(Lance’s POV) Kung may soundtrack ang buhay ko ngayon, malamang dramatic bass drop. Pagkapasok ko sa glass-walled boardroom, ramdam ko agad ang tensyon. Nasa dulo si Armando, nag-aayos ng cufflinks na parang may malaking pasabog. Si Celine nakaupo sa tabi ko, hawak-hawak ang folder na halatang kinukuyom niya para hindi mahalata ang kaba. Sa paligid, nag-aantay ang mga senior architects at PR reps ng Zamora Architectural Groups. Sa gitna ng lahat ng ito, may bagong mukha sa projector screen—well, hindi naman pala bagong mukha. Pamilyar. Masakit-pamilyar. > Armando: “Ladies and gentlemen, meet Isla Arquitectura’s representative…Adrian Velasco.” Boom. Parang lumindol sa kaluluwa ko. Adrian—dating top architect ng Zamora Architectural Groups. Dating teammate ko. At, mas masakit, dating

