“Lance, .....can we...talk? Seryosong usapan sana please. Pause muna tayo sa jokes mo, pwede ba tayong mag-usap sandali?” mahinang sabi ni Celine habang sabay silang naglalakad palabas ng meeting room. Kanina lang, muntik na siyang sumabog sa hiya nang biglang kumalat ang tsismis na “boyfriend” niya raw si Lance. All because of a stupid misunderstanding—at siyempre, thanks to Diane’s wide-eyed, tsismosa cousin na intern sa opisina. “Sure. Pero… kung tungkol ‘to sa pagiging boyfriend mo…” Tumigil si Lance, nakangisi habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “…don’t worry, Celine. I’m a very convincing fake boyfriend.” “Lance!” mariing bulong ni Mia, sabay hampas sa braso nito. “Hindi nakakatawa! Hindi pwedeng kumalat ‘yon! Baka isipin ng lahat na may… may something tayong dalawa.”

