Jordan Isa isa nang umalis ang ibang miyembro sa loob ng opisina ng hideout pagkatapos ng meeting. Ngunit minabuti kong manatili muna sa loob nito upang komprontahin ang dalawang leader na demonyo. Halos hindi nga ako nakinig kanina kay Buwitre kung sino ang mga susunod na bibiktimahin ng aming grupo dahil nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Hindi lang ako makapaniwala na ang dalawang pinakamataas na leader ng BuLeAg gang ay kilala ko. Hindi lang kilala-- kundi malapit sila sa puso ko. Nakadekwatro akong nakaupo pa rin sa sofa habang lahat ng miyembro ay nakaalis na ng opisina. Napatingin sa akin si Red Maya. "May kailangan ka ba Buhawi?" Tanong nito Hindi ako kumibo dahil ngayon ay mas malinaw na sa akin ang lahat na si Liza nga ang nagkukubli sa likod ng maskarang iyon! Hi

