(Celeste’s POV) Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng kotse, hawak ang maliit na tote bag ko habang papunta kami sa dinner na inimbitahan ni Lance. Akala ko simpleng biyahe lang ito, pero hindi ko in-expect na may makikita akong ganito. Kaninang umaga, habang bumababa ako mula sa upper floor para sunduin ni Lance, napadaan ako sa conference room. Hindi nila alam na nando’n ako, pero nakita ko kung paano nagliwanag ang buong kwarto habang nagsasalita si Celine. Nakita ko kung paano siya nag-explain nang confident, may halong humor at charm, habang lahat ay tahimik na nakikinig. At sa isang sulok, si Lance—ang anak ko—ay nakatingin sa kanya na para bang wala nang ibang tao sa paligid. Ngayon, habang nasa kotse kami at may katahimikan sa pagitan nila, hindi ko maiwasang mapangiti nang pal

