Mainit pa ang hangin ng gabi nang sabay-sabay silang lumabas mula sa resto. Bitbit ni Celine ang maliit na box ng cassava cake na ginawa niya talaga para sa kanila. “Grabe, Celine,” natatawa si Celeste, “ikaw na talaga ang reyna ng dessert galore. Lagi kang may pa-surprise.” “Haka, hindi po ako reyna,” protesta ni Celine sabay tawa. “Gusto ko lang may extra kasi ayaw kong nabibitin kayo ng cassava cake. Ang bilis niyo kasi kumain.” “Uy, hindi kami,” depensa ni Lance, “si Mama ‘yun. Nagmana lang ako.” “Tamaaaa!” bulalas ni Celeste sabay taas ng kamay na parang proud. Napuno ulit ng tawanan ang paligid habang naglalakad sila papunta sa parking lot. Pero habang nagkakatuwaan, may kakaibang tension na bumabalot kina Celine at Lance. Parang bawat sulyap nila sa isa’t isa ay may nakatagong

