Jordan Naipaliwanag nina Kuya Leighton at Charmaine sa akin ang totoong nangyari sa relasyon nila. Sa kanilang mga kwento ay talagang si Ehra ang lumalabas na masama at naging biktima lamang si Charmaine. Malaki ang pagsisisi ko dahil kumampi ako sa maling tao. Ano pa nga ba ang bago? Lagi naman akong kumakampi sa masama. Naging miyembro pa nga ako ng gang at pinakidnap ko pa nga sya di ba? Tsk! Karugtong na yata ng buhay ko ang kasamaan. Ito yata ang namana ko sa tatay kong binudol noon si Mama. Ngunit kahit ganoon ang nangyari kay Ehra ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Alam kong may malaking dahilan kung bakit nya nagawa ang mga bagay na iyon sa kanyang pinsang si Charmaine. Ang puno't dulo marahil nito ay hindi sya masaya. Sana lang, kung nasaan man sya ngayon ay nasa mabut

