"I was just kidding," saad ni Lady Abby. Silang dalawa na lang ni Mattias ang naiwan sa harap ng mesa dahil nagpaalam si Vena na pupunta sa ladies room. "I didn't mean what I said a while ago." Ngumiti lang si Mattias bilang tugon. Ayaw niyang magkomento dahil napansin niya na tila naba-bad trip na si Lady Abby. Nagiging defensive na kasi ito at panay ang pag-irap kanina habang kaharap nila si Vena. "I never knew your are the owner of this place," kaswal na saad ni Lady Abby. Medyo nabawasan nang kaunti ang kaba sa kaniyang dibdib. "Bago lang ito, right?" "Yeah," tugon ni Mattias matapos punasan ang labi gamit ang table napkin. "Last week lang ni-launch ang opening ng restaurant na 'to." Muli niyang tinitigan ang dalaga. Bahagyang ngumiti si Lady Abby at nag-iwas ng paningin dahil hind

