadong malaki ang hinihingi ko kay Mr. Alban pero ito lang ang naiisip ko para makaganti naman siya sa kahihiyan na binigay nila sa akin. Muntik ng masira ang pangalan ko ang career ko. I hope that you can also understand me, wala naman ako masamang hangarin hindi ko naman kukuhain lahat ng shares niya. Gusto ko lang maging parte ng publishing nila para naman hindi na maulit ang nangyari mahirap kasi ang mapang-bintangan Cham.” Mahabang eksplanasyon nito. Tinignan ni Cham ito sa mga mata, kahit naman saglit na panahon pa lang niya ito nakikilala ramdam naman niya na isa itong mabuting tao. Base na din sa mga research ni Joe madami itong magandang nagawa sa Maynila at natulungan kaya siguro dahil malapit na ang eleksyon ay madami ang gusto sumira dito. “Yah I understand now. Sorry if medyo affected ako, it’s just that malapit lang talaga ako sa mga Alban they were like my second family. Sobrang laki ng naitulong nila sa akin simula pa lang bata ako.” Pagkasabi nito ay hinila siya ni Bon patayo at nagulat siya ng yakapin siya nito. “I’m learning to love you more, natatakot ako na baka masaktan ako ulit pero susugal ako Cham.” He whisper while caressing Cham’s back. “I’m tired of being alone, busy nga ako madaming ginagawa madaming achievement but you know by the end of the day when I get home madami pa rin na kulang sa buhay ko. Now that I found you, I want you to fill that missing piece of my life.” Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Bon dito. Nararamdaman naman ni Cham ang sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Gusto na niya maiyak sa kaba na nararamdaman niya ngayon. Natatakot siya sa nararamdaman ni Bon para sa kanya. Hindi siya sumagot hinayaan niya lang si Bon na magsalita. Mga ilang minuto sila na ganon, hindi niya masuklian ang mga yakap ni Bon. Hindi niya kaya. “Sorry for being emotional, masaya lang talaga ko. Sobra.” Humiwalay na ito sa pagkakayakap kay Cham. Hinawakan siya ulit nito sa kamay. “Let’s go back, matatapos na din ang party.” yaya nito. Naglakad sila pabalik na magkahawak ang kamay. Pagdating nila sa entrance ay agad niyang nakita ang kumpulan ng mga kaibigan ni Ellsworth mga nagyoyosi ang mga ito. “Happy Birthday pre” agad na bati ng mga kaibigan nito ng makita sila. “Salamat, Bro medyo matatapos na ang event baka gusto niyo magpatuloy ng inom doon tayo sa bahay mo para maluwag?” tanong ni Bon sa kapatid niya. “Sure.” sagot nito sabay hipa sa yosi nito. “Sige pasok muna kami.” Paalam ni Bon. Naglalakad na sila papasok pero ang mga mata ni Cham ay nakatingin pa din kay Thor halos mabali na ang ulo niya dahil talagang hinahabol niya ito ng tingin. “Ateng kanina pa ako naghahanap sayo namumuti na ang mga mata ko.” Bulong ni Joe pagkaupo niya pa lang. “Nagusap kami sa labas.” Bulong din niya. “Aba lumelevel up na talaga yan si Congressman.” Malanding sabi nito mas kinikilig pa ito sa kanya. Natapos na ang party ni Congressman nagpapaalam na ito sa mga guest nito, nagpaalam na din ito sa magulang niya since magkaiba sila ng bahay. Paglabas nila ay nakita na niya ang mga kaibigan ni Ellsworth na nasa parking lot ng mga motor at handa na ang mga ito papunta sa bahay ni Thor. Niyaya din siya nito na sumama at hindi naman siya nagatubili na sumama andon kasi si Thor. Napapalunok naman siya ng makita ito na nakatingin sa kanya, nagsusuot ito ng gloves nito at helmet. Sobrang lakas ng buntong hininga niya, gusto niya sana si Thor ang kasabay niya. Naalala niya sa panaginip niya dati na mahilig siyang isakay nito sa big bike nito. Bigla na lang siyang napangiti ng maalala ang panagip. Ang mga panahon na takot na takot siyang sumakay ng motor. Hindi dahil sa bilis ni Ellsworth magpatakbo dahil sa kaba niya lagi na magkatabi ang mga katawan nila, nakaramdam siya ng kakaiba. Kinikilig siya. Nakasakay na sila sa kotse ni Congressman kasama si Joe, tuwang-tuwa ito ng malaman na ipagpapatuloy ang inuman kasama ang mga gwapong kaibigan ng kapatid nito. Lagi naman tumitingin sa likod si Cham para sipatin sila Ellsworth na mga naka convoy sa likod. Hindi na niya namalayan na andito na sila sa bahay ng kapatid ni Congresman, pinagbuksan sila ng pintuan ng bodyguard nito. Namilog ang mga mata niya. Isang malaking parte ng panaginip niya ang nagbalik tanaw. Ang bahay ni Ellsworth sa panaginip niya, etong eto yun walang nagbago ito rin ang bahay ni Thor. Sobrang saya niya na muling makita ang bahay na ito, hindi na ito panaginip sure na siya na totoo to kinurot pa nga niya ang sarili para makasiguro. Nilibot niya ang paningin, ang mga estatwa, ang infinity pool. Ang kahoy na swing sa tabi nito. Ang mga puno sa paligid. Siyang pagpasok ng sunod-sunod nila Ellsworth. Gusto niya umiyak, takbuhin si Thor at yakapin ito. Gusto niya itanong kung naalala ba siya nito. Kung mahal pa siya nito. Kasi siya oo mahal na mahal pa din niya ito. Pero magmumukha na naman siyang baliw sa paningin nito, hindi nga siya kilala ni Thor. “Bon pwede bang pa c.r magpapalit lang ako ng damit.” Hinila niya si Joe at sinamahan naman siya ng katulong ni Bon papunta sa guest room. Pag-alis pa lang ng katulong ni Bon ay niyakap niya si Joe at napahagulgol. “Ay ateng? Anong nangyari?” naguguluhan na tanong ni Joe. “Joe, bumalik siya. Joe bumalik siya. Bumalik siya Joe.” Paulit-ulit na sabi ni Cham, ibinuhos niya lahat ng kaya niya pang iluha. Nasasaktan siya ngayon, dahil hindi siya kilala ni Thor. Masaya siya sa pagbabalik niya pero mas nangingibabaw ang sakit. “Ateng hindi ko maintindihan.” Seryoso na si joe. Pinigil niya ang sarili na magsalita. Hindi niya kasi alam kung maiintindihan ba siya ni Joe pag kinuwento niya ang lahat about kay Ellsworth. Tanging siya lang naman ang nakakaintindi sa pinagdadaanan niya. Pakiramdam niya ay wala ng iba pa ang makakaintindi sa kanya. She tried to compose herself, nahiya siya bigla kay Joe. Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Joe at umupo, hinayaan lang niya na tumulo pa ang mga luha. Pagkatapos nito kailangan niya maging matatag sa mga susunod pa na araw. She wants Ellsworth back kahit si Thor pa siya. “Sorry friend, mahirap iexplain pagpasensyahan mo na ako if minsan para na akong baliw. Wait mo ako magpapalit lang ako.” Napa-roll eyes na lang si Joe. Hindi pa rin maintindihan ang loka-lokang kaibigan. Buti na lang may dala siyang extra na damit agad na hinubad ang gown na bigay ni Bon at nilagay sa paper bag, sinuot na ang black Capri pants niya at white printed shirt na. “Okay ka na ba huh?” bungad na tanong sa kanya ni Joe. “Oo sorry halika na.” nakangising sagot niya, buti na lang at hindi na siya kinulit nito about sa eksena niya kanina. Pati ang mga kwarto sa bahay na ito ay katulad din ng nasa panaginip niya nadaanan niya ang dating kwarto nila ni Ellsworth, napangiti naman siya sa mga naalala niya sa loob ng kwarto na yun. Naabutan nila ang mga kalalakihan sa may pool area, may mga alak na din doon. Sinalubong siya ni Bon at pinaupo sa tabi nito. “Your turn.” Abot ni Thor sa kanya ng shot glass. Sinadya naman niya na hawakan ang mga daliri nito. Tinignan lang siya nito na may blankong ekspresyon. Siya naman ay ginantihan ito ng isang maliit na ngiti. Tahimik lang siyang nakikinig sa kwentuhan ng mga ito, si Joe ay ang ingay-ingay at talagang tuwang tuwa sa mga kausap nilalandi pa nito ang mestisong kaibigan ni Ellsworth umaangkla na ang mga kamay ni Joe sa braso nito. Hindi na nila namalayan na mag-alaskwatro na pala ng umaga kung hindi pa nila nakita na tulog na si Bon ay hindi pa sila titingin sa orasan. “Ay one down” nakangising turo ni Joe kay Bon. Nagpatuloy pa din sila sa pag-inom, medyo may tama na si Cham kahit hindi siya lagi nashot. Nagpaalam siya na mag-cr lang. Hindi siya sinamahan ni Joe dahil busy pa din ito sa paglalandi. Nahihilo na siya pumunta siya sa cr na malapit sa kusina at binuksan ang pinto. Nagulat siya ng andon pala si Thor at umiihi. “Sorry hindi ko alam na may tao.” Paumanhin niya at sabay sara sa pinto. Naramdaman naman niya ang init ng pisngi niya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at nagulat siya ng hilahin siya ni Thor papasok ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD