Pagkatapos ng buong araw na beach outing orchestrated ni Celeste (a.k.a. Operation Matchmaker 2.0), akala ni Celine makakabalik na siya sa tahimik at normal na weekend. Pero hindi pala. - Kinabukasan, nagising si Celine sa tunog ng sunod-sunod na notifs. Pagtingin niya sa phone, may bagong group chat na pinangalanan ni Celeste ng: “Beach Fam + Special Guest Celine 💕” “Oh no…” napabulong si Celine, ramdam na agad ang kaba. Pagbukas niya ng chat, bumungad ang sunod-sunod na photos at videos. 📸 Lance na nakatulala habang pinupunasan niya ng towel si Celine. 📸 Celine na basang sisiw, awkward na nakangiti habang tinatawanan ng lahat. 📸 Candid shot ng dalawa, parehong nakatingin sa isa’t isa, oblivious sa paligid. At ang caption ni Celeste: “Chemistry unlocked 🔥🔥🔥” “Grabe… Tita talaga!”

