Celine’s POV) Tahimik ang buong opisina ng Zamora Architectural Groups maliban sa mahinang ugong ng aircon. Nasa conference table lang kami ni Lance, parehong nakasandal pero alerto, habang nakahanda sa harap namin ang laptop na may open na security logs. Ang tanging ilaw ay mula sa screen na nagpapakita ng mga login attempts—parang cinematic crime scene sa isang K-drama, pero kami lang ang bida. Makalipas lang ang ilang oras, may nag-email ng screenshot sa amin. Ang fake file na ginawa namin kagabi… nag-leak online. Halos sabay kaming napatingin ni Lance, parehong may adrenaline rush. "It’s him," sabi niya, at may gleam ng determination sa mga mata niya. Habang hinihintay naming makumpleto ang digital trail, napansin ko na may mantsa ng tinta sa pisngi ni Lance. "Uh, Lance, may… uh… d

