(Lance’s POV) Malamig na ang hangin nang lumabas kami mula sa hotel ballroom kung saan ginanap ang debut. Naka-jacket na ako, at si Celine naman ay nakayakap ang shawl sa balikat habang inaayos ang buhok na nilaro ng hangin. Ang mga ilaw ng Baguio ay kumikislap sa di-kalayuan—parang nag-aanyaya ng panibagong adventure. “Bitin ako,” sabi niya, bahagyang nanginginig sa lamig pero may kilig sa boses. “Ayoko pang umuwi. Ang saya ng gabi, pero… parang gusto ko pa maglakad.” Napangiti ako. “Alam mo ba kung anong kailangan mo?” “Ano?” “Night market,” sagot ko agad. “Ukay finds, random food stalls, at tsaka—” umarte akong dramatic, “—ang sikat na strawberry taho.” Natawa siya, ‘yung tawa niyang nakakahawa. “Sige na nga. Pero ikaw ang bahala sa taho.” Sa Harrison Road night market, parang s

