Jordan Nakita kong may kinuha si Johnny sa likurang bahagi ng kotse nya na kaparehas ng laman ng binigay nyang paper bag. Nakakakilabot ang itsura nito. Talagang parang gusto ko nang umurong sa usapan namin ngunit paano? Nang humarap sya sa akin ay suot na nya ang isang nakakatakot na maskara ng demonyo! Naglalakihan ang mga pangil nito na tila kakainin ako. Hindi ko namalayang tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Mahigpit akong nakahawak sa paper bag habang patuloy na nagdadaluyan ang tubig sa mga mata ko. "Bakit Jordan? Umuurong ka na ba? Hindi na pwede, dahil alam mo na ang sekreto ko! Kung umurong ka man ngayon ay mabuti pang patayin na lang kita!" sabi pa nito Mas lalo akong nakaramdam ng takot sa kaloob looban ng puso ko. Ngayon lang ako natakot

