Pagkatapos ng isang abalang araw sa opisina, naglakad si Celine papunta sa opisina ni Lance para magpaalam. Nakahanda na sana siyang umuwi nang maalala niya ang email na natanggap niya kanina. Kumabog ang dibdib niya—hindi pa niya nasasabi kay Lance tungkol sa imbitasyon. Kumatok siya nang marahan sa pinto. “Come in,” tawag ni Lance mula sa loob. Pagpasok niya, nakita niya itong nakasandal sa swivel chair, medyo pagod pero nakangiti nang makita siya. “Celine,” bati niya, may kakaibang lambing sa boses. “Late ka na ah, may kailangan ka pa?” Umupo si Celine sa maliit na upuan sa harap ng mesa niya, hawak ang cellphone kung saan nakabukas pa ang email. “Uhm… may sasabihin sana ako.” Tumayo si Lance, naglakad papunta sa mini pantry corner para kumuha ng tubig, tapos muling tumingin sa k

