Ilang minuto pa ay nag ring ang telepono ni Greg. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang si Faith na ang tumatawag pero ang sekretary niya pala ang nasa kabilang linya.
"Sir! Lumabas na po ng hospital ang mag lola kaninang umaga lang po!", report ng sekretary sa kanya.
"What? akala ko ay bukas pa? Pero hindi na bali. Meron pa akong ipapagawa sa iyo, can you get me Faith's contact number please. Sigurado akong meron iyon sa hospital's record, ASAP, okay?", anas niya dito
"Yes Sir! No problem", sagot nito at naputol na ang tawag.
Papuntang Conference na naman siya ngayon.
He will have that Michelle talk to what she did! He promise to himself.
Nang makarating sa venue ay hinanap kaagad niya ang babae.
Marami ng tao doon at ayaw naman niyang mag iskandalo kaya he gently stroll towards her and grab her hand. Midyo nagulat pa ang babae sa ginawa niya pero ng makitang siya iyon ay automatikong ngumiti ang babae sa kanya
The Nerve!
Pero hinabaan niya ang pasensiya dito.
"Mag usap tayo Ms Chua!", bulong niya dito at hinatak ang babae palayo sa mga tao.
Lumabas sila ng conference room at nagpunta sa walang tao na parti ng hotel.
Once there, he roughly release her hand.
"Ouch", naanas pa ng dalaga.
"Tell me Ms Chua, anong ginawa mo kagabi huh? and what did you do to my phone?"
Ngumisi lang ang babae bilang tugon sa pang-uusig niya
He snap. Nauubos na ang pasensya niya sa babae.
Marahas niya itong hinawakan sa dalawang balikat.
"Bitawan mo'ko Mr Sebastian! nasasaktan na ako!", anas naman nito.
"Are you that desperate to get me Ms Chua? you've stoop down your level and did something cruel just to get me?", pang-iinsulto niya dito.
"Yes! ganoon ako ka gaga sa iyo, Mr Sebastian! I can do whatever just to get you! I can destroy someone who will steal you from me!", pasigaw nang sagot ng dalaga sa kanya.
"You're a crazy woman! You won't have me even you'll do all the wickiest thing in the world, mas lalong hindi kita magugustuhan, kaya stop this Ms Chua!", anas niya dito at iniwan na ang babae.
__________
Kinabukasan
Nasa loob na siya ng eroplano. Hindi na niya tinapos pa ang conference. Hindi naman din siya makakapag-concentrate.
Hindi niya makontak si Faith at hindi rin ito tumatawag sa kanya. Nag-aalala siya sa dalaga at nami-miss niya ito kaya nakapag desisyon na siyang umuwi.
Nasa kalagitnaan na sila ng Kanilang Flight ng mag alarm ang eroplano.
Mukhang may problema.
Naramdaman ni Greg ang malakas na pag-alog ng sasakyang panghimpapawid.
Ang ibang mga pasahero ay natatakot na.
Agad namang nag abiso ang piloto that they are currently experiencing weather turbulence and everyone should be seated and wear the seatbelt.
Nakita pa ni Greg mula sa bintana ang isang malakas na kidlat.
Alam niyang highly resistant ang mga eroplano sa kidlat pero nakadama pa rin siya ng kakaibang takot.
Parang sa isipan niya'y naranasan na niya ang ganitong trahedya noon.
Mas tumindi pa ang kalagayan nila sa loob ng eroplano. Ang mga stewardess ay umupo na sa kanilang designated seats dahil mukhang mag ca-crash landing sila any minute.
Wala ring humpay ang pagtunog ng alarm system ng eroplano.
Ang ibang kasamahan niya sa loob ay may umiiyak na sa takot.
Biglang sumakit ang ulo ni Greg kasunod ng mga parang ala-alang bumabalik sa kanya. It was flashes of the same situation that he was in a plane crash before.
Isang alaala na nakalimutan niya.
At kasabay ng mga ala-alang ito ay ang ala-ala ng isang babae na naging dahilan upang kumapit siya at piniling maging matatag, alerto upang mabuhay pa.
It was Faith.
It was Faith all along. Even before it was Faith.
He then remember who he was.
He is Ced.
At tulad ng naunang plane crash ay nanatiling matatag at may presence of mind ang binata kasabay ng dasal na sana’y makaligtas siya ulit. Na sana’y bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.
Pero sa isang iglap ay narinig ni Greg ang isang malakas na pagsabog at dumilim ang lahat.