(Celine’s POV) Mainit ang mga ilaw sa ballroom at punong-puno ng halakhak at musika ang gabi. Dumadagundong ang bass ng party playlist na pinili ng pinsan kong si Alyssa, habang ang mga fairy lights sa kisame ay parang bituin na nahulog mula sa langit. Ang amoy ng mga bulaklak at matamis na desserts ay sumasabay sa malamig na simoy ng aircon. Ngayong gabi ay debut ni Trina, ang pinsan ko—at hindi ko inaasahan na magiging isa itong gabing hindi ko makakalimutan. “Uy, Celine;” sigaw ni Alyssa habang tinutulungan kong ayusin ang sash ng debutante. “Ang gwapo nung kasama mo ha… friend mo raw?” sabay sulyap kay Lance na nasa tapat lang, kausap ang Tito Ben ko na parang matagal nang magkakilala. “Kaibigan lang,” sagot ko, pero ramdam kong namumula ang tenga ko. Habang abala ang lahat, napan

