“Friend ang daming fafa bumabaha, look tignan mo dali.” Hinila kaagad ni Joe si Cham paglabas pa lang ng restroom papunta sa bar kung nasaan yun mga boylet na naka all black. Mga mukhang riders ito.
“Two margarita please.” Malanding tono na sabi ni Joe sa bartender.
“Ayaw ko na uminom friend.” Bulong ni Cham.
“Keri diyan ka lang.” he whispered back.
Sige naman ang pa-cute ni Joe sa mga katabi.
“Hi” hindi na napigilan na bumati ni Joe sa mga ito.
“Oh hi.” Bati rin ng mga ito, natuwa naman si Joe dahil hindi ito mga suplado.
“Friend kayo ni Congressman?” with his flirty voice again.
“Sort of but our friend is his brother.” Sagot ng isang mestisuhin sa kanila.
“Oh andito na siya. Where is he?” curious na tanong nito.
“I think he went to his Mom.” Tanong ng katabi ng mestiso, mukha naman itong bumbayin pero maputi din.
Sinapat-sipat naman ni Joe ang table nila kanina pero hindi masyado makita since nasa unahan sila at sila naman ay nasa pinakadulo kaya masyadong malayo na ito malabo.
“Nice to meet you guys. By the way this is my friend Cham.” Magpapapaalam na siya dahil mas curious si Joe makita ang kapatid ni Congressman baka kasi pagbigyan diba. Si Cham para kay Congressman at dahil friendship sila sa kanya naman ang kapatid nito. Sumagot naman lahat ng mga boylets at kay Cham nagpaalam hindi na lang pinansin ni Joe ito.
“Friend gora na tayo sa mudrakels to be mo. Baka andon na ang soon to be boyfie ko.” Hinila na niya si Cham at ininom muna ang margarita bago tuluyang umalis.
“Excited much makita lang friend?” tukso ni Cham.
“Aba’y check na check. Feeling ko super gwapo siya ng ilang paligo sa kuya niya. Chance ko na to friend.” Ambilis maglakad ni Joe at samantalang si Cham ay nagrereklamo na since naka-heels siya.
“Hoy madapa naman ako dahan-dahan lang.” sigaw ni Cham sa kaibigan.
Malapit na sila sa table nila kanina, ang laki na ng ngiti ni Joe dahil nakikita na niya ang table nila at hindi siya nagkamali may katabi na si Mrs Manlapas na naka all black din pero nakatalikod ito kaya hindi niya kaagad maaninag ang mukha nito. Medyo mahaba ang buhok nito at mukhang matangkad.
“This is it friend.” Kinikilig na sambit ni Joe.
“Ewan ko sayo. Nakakaloka ka.” Natatawa na lang na sabi ni Cham, nakarating na sila sa table nila na hinihingal si Cham, inayos niya ang sarili ng mapansin sila ni Mrs. Manlapas.
“Cham andito ka na pala.” Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Hi Tita nagpunta lang po ako sa restroom.”
“Oh it’s okay. Andito na ang lil brother ni Bon, I want you to meet him.” Nakangiting sabi nito. Ngumiti na din si Cham at naghihintay sa pagharap nito.
“Sweety, I want you to meet Cham.” Tawag ni Mrs Manlapas sa anak.
Biglang tumigil ang mundo………..
Kumurap-kurap si Cham hindi na niya mabilang kung ilang beses niya ito nagawa. Kung mabibilang lang ito pwede na siya isali sa guiness book world of record sa sobrang bilis ng kurap niya.
Naubusan na din siya ng laway kakalunok. Gusto man niyang uminom ng tubig pero nawalan na siya ng lakas at parang gusto na niya himatayin.
“Cham, this is my bunso. Torrance. Anak siya si Cham at ang friend niya na si Joe.” Pakilala ni Mrs Manlapas. Lingid sa ginang na hindi naman siya naririnig ni Cham. Si Joe naman ay naka-nganga na lang mukhang na love at first sight.
“Mom, stop with that Torrance, Thor would be nice.”
Nanginginig na ang mga panga ni Cham, nagbabadya ang mga luha na papatak mula sa mga mata niya. She couldn’t believe it. Si Ellsworth nagbalik na.
“Ellsworth”
Bulong niya pero sapat lang na siya ang makarinig. She can’t move, she can’t speak anymore. Her heart is pumping so fast. Different emotions playing around her nerves.
Thor snap his finger in front of Cham’s face.
“Hey, what’s up?” nakatulala kasi ang babaeng nasa harap niya parang natuklaw ng ahas. At ang katabi naman nito na bakla ay naka nga-nga naman. He knew that he’s good lookin but he don’t like being stare at. For him it’s rude.
But for his surprise, he saw her crying now with same facial expression. Tulala.
“E-Ellsworth, you’re b-back.” She said while stuttering. Napakunot naman ang noo niya.
“I’m Thor not Ellsworth.” Napakomento naman si Thor sa isip niya na maganda sana ito pero bingi. Ang layo ng Ellsworth sa Thor.
“Iha what’s wrong?” nag-aalala na tono na sabi ni Mrs. Manlapas coz she saw the tears from Cham’s eyes pouring her cheeks. Hinawakan pa niya ito sa balikat dahil nakatulala lang ito.
“She’s weird.” Thor whispered and go back to his seat.
Nang mawala sa paningin niya si Ellsworth ay bigla naman siyang natauhan at bumalik sa realidad.
“Sorry po, napuwing kasi ako. Ang sakit sa mata.” Pagsisinungaling niya. Agad naman niyang pinahid ang mga luha at ngumiti.
“Grabe napuwing ah tapos ang daming luha. Grabe pwede ka ng maging artista ang dali mong umiyak.” Tukso ni Joe.
“Ay ganoon ba akala ko kung ano na nangyari sayo iha.” Nakatawa na sabi nito, bumenta naman ang pagsisinungaling niya. Niyaya na sila ulit maupo ng ginang inayos muna ni Cham ang sarili niya bago umupo sa tapat ni Ellsworth.
Pagkaupo pa lang niya ay nilingon siya ni Thor, pero saglit lang nginitian niya ito pero hindi na umabot dahil bumalik na ang mata nito sa banda na kumakanta.
Sobrang saya ni Cham, dinignig ang mga panalangin niya na ibalik si Ellsworth sa buhay niya. Halos mapunit na ang bibig niya sa laki ng ngiti niya na hindi nakaligtas kay Joe habang nakatitig kay Thor.
“Tsk, ano ka nastarstruck teh?” sabi ni Joe sabay kurot sa tagiliran ni Cham.
Hindi niya ito sinagot at tinignan man lang ayaw niyang mawala niya sa paningin si Ellsworth, dahil baka panaginip na naman ito at ayaw niya magising. Kung dahil sa alak ito pasasalamatan niya ang margarita talaga.
“Anak why don’t you talk to Cham and Joe, masaya sila kausap. Entertain them while your Kuya is not around.” Suhestiyon ng ginang na lalong ikinatuwa ni Cham.
Eventhough Ellsworth look different dahil longhair ito, that made him more gorgeous.
“Hi Ellsworth.”hindi napigilan ni Cham sabihin. Napakunot-noo naman si Thor.
“Where the hell is Ellsworth name came from?” supladong sagot nito.
“Ateng THOR hindi Ellsworth ang bingi mo.” Pagco-correct ni Joe.
THOR! She remembered it’s the same name that he introduced to Chelsea before. Napangiti siya lalo, Thor or Ellsworth it is still him. The same man he love before and until now.
“Ay sorry Thor maingay kasi hindi ko narinig, Ellsworth ang pagkakaintindi ko.”nakangiti pa din na sambit niya.
“Weird that doesn’t sound like still.” He said sarcastically.
Hindi na ito nagsalita ulit, sa bawat titig ni Cham ay parang nawawala isa-isa ang mga tao sa paligid. She wants to hug him, kiss him. She missed him so much. Para na siyang nababaliw.
Hindi niya namalayan na nawala na sa paningin niya si Ellsworth, nagpanic naman siya dahil baka ilusyon lang lahat ng ito pero nagulat siya ng may nagsalita sa gilid niya.
“May I dance with you?” nakalahad ang kanang kamay nito at hinihintay ang sagot niya.
“Of course.” Dali-daling sagot niya at hinawakan ang kamay nito. Parang nanginig naman ang buong katawan niya ng naglapat ang mga palad nila. Isang napakalakas na boltahe ang dumaloy sa buong sistema niya.
Lahat nang nangyayari ay parang naging slow motion. Nauuna sa kanya si Ellsworth na naglalakad habang hawak pa din ang mga kamay niya. Bumubungo na siya sa mga tao sa nadadaanan niya pero hindi pa din niya batid.
“So you are the new girl of my brother.” Umpisa ni Thor ng makarating sila sa gitna. Hindi na hinintay pa ni Cham at siya na ang naglagay ng mga kamay niya sa mga balikat nito na ikinabigla ng bahagya ni Thor. Napangiti na lang ang huli.
She can’t hear what Ellsworth saying, naiilang naman si Thor dahil kanina pa nakangiti ito sa kanya at titig na titig. Ayaw maging malungkot ni Cham sa muling pagbabalik ni Ellsworth. Gusto niya ialay lahat ng ngiti niya na kakayanin niya sa buong gabi.
Hindi na nakatiis si Thor sa mga titig at sa napakatamis na ngiti na binibigay sa kanya ng babaeng kaharap…
“Do you have a problem with me? Or you're just plain crazy?” he said, still he got no response. Napakibit balikat na lang siya at hinawakan na lang ito sa magkabilang bewang nito. At nagsimula na lang sumabay sa tugtog.
“Akala ko hindi na kita makikita.” Cham whispered, but Thor heard it. He was puzzled with this girl, napaka weird talaga.
“Thanks for coming back.” Pagpapatuloy ni Cham.
“Huh did we meet before?” gulat na tanong ni Thor.
“Yes.” Agad na sagot ni Cham at nakangiti pa din.
“Oh don’t tell me you are one of my b!tches before?” diretsang tanong ni Thor. Hindi niya maalala ang babaeng kaharap. Masama na talaga ang kutob niya dito, she don’t like this girl.
“Yes.” Sagot ulit ni Cham na wala parin sa sarili.
“Sorry but I don’t remember you, but if you're one of them please stop flirting with my brother.” Galit na ang tono ni Thor. Napailing naman si Cham at mukhang natauhan.
“Sorry lutang lang hindi ko naiintindihan mga tinatanong mo.” Pagbawi niya. Pero naka-smile pa din siya.
Nabibingi na talaga siya dahil iba ang naririnig niya from Ellsworth.
“You're crazy..” Inis na sabi ni Thor, hindi niya maintindihan tong babaeng kaharap. Ang weird na at mukhang baliw pa. Hindi na siya nagsalita at nakipagtitigan na lang din dito, since kanina pa siya tinititigan din nito.
Para namang bato-balani ang mga mata ng babaeng kaharap ni Thor dahil hindi na naalis ang paningin niya dito, he’s trying to remember where she met this girl. Hindi nila napansin na pangatlong kanta na ng banda ay andito pa din sila sa gitna at tahimik na nakatingin lang sa isa’t isa.
Hindi pa rin kasi makapaniwala si Cham, that Ellsworth came back. She don’t want a split second pass at baka bigla na naman ito mawala. She promised to herself na when he come back, he will do anything for her not to lose him again.
Pero si Thor ang kaharap niya ngayon. Thor that didn’t know him at all and the worst thing is, he is the brother of Bon who is now inlove with her.