(Celine’s POV) Maaga pa lang, bumisita si Celeste sa opisina para asikasuhin ang ilang papeles kasama ko. Dahil close na kami nitong mga nakaraang linggo—lalo na matapos ang bonding namin sa mall at sa Clark inspection—parang natural na sa amin ang magbiruan. Nasa lounge kami ng executive floor, nag-aayos ng presentation folders para sa susunod na board review. Nakaupo kami sa carpeted floor, pareho kaming naka-heels na tinanggal muna para kumportable. May hawak kaming tig-isang latte at halos magkapulupot na sa tawa dahil sa kwento ni Ma'am Celeste tungkol sa isang nakakatawang blooper ni Lance noong bata pa siya. > Celeste (bulong habang natatawa): “Alam mo ba, minsang na-lock ‘yang si Lance sa banyo habang may VIP guests sa bahay? Akala ng mga bisita may nagtatago sa cabinet!” Ce

