Jordan Sa kasalukuyan Habang naghihintay kami ng balita mula kila Papa at Kuya Leighton tungkol sa kapatid naming si Kate na hawak ng BuLeAg gang ay hindi naman kami mapakaling lahat sa bahay. Hindi matatahimik ang mga puso namin hangga't hindi pa rin namin nakakasama ang bunso naming kapatid! Napansin ko din ang labis na pagkabalisa ni Liza habang nakaupo sya sa tabi ni Mama. Kakaiba ang mga ikinikilos ng kapatid ko. Marahil ay dahil ngayon ko lang din syang nakita na ganito kastress! Maya maya pa ay nakita kong nagtungo sya sa kusina at doon ay mistulang may itinatago sa aming lahat. May tumawag sa kanyang cellphone na syang ipinagtataka ko kung bakit pa nya kailangang lumayo sa amin. Hindi ko alam kung bakit pa nya kailangang magtago doon na tila ba tuliro sa lahat ng nangyayar

