(POV ni Lance) Maagang-maaga pa lang, nagmamadali na akong nag-aayos ng gamit sa penthouse. Isa sa mga paborito kong araw ang site inspection—kahit nakakastress—dahil may isang simpleng dahilan: kasama ko si Celine buong araw. Nang maalala kong pumayag siyang sumama sa akin para mag-inspect ng Clark project, parang biglang gumaan lahat ng problema ko sa opisina. Tahimik na umandar ang elevator hanggang ground floor, bitbit ko ang laptop bag at ilang blueprint. Pagdating ko sa basement parking, nakita ko na si Celine, nakasandal sa kotse ko. Naka-simple pero eleganteng beige slacks at white blouse siya, may messy bun na somehow ay mas lalo siyang gumanda. May hawak siyang iced coffee at may pilyang ngiti. “Wow, CEO,” bungad niya, “early ka ngayon. Akala ko ikaw yung tipong lagi akong pag

