Jordan "Pilitin mong makadalo sa kasal ni Kuya Leighton. Liza naman, wag mo namang palalampasin ang mga importanteng okasyon ng pamilya natin." Pagmamakaawa ko sa aking kapatid Panay pagsinghap lang ang kanyang itinutugon sa akin. Tila ba ikinulong na sya ni Buwitre sa malapalasyong lugar na iyon at ginawa nyang Reyna ng sarili nyang kaharian ang kapatid ko. Hindi na namin sya nakakasama. Hindi sya pinapayagang lumabas ni Brent at iyon ang mahigpit nitong utos. Kung lalabas man ang kapatid ko ay kailangan pang samahan ng mga body guards. Ganito kalupit ang ginawa nya sa kapatid ko. Ang akala nya siguro ay pagmamahal na maituturing ang bagay na iyon. Ngunit hindi eh, sakim si Buwitre at hindi nya talaga alam ang kahulugan ng salitang mahal. "Ano na? Kapatid, naghihintay ako ng OO mo

