(Third Person POV) Pagkatapos ng mahabang araw sa opisina, maaga pang umuwi si Celeste para maghanda ng isang simpleng hapunan. Dahil gusto niyang magaan ang gabi ng lahat—lalo na’t kapipirma lang ng ilang kontrata ni Armando at mainit ang usapan sa board—nagpasya siyang bumili ng sahog sa supermarket na paborito ni Armando para gawing dinner nila. Sinigang na bangus at ginataang laing na siguradong ilang taong namiss ni Armando. Tahimik ang bahay ng mga Zamora nang dumating si Armando, suot pa ang maayos na amerikana pero halatang pagod. Nang batiin siya ni Celeste sa may pintuan, may bahid ng ngiti sa kanyang mga mata—hindi man madalas ipakita ng CEO na ito ang emosyon, tila may kakaibang saya sa presensya ng kanyang pamilya. > Celeste (nakangiti): “Perfect timing. Dinner’s ready.

