"You are trembling, Gail." Hinaplos ni Mattias ang likod ni Lady Abby habang yakap-yakap ito. "Is it because of your cousin? Vena told me about him." "I- I need to get out of here. Ayokong m-makita niya ako rito sa restaurant." Nanginginig pa rin ang boses ni Lady Abby. Natatakot siya hindi dahil kay Islao kundi sa ama niya na si Don Redentor. Ayaw niyang makita siya nito na may kasamang ibang lalaki lalo na at malapit ng dumating sa bansa ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya ng sariling ama. Natitiyak niya na nagkakaroon ng gulo sa oras na malaman ni Don Redentor ang namamagitan sa kanila ni Mattias. "Relax, Sweetheart." Gamit ang magkabilang palad ay hinawakan ni Mattias ang pisngi ni Lady Abby saka kinintalan ng halik sa noo. "I'm here." Malikot ang mga mata ni Lady Abby, hinayaan ni

