(POV ni Lance) Ang lamig ng aircon sa boardroom ay hindi makapagpabawas ng init ng tensyon sa loob. Parang may sariling heartbeat ang mga fluorescent lights na nagbabadya ng malaking eksena—emergency meeting, lahat present: mga senior partners, si Armando Zamora mismo, at ilang consultants. Tahimik, maliban sa mahinang tunog ng projector na nag-aabang sa aking presentation. Huminga ako nang malalim, pinisil ang remote clicker, at sinalubong ang mga matang punô ng tanong. This is it, Lance. Huwag kang papalpak. “Magandang umaga,” panimula ko, habang sinubukan kong gawing steady ang boses ko. “I know everyone’s shocked sa leak. Pero before tayo magturo, I’d like to show you something.” Lumabas sa screen ang series of screenshots—ang fake layout na sinadya naming ikalat. Pinalapit ko ang

