Kinabukasan, mainit ang sikat ng araw sa ibabaw ng glass panels ng building ng kumpanya. Parang pati kalikasan ay nakikicelebrate sa magandang balita. Sa hallway, makikita ang mga empleyado na may bagong sigla, may mga masayang usapan at tawa—ibang-iba sa tensyong naramdaman ilang linggo na ang nakaraan nang muntik nang bumagsak ang pangalan ng kompanya dahil sa problema sa old project. Sa boardroom, nagsimula ang emergency meeting para i-review ang resulta ng modified design na ipinaglaban ni Celine. Tahimik ang lahat habang nagpi-present ang project manager ng updated data: “Ladies and gentlemen,” nagsimula ito, nanginginig pa ang boses ng kaunting excitement, “ang revised design na pinropose ni Ms. Celine Ortega ay hindi lang nag-resolve sa structural issue… it actually enhanced the e

