Magkayakap pa rin sina Mattias at Lady Abby habang pinagsasaluhan ang mainit na sandali. Tila hindi nararamdaman ng kanilang katawan ang lamig sa loob ng silid na iyon na dulot ng aircon. Pagod na pagod sila, pawisan ang hubo't hubad nilang katawan at abala sa halikan na tila ba walang katapusan. Nakahiga si Mattias sa couch. Nasa ibabaw niya ang dalaga na ngayon ay nagsabog ang mahabang buhok dahil na nakababaliw na tagpong iyon. Magkadikit pa rin ang kanilang mga labi na waring nagpapaligsahan kung sino sa kanilang dalawa ang may angking galing sa pakikipaghalikan. Mayamaya ay tumigil si Lady Abby sa paghalik. Inabot niya ang sariling bag na naroon sa ulunan ni Mattias. Mula sa bag ay kinuha niya ang condom na pinabaon sa kaniya ni Vena. Bubuksan na niya sana iyon subalit napansin niy

