(Celine’s POV ) Ang ganda ng umaga—kung hindi lang sa kakaibang pakiramdam na bumabalot sa dibdib ko. Hindi ako makatulog kagabi. Kahit anong romcom playlist ang pinatugtog ko, hindi mawala sa isip ko yung huling sinabi ni Lance kagabi bago kami naghiwalay: “May storm na paparating, Celine. Pero with you,kskayanin kong banggain kahit ilang bagyo pa yan..” Kanina pa ako paikot-ikot sa condo. Hawak ko ang mug ng tsokolate na kanina pa lumalamig. Tumunog ang phone ko—isang bagong message mula kay Lance: > Lance: “Can you come in early? Need to talk before the team arrives. Bring your brave face. And maybe donuts.” Napakunot ang noo ko pero natawa rin. Brave face and donuts? May malala bang nangyari? Kinuha ko ang susi, sinuklay ang buhok ko kahit medyo magulo pa, at nagmadaling bumiyah

