Chapter 7 - annoying bumps

1001 Words
“Bakit ba ang daming tao dito ngayon?” reklamo ni Celine habang hinihila ang cart papasok ng malaking supermarket. Hindi naman talaga siya mahilig mag-grocery, pero dahil puno na ng instant noodles ang aparador niya at wala na siyang matinong ulam, napilitan siyang lumabas ngayong linggo. Habang naglalakad, nagsalubong ang kilay niya nang mapansin ang isang pamilyar na tindig ng lalaki sa meat section—malapad ang balikat, naka-long sleeves kahit mainit, at parang may aura ng isang boss kahit nasa gitna ng frozen goods. “Hindi pwede…” bulong ni Celine habang nagtatago sa likod ng estante ng cereal. “Anong ginagawa ng isang CEO dito? Bumibili ng hotdog?!” Pero tama ang kutob niya. Si Lance nga iyon, hawak-hawak ang basket na puno ng steak, salmon, at kung ano-anong mamahaling pang-ulam. Natural, fresh from the boardroom look pa rin siya kahit nasa grocery lang—at tila hindi pa rin makawala ang aura ng ‘perfection’ niya. “Of all the places…” Celine rolled her eyes. “Seryoso ba ‘to, universe?” Wala pang isang minuto, nagkrus ang landas nila. “Miss Celine,” malapad ang ngiti ni Lance, pero halatang nanunukso. “What a surprise. Grocery store pala ang secret hangout mo?” “Secret? Excuse me, kailangan ko ring kumain. Unless gusto mong i-sponsor ang weekly meals ko?” sabay taas ng kilay ni Celine. “Depende,” sagot ni Lance na parang wala lang. “Kung gusto mo, I can assign a personal chef for you.” “Ha! No thanks. Gusto ko ng pagkaing may soul.” sabay dumampot si Celine ng sardinas. “See? Classic.” Tiningnan ni Lance ang hawak niya at natawa. “Wow. Sardines for dinner? Romantic.” “Masarap kaya! At least hindi ako maarte.” Sa sobrang inis, inunahan ni Celine si Lance at tinulak ang cart niya papunta sa next aisle. Pero ayaw paawat ang lalaki. Nagkataon pang pareho silang dumiretso sa snacks section. Nagkatinginan ulit sila habang parehong may hawak na chips. “Seriously?!” Celine almost shouted.She is really annoyed by his presence .Sumusulpot palagi kung saan siya naroon.“Hindi ba may driver ka o assistant para gawin ‘to?” “Well,” ngumiti si Lance. “Sometimes, CEOs need to shop too. Besides…” tumigil siya sandali at nagkunwaring seryoso. “…I wanted to see what normal people buy.” “Normal?!” halos mabulunan si Celine “So abnormal ako?” “Nope,” mabilis na sagot ni Lance. “…extraordinary.” Natigilan si Celine .Muntik na siyang mapasubsob sa kilig kung hindi lang siya biglang natapilok dahil nakaharang ang gulong ng cart niya sa gulong ng cart ni Lance. “Aray!” reklamo niya. “Careful,” mabilis na inabot ni Lance ang braso niya para alalayan siya. For a split second, nagdikit ang balat nila at ramdam ni Celine ang init ng kamay nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Pero siyempre, hindi siya papatalo. Hindi porke boss niya ito sa trabaho eh iinis inisin na lang siya nito dahil wala sila ngayon sa workplace. “Pwede bang itigil mo ang pag-aakto na parang leading man sa romcom? Nakakainis ka.” “Pero effective, right?” kumindat si Lance. “Ugh!” nagpatuloy si Celine sa paglalakad, iniwan siya. Pagdating nila sa cashier, akala ni Celine makakawala na siya. Pero nagulat siya nang pumila si Lance sa likod niya. Talagang naiinis na siya sa pagsubod sunod sa kanya nito.Hindi nuya talaga alam kung nananadya or talagang nagkakataom lang. “Seriously? Wala bang ibang counter?” iritable niyang tanong. Inirapan pa niya ito pero kabaligtaran ang response nito sa kanya- may pakindat pa talaga ang topakin naas lalong kina irita niya. “Meron. Pero mas masaya dito.”sabi sa kanya ni Lance sabay kindat pa. Hindi niya mapagtanto sa sarili pero may kakaibang curiosity at hila ang dulot ng aura at vibes ni Celine sa kanya. Habang ini-scan ng cashier ang mga pinamili, napansin ni Lance ang laman ng cart ni Celine—puro instant noodles, sardinas, chips, tsaka dalawang bote ng kape. “Balanced diet,” komento niya. “At least hindi steak na parang pang-five star restaurant.” depensa ni Celine. “Maybe next time,” sabi ni Lance, nakatitig sa kanya, “…you’ll let me cook for you.” Celine almost dropped the change sa sobrang gulat. Hindi niya alam kung biro lang iyon o seryoso. Pero ang isiping si Lance ipagluluto siya? Si Lance ,talaga lang? Marunong mdgluto ang topak na to? "No way, cannot be.He must be joking" ika niya sa isip. Paglabas nila ng grocery, sabay silang naglakad papunta sa parking area. Hindi man nila plano, pero nagkataong parehong direksyon ang lakad nila.Maloko talaga ang tadhana at palagi silang pinagtatagpo ngayong mga nakaraan. Tahimik lang si Celine, habang kinukumbinsi ang sarili na hindi siya kinikilig. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isip niya. Pero biglang humangin at halos liparin ng hangin ang paper bag niya. Mabilis na inabot ni Lance at nailigtas ang mga groceries niya bago tuluyang mabasag sa kalsada. “See? You do need me,” nakangisi niyang sabi. Napahinto si Celine ,napatingin sa kanya. Ilang segundo silang nagkatitigan, at tila may spark sa paligid na parang eksenang pang-drama. Pero bago pa tuluyang maging romantic ang mood, biglang bumusina ang isang kotse. “Hoy! Tumabi kayo!” Parehong natauhan sina Celine at Lance. Nagtawanan sila, parehong namula ang pisngi. “Fine,” sabi ni Celine .“Thanks for saving my groceries… pero wag mong iisipin na ibig sabihin nun ay may utang na loob ako sa ‘yo.” Napailing na lang si Lance habang tinititigan pa rin ang nakanguso pang si Celine habang nagsasalita. She really is cute sa paningin niya kahit nagsusungit ito sa kanya sometimes. “Don’t worry,” malambing na ngiti ni Lance. “I’ll find other ways para magka-utang ka sa akin.” Naglakad silang magkahiwalay, pero parehong hindi mapigilang ngumiti habang palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD