(Celine's POV) Tahimik ang condo ko, maliban sa maliliit na “ping” ng notifications na hindi ko pinapansin. Akala ko tapos na ang drama—tapos na ang leak scandal, cleared na ako, at para bang pwede na kaming huminga ni Lance. Pero nang biglang tumunog nang mas malakas ang laptop ko, hindi ko alam kung i-o-off ko o bubuksan. Kaso, alam kong may kutob akong kailangan kong makita ‘yon. Isang subject line na para bang humugot ng hininga ko: “Exclusive Invitation: Aurora Skyline Project – Zamora Architectural Groups Shortlist.” Pinidikit ko ang palad ko sa bibig ko para hindi mapasigaw. Ang Aurora Skyline—hindi lang ito basta-bastang project. Ito ang tipo ng proyektong ini-interview ng buong industry, pinag-uusapan ng mga TED Talks, at pinapanaginipan ng mga architectural firms worldwide. E

