Chapter 8 - Miss Professional

1015 Words
Lunes ng umaga. Maaga pa lang ay gising na si Celine , nakatitig sa salamin habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili: Professional ka, Celine. Professional. Hindi niya alam kung para ba itong mantra o panalangin, pero isa lang ang sigurado—ayaw niyang maulit ang pagiging off guard niya kagabi. Pagdating niya sa opisina, naka-blazer siya, nakaayos ang buhok, at mas seryoso ang aura kaysa dati. Habang naglalakad siya papasok sa conference room dala ang laptop, sinisiguro niyang hindi siya magmukhang naiilang. Pero pagkapasok niya, naroon na si Lance—nakaupo, nakasandal, at nakatingin sa kanya na parang siya lang ang tao sa loob ng kwarto. Nakataas ang isang kilay, hawak ang isang tasa ng kape, at nakangising parang alam lahat ng iniisip niya. “Good morning, Miss Professional,” malanding bati ni Lance habang kinikindatan siya. Mabilis siyang umupo at hindi nag-angat ng tingin. “Good morning, sir. Let’s keep this day strictly about work.” “Sure,” sagot niya, pero halatang hindi sincere. “Strictly work. Nothing personal. Nothing at all.” Pinili na lang ni Celine na huwag mag-react. Binuksan niya ang laptop at nagsimulang i-layout ang report para sa upcoming presentation nila. Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalilipas, napansin niyang lumapit si Lance, dala ang sariling laptop. Umupo ito sa tabi niya—sobrang lapit, halos magdikit na ang balikat nila. “Bakit dito ka umupo? Ang laki ng mesa oh,” reklamo niya, sabay tingin sa kabilang dulo na maluwag naman. “Teamwork,” sagot nito. “And besides, mas mabilis akong makakakita ng mali sa gawa mo kung dito ako uupo.” “Excuse me, ako ang gumagawa ng reports dito.” “Exactly,” nakangiting tugon ni Lance. “Kaya kailangan ng supervision.” Napairap na lang si Celine. Pero habang nakatingin siya sa monitor, ramdam niya ang init ng presensya ni Lance sa tabi niya. Minsan ay sumasagi ang braso nila, minsan ay lumalapit ang mukha nito kapag may pinapakita sa screen. Sa bawat sandaling gano’n, parang napuputol ang konsentrasyon niya. “Celine,” biglang sabi ni Lance. “Hm?” “Your grammar’s wrong. Hindi ‘their is’, dapat ‘there is.’” Napa-ikot ang ulo ni Celine at tiningnan siya nang masama. “Mas magaling ka na rin pala sa English teacher, ha?” “Just pointing out. You don’t want our company to look bad, do you?” Hindi siya nakapagsalita agad. Sa halip ay tinipa niya ulit ang report, pero ramdam niyang nakangisi si Lance sa gilid niya. Ilang saglit pa, kinuha nito ang ballpen na nakapatong sa harap niya—dumukwang, at halos dumikit ang dibdib nito sa braso niya. Napasinghap si Celine , at biglang napatingin sa mukha ni Lance na ilang pulgada lang ang layo. Saglit silang nagkatitigan, walang imik, at pareho nilang naramdaman ang bahagyang pagtigil ng oras. Agad siyang umatras at nagkunwaring busy. “Can you… not invade my personal space?” “Personal space?” Lance chuckled. “We’re working on the same laptop. You can’t call that invasion.” “Still,” mariin niyang sagot. Tumango si Lance, pero halatang nage-enjoy sa pang-aasar. Pagkalipas ng kalahating oras, halos hindi na mag-concentrate si Celine. Sa tuwing nagsasalita si Lance, laging may kasamang pang-aasar. “Why do you keep biting your lip when you type? Nakaka-distract.” “Stop watching me then.” “Hard not to.” “Mr. Zamora!” napalakas ang boses ni Celine. Nagulat si Lance, pero ngumisi pa rin. “Relax. Sabi mo nga, professional. I’m just… observing.” Nagkatinginan silang dalawa, parehong nakataas ang kilay, parehong hindi nagpapatalo. Pero sa ilalim ng palitan nila, ramdam nilang may kakaibang init na hindi nila kayang kontrolin. Pagsapit ng tanghali, dumating ang isang assistant para ipaalam na may quick meeting sa boardroom. Magkasabay silang pumasok, pero dahil puno na ang loob, napilitan silang magkatabi sa isang upuan. Habang nag-uusap ang ibang executives tungkol sa project, nakayuko si Celine sa notes niya. Napansin niyang nakalapit ang tuhod ni Lance sa kanya. Hindi ito umaatras, bagkus ay parang sinasadya pang dumikit. Celine scribbled in her notebook: Can you move? sabay pasimpleng itinulak papunta sa kanya. Lance read it, then scribbled back sa sariling papel: Why? Do I make you nervous? Lihim na napasinghal si Celine.. Sinulat niya pabalik: You’re annoying. Lance’s reply: Admit it, you like it. Halos gusto nang magtapon ng notebook si Celine, pero hindi puwede dahil nasa meeting sila. Kaya’t mariin niyang pinikit ang mga mata at huminga nang malalim. “Professional,” bulong niya sa sarili. Pero pagdilat niya, nakatitig na naman sa kanya si Lance—may ngiting parang alam na alam niya kung anong iniisip ni Celine. Pagkatapos ng meeting, naglakad silang dalawa palabas ng boardroom. Tahimik si Celine,, hawak-hawak ang mga folders. Ngunit bago pa siya makalayo, nagsalita si Lance. “You know what, Celine…” “Ano na naman?” “You’re trying too hard.” Napahinto siya at tiningnan si Lance. “Excuse me?” “You’re trying too hard to act like last night didn’t happen. To act like you don’t feel anything. But…” Yumuko ito ng kaunti, halos pabulong. “…I can see through you.” Nanlaki ang mata ni Celine. “Mr. Zamora ,stop assuming things. Wala akong nararamdaman. At isa pa, nasa trabaho tayo. Professionalism, remember?” “Right,” ngumisi si Lance, at saka tumalikod para maglakad. “Professionalism.” Pero bago pa siya tuluyang makaalis, bumaling ito muli at kumindat. “Let’s see how long you can keep that up.” At sa gabing iyon, habang nag-iisa sa condo, hindi maiwasang mapahiga si Celine nang nakatakip ang unan sa mukha. Professional daw. Pero bakit parang mas lalo akong napapaisip kapag siya ang kaharap ko? Sa kabilang banda, si Lance naman ay nakaupo sa opisina niya, hawak ang ballpen na ginamit nila kanina. Nakangiti siya, na parang may nakikitang larong matagal pa bago matapos. “At least she’s fun to tease,” bulong niya sa sarili. “Pero sooner or later… she’ll realize she can’t keep it all professional.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD