(Celine's POV) Kinakabahan ako habang nakatayo sa gilid ng boardroom. Ang salamin sa conference table ay halos nagre-reflect ng mabilis na t***k ng puso ko. Ang buong opisina ay parang huminto para sa sandaling ito: ang araw kung saan ipapakita ko sa mismong Armando Zamora—ang tinaguriang Iron Architect of Europe—ang plano para sa Clark Project. Huminga ako nang malalim, marahang ini-adjust ang blazer ko at ang wireless clicker sa kamay. Sa kabilang dulo ng mahaba at mamahaling mesa, nakaupo si Armando. Matikas. Matipuno. Mataas ang kilay. Parang isang hukom na naghihintay ng maling hakbang para hatulan ka kaagad. Katabi niya si Ma'am Celeste, composed pero halatang kinakabahan din. Si Lance naman, nakasandal pero hindi mapakali—ilang beses na niyang sinulyapan ako, at bawat tingin niya

