Chapter 5

2990 Words
“Friend ang aga mo naman ako pinapunta dito diba 8pm pa ang party?” reklamo ni Joe pagdating sa apartment nila Cham. “Syempre sasamahan mo ako sa salon ano ka ba kailangan mukha tayong tao nakakahiya ano.” Sagot niya, alas tres pa lang kasi, natataka naman si Joe at bakit gusto nito magpaganda ng todo. Mas sanay siya sa Cham na simple lang. “Sige na ano pa magagawa ko tumatalandi na kasi ang ateng ko. Siguro crush mo na si Congressman noh?” pang-aasar nito, tinignan lang siya ni Cham pero may mga ngiti sa labi na mukhang kinikilig. “Grabe ka! Porket ba nagpapaganda may crush na. Ayaw ko lang magmukha tayong ewan don.” Banat nito, andito sila sa kwarto ni Cham at inaayos ang mga dadalhin niya kasama na ang susuotin niya mamaya. Gaganapin kasi ang birthday ng Congressman sa isang garden villas sa may Quezon City. Dinalaw siya kagabi nito kasama ng mga bodyguard nito at pinaalala ang paanyaya nito sa kanya ngayon. Wala naman kaabog-abog na pumayag siya dahil nga sa balak niya din mapalapit dito para makausap about sa issue with Alban publishing. Kahapon na lang din niya ulit naalala ang itsura ng Congressman Manlapas, sadyang nakalimutan niya talaga ito akala niya matanda na ito pero bata pa pala mga nasa early 30’s palang pala ito. Matangkad, medyo maskulado, moreno at malinis tignan. May dala pa itong bulaklak at cake sa kanya kagabi. Madami itong sinabi tungkol sa magaganap ngayon at talagang kitang-kita dito ang excitement na talagang pupunta siya. Sinabi niya dito na isasama niya ang isa sa mga kaibigan niya dahil hindi siya sanay sa mga ganitong salo-salo at nahihiya siya at hindi naman nabigo si Cham dahil pumayag ito. “Pero infairview ah papa material yan si Congressman nameet ko na siya dati sa isang network. Makinis ah saka mabango ang tangkad pa nakakaloka, gora ka na don pag nanligaw siya sayo. Malay mo maging Mayor na siya tapos maging senador aba bongga magiging first lady ka niyan pag nagkataon na maging President siya.” Panloloko ni Joe, nakiride na lang si Cham sa kanya at pangiti-ngiti habang dino-double check ang bag niya. “Kaw talaga napaka-advance ng utak mo. Halika na nga madami pa ako ipapagawa.” Niyaya na ni Cham pababa ng kwarto niya si Joe at isa-isang pinasok ang mga dala niya sa kotse ni Joe. Susunduin na lang daw sila ng bodyguard ni Congressman bago mag alas-otso kung nasaan man sila. Andito na sila sa isang salon sa isang Mall sa Quezon city. Desperada na kasi si Cham na mapalapit sa Congressman, she wants to do anything just for her second family ang mga Alban. Noong nakaraan lang ay nakita na naman niya kasi na mukhang problemado ang Tito niya habang nagiisa ito sa opisina nito. Ayaw man niyang maging hindi patas para sa Congressman pero mas matimbang ang pagmamahal niya sa mga Alban. Batid niya naman kasi ang pagkagusto nito sa kanya sa mga sinasabi lang nito kagabi ay hindi naman siya manhid para hindi maramdaman iyon. “Nakakatulog na ako dito friend wala man lang magawa kakaloka.” Reklamo na naman ni Joe, kasalukuyan kasi silang napapafootspa. “Kwentuhan mo na lang ako ng mga nangyayari sa opisina simula ng nacoma ako. Para hindi ka mobored.” Suhestiyon ni Cham. Nagsimula na magkwento si Joe at hindi na din nila napansin ang oras dahil nageenjoy ang dalawa sa pagtatawanan dahil nauwi sa mga kalokohan nila Joe at boyfriend nito ang usapan. Iba na si Cham ngayon open minded na siya pagdating sa mga ganitong usapin, simula ng gumising siya sa magandang panaginip niya ay pakiramdam niya pati pagkatao niya ay nagbago. Parang anim taon na proseso na nagbago ng mga pananaw niya sa buhay. Halata naman ang paminsan-minsan na pagkagulat ni Joe sa pakiki-ride ni Cham sa usapan nila napapangiti na lang siya dahil iba na ito sa dating Cham na kaibigan niya na sobrang conservative sa mga usapang bastos. Pero natutuwa naman siya na napapangiti niya ang kaibigan sa mga simpleng kakulitan niya. “Aba ang sexy mo day’ Bongang bonga may cleavage ka pala friend.” Nanlaki ang mata ni Joe ng makita ang kakaibang Cham ngayon, ngayon niya lang nakita ang friend niya na ganito ang suot. Suot na nito ang long dress nito na heart tube shaped na dress na makikita ng bahagya ng pisngi ng mga dibdib at kaunting likod nito . Kung lalaki lang siguro si Joe ay naakit na siya sa angking kagandahan ng kaibigan pero pusong babae pa din siya eh. “Ikaw talaga syempre mana ako sayo.” Sabay tapik sa balikat ng kaibigan. Simpleng long sleeve na blue na tinupi hanggang siko at pinatungan nito ng chaleco ang suot ni Joe. Tinawagan na din sila ni Congressman kung saan sila ipapasundo andon na siya sa venue at madami na din ang tao. Pasado alas-otso na ng masundo sila ng dalawang bodyguard ni Congressman, yung isa ang naging driver sa sasakyan ni Joe. Medyo matagal ang byahe nila dahil sa trapik. Nakarating na sila sa venue, puno ng mga ilaw sa labas at malapit na din mapuno ng mga iba’t ibang sasakyan ang paligid. “Ms Cham” iniabot ng bodyguard ang kamay nito para alalayan si Cham makababa ng kotse. Pati si Joe ay nakigaya na din. May itsura kasi ang bodyguard na ito kanina pa nila pinagbubulungan ni Cham ang karisma ng lalaking ito “Thanks Fafa” pasalamat ni Joe at kininditan pa nito ito. Isang maliit ng ngiti at tango lang ang nakuha ni Joe. “Ang landi mo friend” tukso ni Cham dito. “Ssh wag ka maingay kay boyfie ah. Moment ko to hehe” sumang-ayon na lang si Cham, sanay na siya kay Joe na mahilig sa mga gwapo. Nilibot muna ni Cham ang paningin sa buong paligid. Ang venue nila ay isang napakalaking puting tent na kasya siguro ang mga dalawang daang tao. Inalalayan na sila ng dalawang bodyguard ni Congressman papasok sa loob. “Kaloka friend ang daming madlang people ano to debut ni Congressman?” kimi naman na natawa si Cham sa sinabi ng kaibigan, pinipigilan niya tumawa ng todo dahil nakakahiya sa mga tao. Nakaagaw na din sila ng pansin sa mga taong nadaanan nila dahil nga sa mga kasama nilang bodyguard. Nakita na sila ni Congressman na nasa unahan at agad na napatayo at ang laki-laki ng ngiti ng makita si Cham na parating na. Halos mapuno na ang venue, iba’t ibang klaseng tao ang nakikita nila dito. Mga pulitiko, artista at mga media din. “Hi Chamille, you look so magnificent tonight. I can’t blame them not to take a look at you.” Papuri ni Congressman sabay halik sa pisngi ni Cham. Nag-init naman ang mga pisngi ni Cham sa hiya sa sinabi nito dahil ang dami ding nakarinig buong pangalan pa niya ito kung tawagin siya. “Thank you. By the way this is Joe my friend and one of our writer” pakilala ni Cham sa kasama, nagkamay naman ang dalawa at pagkatapos non ay lumapit sila sa mga kasama ng Congressman sa table nito. Andon sa table ng Congressman ang mga magulang nito at mga ibang kamag-anak. “Nice to see you, it’s been years ng huling may ipakilala sa amin ang anak namin.” Ang Daddy ni Bon na mukhang natuwa talaga ng sa wakas ay may babae na ulit itong napag-interesan. “Dad wag mo naman ako ilaglag.” Kakamot-kamot na sabi nito. “No iho, I’m just happy magaling ka talaga pumili. Manang mana ka talaga sa akin.” Napapangiti lang si Cham sa usapan ng mag-ama. “Come here iha, tabi tayo.”yaya ng Mommy ni Bon. “Sige po salamat.” Inalalayan naman siya makaupo ni Bon, pinatabi na din sa kanya si Joe. “Just call me Tita Luz and how about you how can I call you?” “Cham na lang po” nahihiyang sagot nito. Nagpaalam muna si Bon sa kanya dahil mag-aasikaso ng iba pa nitong bisita, nagsisimula na kasi inumpisahan ito ng mga banda na kumakanta. Parang concert party pala ito ng iba’t ibang banda na paborito ng Congressman. Madaming pagkain ang nakahilera sa apat ng sulok ng tent at may bar pa ng mga alak sa may entrance. Hindi naman sila nabagot sa mga sumunod na oras dahil sa madaming tanong at kwento ng magulang ni Bon. Nakapalagayan na din niya ng loob ang mga ito dahil noon una ay natatakot siya dahil sa mga mukha itong mga sophistikada pero sa kalaunan ay mabait naman pala ang mga ito at down to earth. Dati rin palang pulitiko ang daddy nito at sadyang malalapit talaga ang mga ito sa masa. “Tita, diba dalawa ang anak mo? Nasaan na yung kapatid ni Congressman?” naki-tita na din si Joe, tuwang-tuwa naman ang mga ito sa mga scoop ni Joe dahil nga entertainment writer siya ay madami din siyang alam about sa mga iba’t ibang artista ang gusto-gusto ito ng Mommy ni Bon. “Darating din yun. Baka nasa galaan pa niya, he just came home from Paris. Kakagraduate lang niya ng Journalism baka kasama pa ang mga friends niya since ilang years din siyang wala sa Pilipinas.” Sagot nito. Nacurious naman si Joe sa kapatid nito dahil sikat ang pamilya nila sa Maynila pero never pa niya nakita ang isang kapatid ng Congressman. Bumalik si Bon sa mesa kung nasaan si Cham at niyaya na ang mga ito na kumuha ng makakain. Hinawakan naman ni Bon ang kanang kamay ni Cham habang naglalakad. “Okay lang ako Bon.” Tangi niya ng aalisin na niya ang kamay niya. Pero hindi ito sumagot bagkus ay ngitian lang siya. Hanggang nakarating sila sa hilera ng mga pagkain ay magkahawak lang ang mga kamay nito. Tinanong ni Bon ano gusto niya kainin at ipinahatid ang mga ito sa mga waiter sa mesa nila. “Kain ka lang ah, babalik ako ulit kasi andiyan si Mayor Cruz may paguusapan lang kami.”inalalayan ulit ni Bon na makaupo si Cham pagbalik nila sa mesa nito. Wala na ang magulang nito ng bumalik sila, sila ni Joe at dalawang pinsan ni Bon ang natira sa mesa nila. “Ang lolo mo ah todo hawak sa kamay mo gel parang mawawala ka ah.” Bulong ni Joe kay Cham. “Kaya nga eh, nakakailang kaya. Napansin mo may mga media kumukuha sa amin, issue to friend.” Nagkatinginan naman ang dalawa at napailing na lang si Cham. “Naku patay tayo! Pinakilala ka na nga sa mudrakels at paderlalo niya eh.” Napanguso naman si Cham. “Kaloka friend. Kain nga muna tayo nagaalburoto na ang mga alaga ko.” Dinaan na lang muna sa pagkain ni Cham ang inaalala niya. Hindi niya akalain na ipapakilala na siya ni Bon sa magulang nito na nililigawan niya. Ini-enjoy na lang niya ang paligid dahil sa daming artista na nakikita pati ang banda na nakasalang ay isa sa mga paborito niya. “Sabi ko na eh. Sila na talaga ayaw pa lang umamin.” Komento ni Joe ng may makitang dalawang celebrity na pilit na dinedeny na sila. “Meron na naman akong blind item bukas friend.” Natutuwang sabi nito. “Ang talas ng mata mo ah.” “Aba check dapat ganon talaga para makakuha ng scoop” inilabas ni Joe ang cellphone nito at pasimpleng kinuhaan ang dalawang celebrity na magkaholding hands. Dumating na ulit ang mga magulang ni Bon at may mga kasama itong waiter na may dalang mga ladies drink para kay Cham at Joe. “Nasaan na ba ang anak mo sinabi na 8pm ang start 10pm na wala pa din.” Tanong ni Mrs Manlapas. “I already called him but he’s not answering. Pupunta yun sabi niya” Kinamusta naman si Cham ng mga ito kung okay lang sila. Siyang dating naman ni Bon. “Cham sorry if hindi ako mapirmi ang dami kasing mga bisita pinaguusapan din kasi namin ang mangyayaring election sa susunod na taon.” Pagpapaumanhin nito, lumipat naman ng upuan si Joe para makatabi ni Bon si Cham. Nang magsalita ang vocalist ng banda na nasa stage na nagyayaya ng mga gusto sumayaw. “Can we dance?” yaya ni Bon at inilahad ang kamay nito. “Okay” hawak kamay na naman sila na nagpunta sa unahan. “She’s so pretty honey” komento ni Mrs Manlapas kay Cham sa asawa. “Diba nga mana sa akin ang anak mo. Magaling pumili.” Proud na proud na sabi ng daddy nito. “Mukha nga sir ang ganda pa rin ni Madam fresh na fresh. hehe.” Joe butt in. Nagtawanan ang mga ito. At masayang pinagmamasdan ang dalawa na center of attraction na. Walang ibang sumunod na sumayaw, mukhang hinayaan muna ang birthday boy. Hiyang-hiya naman si Cham pagdating nila sa gitna, akala niya ay may mga makakasama silang sasayaw din pero mukhang sila lang dalawa. “Thank you for coming… Into my life” agad na sabi ni Bon pagtugtog pa lang ng banda. Kinuha nito ang dalawang kamay ni Cham at inilagay sa magkabilang balikat niya. Bigla naman nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ni Cham ng hawakan ni Bon ang magkabilang bewang niya. Hindi naman siya makasagot sa sinabi nito, she just gave him a small smile. Ikinagulat naman ni Cham ng lumapit ang mukha ni Bon at nagtapat ang mga noo nila. “The first time I saw you, it may sound cheesy and gay pero pinatibok mo ang natutulog kong puso.” Seryosong sambit nito. Nanginginig naman na ang mga kamay ni Cham, she couldn’t imagine na magiging ganito ang tagpo nila. With Bon telling her what he feels. “Natakot ako ng naaksidente ka, akala ko kasi mawawalan na ako ng pag-asa na masabi ko ito sayo.” Titig na titig ito kay Cham, samantalang si Cham ay hindi na alam kung saan pa ibabaling ang mata dahil talaga naiilang na siya at nahihiya. “Now that I have another chance to make it right when we first met. Sorry for being arrogant last time, I’m just hurt that time with the accusation your company did to me.” Bigla naman nabuhayan si Cham at naalala ang pakay dito. “Wala yun, I want to apologize in behalf of Alban publishing with what happened.” Mabilis na sagot ni Cham, napangiti naman si Bon. “No worries, wala kang kasalanan naman doon. Kami na bahala ni Mr. Alban about it. Going back Cham, let’s not talk about business right now. I’m still enjoying this moment with you.” Nakangiti pa din ito na parang kinikilig na teenager. “Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganito, ang saya ko ngayong birthday ko. Because you’re here with me” hindi naman napigilan na ni Bon ang bugso ng damdamin nito, kaya naman ay niyakap na nito si Cham habang umiindayog sila sa saliw ng kanta. Wala naman nagawa si Cham kundi ang hintayin na matapos ang kanta. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso ni Cham dahil hindi niya inaasahan na ang unang yayakap sa kanya ay isang estranghero pa. She’s still dreaming of someday she can hug Ellsworth again. Bigla na naman siyang nalungkot at napapikit and saw the image of the love of her life. “Please Cham, I want you to be my girl. I don’t believe in courtship, I just believe in magic.” Bulong nito. Humiwalay naman ito ng bahagya na sa kanya. “You don’t need to answer it now, but I’m hoping na you will say yes soon. I’m getting older, only you can really complete me now.” Hindi naiwasan ni Cham na mapasinghap dahil sa daming mga rebelasyon nito sa kanya. Hindi na niya alam paano pa ang gagawin. She don’t know what to answer. "Halika na I need to go to the powder room. Need to pee.” Natatawang sabi niya. Nagsinungaling lang siya para lang matapos na ang usapan nila at makaalis na siya dito. Natawa din si Congressman sa kanya. “Oh okay, sorry naihi ka na siguro sa kilig noh?” she fake a laugh. “Haha ayos ah. Let’s go.” Naglakad na sila pabalik sa table nila, agad naman niyang hinila si Joe. “Oh My God!” dahan-dahan na sabi ni Joe. “Kakaloka friend, ano ba itong pinasok ko.” “Pulang-pula ka friend ang sweet ni Congressman nakakatunaw. MayGhawd kung ako yun maiihi din talaga ako sa kilig.” Pang-aasar pa nit okay Cham. “Grabe ka ah hindi ka na nakakatulong. Hindi ko gusto tong moment na ganito friend.” Andito na sila sa tapat ng restroom ng babae. “Arouch naman mga kuya, kung makabunggo wagas.” Bigla naman nawala ang concentration ni Joe sa paguusap nila dahil sunod-sunod ang mga lalaking dumaan sa likod nila na lahat ay mga naka black na leather jacket. Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Joe ng lumingon at nakita ang mga itsura nito. “Sorry” sabi ng ilan sa mga ito. “Kuya isa pang bunggo please.” Malanding sabi nito. “Diyan ka na nga muna iihi lang ako.” Nagpaalam na muna si Cham dahil tulala na si Joe sa mga ito, tumigil kasi ang mga ito sa malapit na bar stand. “Kaloka umuulan ng mga fafa.” Bulong ni Joe sa sarili niya. “Iho what took you so long?” bungad ni Mrs. Manlapas sa bunsong anak. “Mom I’m here like 30mins ago already I’m just here with my friends over there.” Humalik ito sa kanyang ina at itinuro ang mga kaibigan na kasalukuyang nasa bar. “Okay just stay here a for a moment. Did you greet your kuya na ba? Nagpakita ka na ba sa kanya?” umupo ito sa tabi ni Mrs Manlapas. “Not yet, I just came home from Ilocos I’m kinda tired already.” “Oh okay just stay maybe for another hour I want you to meet someone. I think your Kuya is inlove again.” Masayang balita nito sa anak. “Oh really. Is that the girl he dance with awhile ago?” tumango ang mommy nito. “Well not bad. She looks good. But I’m not sure if bagay sila ni Bon.” Napakibit balikat na lang ito dahil mukhang masaya nga ang kuya niya when he look at him from afar. But she’s not sure about that girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD