Jordan Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang paghilab ng tiyan ni Marian. Ang higpit ng kapit nya sa mga kamay ko. Halos hindi na rin sya makahinga ng maayos. Iba talaga ang mga pinagdadaanan ng mga babae. Mas malakas sila kaysa sa aming mga lalaki. Sa panganganak pa lang ay sinasaluduhan ko na sila. Ang hirap kayang manganak. Kaya kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maging babae, maraming hirap na pinagdadaanan. "J-Jordan, grabe yung sakit ng tiyan ko. Baka manganak ako dito sa taxi!" Sigaw nya sa akin Ako naman ay aligaga na sa narinig ko. Josko! Anong gagawin ko kung biglang lumabas ang anak ko dito? Kaya ang inestress ko na lang ay si Manong driver. "Kuyaa! Wala na bang ibibilis ang taxi nyo? Baka manganak na ang asawa ko sa taxi mo!" Bulyaw ko. Napatingin si Manong sa ma

